Ikadalawangpu't-dalawang Kabanata

1.4K 26 8
                                    

GIANN'S POV

This is it. This is really is it is it.

Nababaliw na ako.

Eh kasi ngayon na namin ishoshoot yung FAKE kissing scene namin ni Francel.

Alam kong fake lang yun.

Yung ilalapit lang namin ang mga mukha namin tas kukunin yung angle na parang nagkikiss talaga kami.

"FRANCEL, GIANN, ready na ba kayo sa scene na to?"

Tanong ni direk samin.

Nagkatinginan kami ni Francel.

We are like talking through our eyes.

"Yes direk."

Sabay naming sinabi ni Francel.

  

And here it is.

"Mara, mahal kita, matagal na."

Habang sinasabi ko ang line na to, parang gusto kong palitan ng Francel yung Mara. Sabihin na "Francel, mahal kita, matagal na."

"Christian, totoo ba yan o pinagtitripan mo na naman ako?" 

Yinakap ko si Francel sa part na yun.

Pilit siyang kumakawala nun pero mas hinigpitan ko yung yakap.

"Shhh. Mara, alam ko noon sinabi kong mahal kita pero sa totoo lang pinagtripan lang kita nun pero for this time, totoo na."

At feeling ko for this time, mahal ko na nga si Francel.

"Christian, ayoko nang masaktan pa."

Umiiyak si Francel sa part na ito.

Napaiyak na din ako.

"No Mara. I won't hurt you anymore."

At mas hinigpitan koz= ulit yung yakap ko sakanya.

"Promise?"

Tinanggal ko na ang yakap ko nun. Humarap kay Francel at pinunasan ang luha niya.

"Promise."

At unti-unti kong linapit ang mukha ko sa mukha niya.

Ang ganda niya sa malapitan.

Bago ko pa tuluyang sinara ang mga mata ko, tinignan ko ang kanyang labi na pulang-pula. Wala siyang lipstick na gamit.

I put my head on an angle para hindi magcollide ang ilong namin. 

Matangos pa naman pareho ang ilong namin.

In my head, I know FAKE kiss lang to.

Hindi magdadampi ang mga labi namin.

Pero parang may sariling utak ang ulo ko.

Okay na yung angle ng ulo namin na kapag titignan mo, parang naghahalikan na pero mas nilapit ko pa ang ulo ko at there,

our lips met.

It felt so magical.

I wanted to stay like that forever pero ..

"And CUT! Good job guys!"

Natapos na ang scene.

Nagkatinginan kami ni Francel.

Nagtitigan kami hanggang sa nagsalita na ako.

"Sorry."

Yun ang nasabi ko.

"Bakit ka nagsosorry?"

Halos hindi makatingin sakin ng deretso si Francel at namumula pa siya.

"Dahil sa kiss."

Nahihiya kong sinabi. Napakamot pa ako sa batok ko.

Napansin ko naman na mas lalo siyang namula.

"Ha? Yun ba? Naku, okay lang yun. Para naman sa palabas natin eh."

Hindi pa din siya tumitingin sakin ng deretso.

Magsasalita sana ako pero nagsalita siya ulit.

"Sige, C.R. lang muna ako hah?" 

Umiiwas ba siya?

Pero ang tanga ko kasi.

Bakit ko ba siya hinalikan?

GAGO ka Giann.

Sacrifice (JulNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon