Ikadalawangpu't-walong Kabanata

1K 23 4
                                    

Tahimik lang kami buong byahe.

"Uhh, Giann, kelangan ko ba talagang makilala yang babae mo ngayon?"

Nagdalawang isip pa akong itanong yan pero I end up asking.

"Ayaw mo ba?"

Tanong naman niya.

Kung kaibigan lang ang tingin ko kay Giann, oo, matutuwa akong makilala kung sino man ang iniibig niya.

Pero may feelings ako eh. MAHAL KO SIYA.

"Hindi. Natutuwa nga ako eh."

Natutuwa? Ako? What a lie!

Tahimik na muli. At feeling ko malapit na kami.

Nandito kami sa isang place malapit sa lake. Ganito ang mga gusto ko. Nakikita ang ganda ng nature. Nakakadagdag sa ganda ng ambiance. Romantic ang dating para sakin.

Pumasok kami sa isang cottage.

"Excited ka na bang makilala?"

Tanong ni Giann sakin.

Ngumiti ako. One fake smile.

As if pinapakitang excited na nga ako. But deep inside, gusto kong umalis.

"This way."

Sabi niya.

Sinundan ko naman.

Nasa isang room kami.

Wala naman akong makitang tao.

Ang nakikita ko. Madaming mirror.

Kitang-kita ko sa buong paligid ang reflection ko.

Baka mahilig lang talaga sa salamin ang mahal ni Giann.

At baka nagtatago siya isa sa mga salamin dito.

"Asan na siya Giann?"

Tanong ko nung wala akong mahintay na lumabas na isang babae.

Ngumiti si Giann.

Mas lalo akong naguluhan.

"Ang babaeng mahal ko ay nandito."

Sabi niya.

Hindi ako nagsalita. Naghihintay lang ako ng idudugtong niya.

"Nandito siya. At nakikita mo siya kahit saan ka man lumingon sa silid na ito." 

Okayy? Ano daw?

Nakikita ko siya kahit saan man ako lumingon sa silid na ito?

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon