SYNOPSIS Umuwi ng probinsya si Kimberly para pansamantalang kalimutan ang ginawang panloloko sa kanya ni Clint pero lalo lang nagulo ang puso niya nang pinairal na naman niya ang kapilyahan. Paanong hindi magugulo ang puso niya kung ninakawan lang naman niya ng halik ang lalaking walang malay-tao sa gitna ng kagubatan na sakop ng lupain ng lolo niya. At higit na nawindang siya nang magpahayag ang lalaki nang tunay nitong nararamdaman. Masuwerte na sana siya. Ang kaso lang, biglang sumulpot ang mahadera nitong ex-fiancee.