Chapter 13

2.1K 52 5
                                    

Chapter 13

"Can you believe it? Kailangan daw kitang panagutan! 'Di ba sobrang nakakatawa ang mga pag-iisip ng pamilya ko?" nakasimangot na wika ni Kim.



"Dapat pala may nangyari sa atin noon para habang buhay mo akong panagutan." Natatawa pa ring wika ni Hexan. At lalo siyang naiinis sa lalaki.



"Hindi ka naman lugi sa akin. I am a good kisser, you know- Ano kaya kung sabihin ko sa magulang mo na matagal na kitang mahal?"


"'Yan ang h'wag na h'wag mong gagawin!" puno nang pagbabanta ang mga titig niya sa binata.



"It's our pleasure to meet you, hijo. Tama nga si Papa, gwapo ka ngang nilalang." Bungad na bati agad ni Margarita kay Hexan. Parang prinsepe kung i-welcome nito ang lalaki. Hindi naman ito ganoon kay Clint noon.



"Dumeretso na tayo sa kusina at nakahanda na ang tanghalian."



"Kami na ang humihingi nang paumanhin sa ginawang kapangahasan nitong anak namin. Pag pasensyahan mo na hijo kung nakaranas ka ng kapilyahan nitong si Kimberly." Tuloy-tuloy na salita ng daddy niya. Pasimple niya namang sinipa ang paa nito sa ilalim ng lamesa pero sa kasamaang palad ay hindi umepekto ang ginawa niya rito.



"Hindi naman namin masisisi kung hinalikan ka nitong anak namin. Pero kailangan ka pa rin niyang panagutan. Kaya kung may nararamdaman ka sa anak namin ay pwede mo na siyang ligawan." Kilig na kilig na sabi ng magaling niyang nanay. Para itong teenager. Naloloka siya sa mga nangyayari. Gusto niya tuloy lisanin ang mundo. Kahit saan siya dalhin basta h'wag lang dito sa Earth.



"Ma!" nanlaki bigla ang mata niya dahil sa walang prenong pahayag ng ina. Nag uumpisa na naman itong mag match-make na alam niya naman na palaging palpak.



"Pasensya ka na sa mga salitang narinig mo buhat sa mga magulang ko. They don't know what they were saying. Si Mama, masyadong prangka 'yon," kasalukuyang nasa biyahe na sila. Isasauli na niya ang binata, tutal, tapos na siyang halos ibenta ng mga magulang niya.



"She was right. Dapat na talaga kitang ligawan." Walang prenong tugon ni Hexan.



"Hexan-" natuliro ang puso niya nang mabilis na iginilid ng lalaki ang sasakyan saka tumitig sa kanya. His stare was so sweet. Puno iyon ng panunuyo. At unti-unting natutunaw ang mga depensa niya sa katawan.



"We both know from the very start that our feeling is mutual. Remember the day that you were about to kiss me. I was pretending that I don't know what is happening around,"



"Anong ibig mong sabihin? Nagpanggap ka lang na walang malay?"



"Parang gano'n na nga-kasi gusto kong ituloy mo. Pero nadismaya ako nang wala ka naman pa lang balak na halikan ako kaya ako na ang tumuloy." Gustuhin man niyang magalit sa lalaki ay hindi niya magawa sapagkat ngiti pa lamang nito ay kaya ng tunawin kung ano mang hinanakit ang nararamdaman niya. At sa kapilyuhan nito, hindi nakakapagtakang nag kuwento nga ito sa lolo niya.



"I love you," walang pakundangang saad ni Hexan.


"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Baka naman nape-pressure ka lang dahil sa mga magulang ko. Hindi mo sila kailangang sundin."



"Matagal na akong sigurado sa nararamdaman ko,"



"Mahal kita, Kim. The first time I laid my eyes on your picture, iba na agad ang nararamdaman ko."


"Picture?" nalilitong tanong niya.



"'Yong nakasabit sa kuwarto mo sa bahay ng mga lolo't lola mo. Minsan kasi doon ako pinatulog ni Lolo Temyong dahil hindi pa raw nalilinis ang guest room.


"Lolo Temyong? Kailan lang, tatang tawag mo doon, ah!"


"Siyempre, magiging lolo ko na rin 'yon."



Tumango-tango na lang siya at inalala ang litratong tinutukoy ni Hexan. It was taken when she was eighteen years old. Stolen ang pagkakakuha sa kanya habang inaamoy niya ang bulaklak ng Orchids na nakabitin sa isang patay na punong kahoy. May maliit kasing flower farm ang lolo niya noon na halos dalawang kilometro ang layo sa bahay ng mga ito. Paborito niyang puntahan ang lugar noon. Tuwang-tuwa siya kapag pinagmamasdan ang mga papausbong na bulaklak.



Inosenteng-inosente pa siya sa litratong iyon na mismong lolo niya ang kumuha. Hindi nakakapagtakang mahilig din siyang kumuha ng mga litrato dahil mukhang sa aguelo niya siya nagmana.



Habang nasa kalagitnaan ng daan ay umiba ng direksiyon na tinahak si Hexan.


"Saan tayo pupunta?" agad na tanong niya.



Hindi umimik ang lalaki at nagpatuloy lang sa pagmamaneho habang hinuhuli nito ang kamay niyang nakapatong sa left leg niya. His hand was so soft and warm. Gusto niya ang pakiramdam na hawak-hawak ng lalaki ang kamay niya. Bago iyon bitawan ng lalaki ay dinala muna iyon sa bibig nito saka dinampian ng mapanuyong halik.



Muling hinawakan ng lalaki ang kamay niya pagkababa pa lamang nila ng sasakyan. Hindi na iyon binitawan hanggang sa makapasok sila sa isang coffee shop na natatandaan niyang pinuntahan na rin nila ng lalaki noon.



"You know what? This place is so special to me. Siguro dahil importante sa akin ang mga taong nagtayo ng business na 'to."



"Mga tao? So hindi lang iisa ang may ari nito?"



"This place is owned by twelve teenagers. Lahat sila ay mga studyante pa hanggang ngayon?"



"Ang babait naman." Komento niya.


"They are one of my inspirations to work hard. Kapag wala na akong idea sa ginagawa ko ay palagi kong isinaksak sa utak ko na may mga kabataang nagiging masaya sa t'wing nakikita nila ang mga paintings ko."



"So you are a painter? A real painter?"



"Yeah, c'mon, may ipapakita ako sa 'yo." Hinila na siya ng lalaki na pumasok ng tuluyan sa loob ng coffee shop. Dinala siya nito sa isang maliit na kwarto at nagulat siya sa mga paintings na nakadisplay sa bawat sulok. Noong unang punta kasi nila ay 'yong display lang sa labas ang nakita niya.



"My God! Ang gaganda lahat."



"Mas may maganda pa diyan," may binuksang isang cabinet saka dahan-dahang nitong inilabas ang isang bagay na nababalutan ng bubble wrap.



"This is the most beautiful masterpiece I have ever done. Simula nang pasukin ko ang karerang ito ay wala pa akong nagagawa na ganito kaganda." Gusto niyang isiping nagbubuhat ng sariling bangko ang lalaki pero nang tuluyang nitong buksan ang painting at makita ang sarili niyang mukha ay kahit siya napahanga sa galing nang pagkakaguhit niyon. It was indeed a masterpiece.


Kiss Me Once Again (Rated-18) TO BE PUBLISHEDWhere stories live. Discover now