Ikalimang Kabanata

2.1K 35 9
                                    

FRANCEL'S POV


Nandito kami ngayon sa bahay nila Pat. Parang may kakaiba. Parang galit si Pat sakin pero hindi ko alam kung bakit.

Hindi kaya tungkol dun sa ako ang kaloveteam ni Giann?

  

Pero parang ang babaw lang naman nun eh. Sabagay, baliw na baliw siya dun sa payatot na may anim na pandesal eh. 

Oppss! Forget na nga daw diba? Act na walang nangyari. Inhale. Exhale.

"Sige Mommy. Alis na kami. Bye."

Pagpapaalam ni Pat.

Nandito na kami sa kotse nila. Ang tahimik. Nakakabinging katahimikan.

"Bes, nakatulog ka ba?"

Sinubukan kong magopen ng conversation namin.

"Okay lang naman."

Bakit ganun? Di niya ako tinawag na best. Parang di siya si Pat. May sumapi ba sakanya? Huhuhuhuhu. Sana hindi nalang kasi ang napiling loveteam ni Giann.

Nakarating na kami sa office. Wala paring imikan. Hayy.

"Im glad at nakarating kayo. Let's discuss about your teleserye. It's the remake of Mara Clara. Ikaw Francel, gaganap ka bilang Mara while you Patricia, Clara. Giann will be Christian, Mara's love interest. Si Gerald ang magiging Eries. Clara's love interest."

"Sorry po. I’m late."

Biglang bumukas ang pinto at .....

ANG GWAPO!

Siya ba? Siya ba si Gerald? Ang gwapo! Maputi, matangkad at higit sa lahat YUMMY! Lol. Kelan pa ako natutong lumandi? Haha.

Oo nga pala. Nasa pagitan namin ni Pat si Giann. Si Pat, medyo nabubuhayan na naman. Hayy. Sana maging okay kami.

"Alam mo naman na ayoko ng late comers. By the way, this is Gerald Bautista. Eto na yung script. Ireview niyo nalang."

Pagkabasa na pagkabasa ko sa script, medyo tumatama ito samin ni Pat.

Ganito kasi yung story sa Mara Clara.

  

Si Mara (Ako), mahirap. Si Clara (Pat) mayaman.

Si Clara, may gusto kay Christian (Giann). Si Mara naman, may gusto kay Eries (Gerald).

Then si Christian naman, may gusto kay Mara. Si Eries may gusto kay Clara.

Hanggang sa malalaman nilang nagkapalit pala si Mara at Clara. Si Mara ang tunay na del Valle, si Clara naman ang David. This, hindi ito tumatama samin.

Basta. I can't enumerate all. Ang alam ko lang, may similarities ang kwento ng Mara Clara samin ni Pat.

Lumabas na kami sa office ni Mrs. Tan.

"Guys, alam kong hindi pa natin masyadong kilala ang isa't isa at medyo uncomfortable pa tayo. Kaya im inviting you guys for a meryenda. Sakaling makakatulong ito satin. Deal?"

Yaya ni Gerald samin. 

"Mukhang magandang ideya yan hah. Sige."

Pumayag naman ako dun. Syempre, para maging magkaibigan kami ni Gerald.

Pumayag na din si Pat. Si Giann nalang ang hindi pumapayag.

Nahuli kong tumingin sakin si Giann. Binigyan ko lang siya ng isang "anong-tinitingin-tingin-mo look."

Bigla bigla naman siyang ngumiti at pumayag na rin. Nagpunta kami ngayon sa Shakey's.

Ganito ang arrangement namin sa table.

Ako    Giann

(table)

Pat    Gerald

"Okay. I think kelangan muna nating mag-usap per partners para hindi na tayo mailang kapag nasa set na."

Sabi ni Gerald. Err. Per partner? Parang, parang, parang, parang, parang,

PARANG AYOKONG KAUSAPIN TONG KATABI KO!

Nakita ko naman si Pat. Nagroll eyes siya sakin bago siya humarap kay Gerald.

Eto naman ako. Nagdadalawang isip kung titingin ba ako kay Giann o hindi but I end up looking at him at nakatingin na pala siya sakin.

"So tell me about yourself Ms. Viloria."

Pagsisimula ni Giann. Ang formal! Tss.

"Pwedeng wag kang maging formal? Just call me Francel. Bahala ka na. Okay. 17 palang ako. Sa March, next year pa ako mag-eeighteen. Half German, half Filipino ako. Father ko ang German, Mama ko naman ang Pilipino. Wala ang papa ko. Iniwan niya kami ng mama ko. Mama ko naman, deaf and mute. Nasa bahay lang siya. Lola ko ang tumutulong samin ni mama. Kaya ako nagartista para sa bestfriend ko since birth na si Pat at nagbabakasakaling mahahanap ko ang papa ko through this."

Halos maiyak ako nung sinabi ko yun. I really want to see my father.

I composed myself. I smiled then tinanong ko naman si Giann.

"Ikaw, tell me about yourself din."

"Kiel Giann Lopez. Giann for short. Nagsplit na si Mama at Papa. Alam mo na siguro yun."

Bored niyang sabi.

"Yun lang?"

Tanong ko. Syempre get-to-know-each-other to tas ganun lang sasabihin niya?

"Ano bang gusto mong malaman tungkol sakin? Eh halos public na lahat ng info tungkol sakin."

"Hindi naman ako nagsesearch ng info tungkol sayo eh. Hindi mo ako fan."


Pagkasabi ko nun. Medyo napasimangot siya. Bakit? Nalulungkot ba siya dahil ba sa ang inaakala niya, lahat ng babae eh baliw na baliw sakanya? Pwes, ibahin niya ako.

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon