Chapter 2

3.5K 79 2
                                    

Chapter 2

Matapos na mag suot ng paborito niyang rubber shoes ay mabilis na lumabas ng bakuran si Kim. Tirik na tirik  ang araw pero wala siyang pakialam kung mangitim man siya. Alam na alam ng mga paa niya kung saan tutungo.

Hinubad niya ang sunglasses nang sapitin niya ang mapunong bahagi ng lupain ng lolo niya. Nasa paanan iyon ng bangin. Halos limang metro na lang ang layo noon sa ilog. Agad niyang binuksan ang backpack niya at kinuha doon ang camera phone at nag umpisang kuhanan ng litrato ang view ng ilog na nasa harapan niya. Mangasul-asul ang kulay ng tubig at kumikinang iyon dahil sa tama ng matinding sikat ng araw. Mayamaya ay naisipan niyang mag selfie pero bigla siyang nagulat nang mapansin sa screen ng phone niya na may nakahimlay na katawan -may dalawang metro ang layo sa likuran niya. Lalaki iyon base sa bulto ng katawan nito. Nakadapa iyon kaya bigla siyang nahintakutan. Sa kabila ng kabang nararamdaman niya ay nanaig pa rin sa kanya ang bulong ng isip na mag usyoso. Dahan-dahan niyang nilapitan ang katawan ng lalaki.

Marahan niyang sinipa ang paa nito para malaman kung buhay pa ba ito o patay na. Hindi gumalaw ang lalaki kaya lumuhod siya upang pulsuhan ito. Nabuhayan siya ng loob nang maramdaman na may pulso pa ang ito. Kasunod niyon, itinihaya niya ang lalaki at bigla siyang napaurong nang tuluyang mabistahan ang hitsura nito.  Para itong isang anghel na nahulog mula sa langit. Kulot ang lagpas tenga nitong buhok, parang nililok din ang ilong ng lalaki. Ang mga pilik-mata nito ay malantik pa kumpara sa pilit niya. Napalunok siya nang hawiin niya ang buhok nitong tumakip sa mga labi nito. Maliit lang ang bibig ng lalaki pero medyo pouty ang labi nito.

Hindi maiwasang damahin niya ang balat ng lalaki nang hawiin niya ang mga hiblang tumabing sa labi nito.
Unti-unti niyang inilapit ang sariling labi sa mukha ng lalaki habang pigil na pigil ang pag hinga. Bilang mahilig sa potograpiya, alam niyang may magandang kalalabasan ang ginagawa niya. Isang dangkal na lang ang layo ng labi niya sa labi ng estranghero pero bago pa niya mapindot ang shot button ng camera niya ay naramdaman niyang mabilis siyang kinabig ng lalaki at hindi pa siya nakakabawi sa pagkabigla ay sakop na nito ang mga labi niya. Dahil sa pag pa-panic ay sunod-sunod niyang narinig ang pag click ng camera niya. At aaminin niyang nag e-enjoy siya sa ginagawa ng lalaki sa mga labi niya.

“Ahh, bitawan mo ako! This is rape!” bulyaw niya sa lalaki na kahit pinakawalan na ang mga labi niya ay mahigpit pa rin ang pagkakayakap nito sa kanya. Mukhang kinarma siya dahil sa kapahangasan niya.

“Look who’s talking,” titig na titig na wika nito na nakapaskil sa mga labi ang mapaglarong ngiti.

Hinampas niya ito sa balikat at nagpumilit na makawala sa mga bisig ng lalaki. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya pinakawalan ng lalaki. Sabay pa silang bumangon at umupo.

“So, tell me the reason why you almost raped me?” namula siya sa tanong ng lalaki.
“Wala akong balak na pagsamantalahan ka. Nagkataon lang na perfect shots sana iyon para sa book cover na gagawin ko.”

“Writer ka?”

“Nope. ‘Yong friend ko. Photographer lang ako. Pero hindi professional. Nakahiligan ko lang.” Nagpapaliwanag siya pero mataas pa rin ang boses niya.

“Ikaw, anong ginagawa mo dito sa lupain ng lolo ko at anong nangyari diyan sa malaki mong sugat sa binti?” Inilabas niya ang first aid kit na nasa backpack pero pinigilan niyang magpakita ng pag-alala para sa binata.
“Galing ako doon,” tumingala ito at itinuro ang tuktok ng bangin. Hindi ko alam na marupok na pala ‘yong tuyong kahoy na kinapitan ko kaya tuloy-tuloy akong dumausdos. Tumama siguro ‘yan sa bato.” Inginuso nito ang sugat sa binti.
“Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras ?” hindi niya napigilang pag landasin ang mga mata sa tanned nitong balat. Imbes na unahin niyang tulungan itong linisin ang sugat nito ay mas pinagsawa niya muna ang mga mata nito sa walang takip nitong dibdib.

“Gusto ko lang alamin kung ano pa ang meron sa taas ng bundok na ‘to.”
Hindi umimik si Kim bagkus ay nakatulala lang siya sa harapan ng lalaki.

“Siguro naman quits na tayo,” wika ng lalaki nang mapansin na wala siyang balak mag salita.

Bigla siyang napatuwid ng upo at tumingin sa lalaki. “What do you mean?”
“Hinalikan kita na alam kong mali pero siguro naman bayad na ako sa pagkakamaling iyon dahil kanina mo pa pinagsasamantalahan ang abs ko.”

“Kapag sumusuot ka sa mga ganitong lugar dapat palagi kang may dalang first aid kit.” Wala sa sariling sabi niya. Halatang gusto niyang umiwas sa sinabi ng lalaki.
Tahimik lang na pinagmamasdan ni Hexan ang ginagawa niyang paglilinis sa sugat nito.

Sinadya niyang idiin ang bulak sa sugat nitong pinapahiran niya ng Betadine. “Aray!”
“Sorry. Dapat kang madala sa pinakamalapit na hospital para malinisan ng maayos itong sugat mo. Mukhang kailangan rin tahiin dahil may kalaliman itong sugat mo sa bandang taas.”  Tumayo na ang lalaki na tila hindi iniinda ang sugat nito sa binti.
“Salamat,” sinserong wika ni Hexan.

“Technically, this is also my territory kasi pag-aari ito ng lolo ko kaya siguro naman may karapatan akong malaman ang pangalan mo,” nilingon niya ang lalaki na nakasunod sa kanya.

“Hexan,”
“Wala kang tatay?”
“Meron.”
“Eh, bakit wala kang apilyedo?” pasupladang tanong  niya sa lalaki.

“Hexan Alcaraz Borromeo. Ayan, kumpleto na ‘yan. Baka kasi sabihin mo na naman na wala akong nanay.”
“Kimberly Legazpi Rodriguez.” Nauna na siyang mag abot ng kamay sa lalaki.

“Nice meeting you… finally.” Halos pabulong na wika ng lalaki sa huling salita na lumabas sa bibig nito at nanghinayang ito na mukhang hindi iyon umabot sa pandinig ni Kim. Tahimik silang naglakad na tanging ingay lamang ng tuyong dahon na naaapakan nila ang naririnig.



Kiss Me Once Again (Rated-18) TO BE PUBLISHEDWhere stories live. Discover now