Chapter 9

2.3K 54 2
                                    

Chapter 9

Pagkatapos niyang mag ikot sa production area at masiguradong ayos ang lahat ay bumalik na siya sa cubicle niya para harapin naman ang paper works.

It was indeed a tiring day for her. Pero sa kabila ng lahat ay lumabas pa rin siya ng building na may ngiti sa mga labi. At ang dahilan lang naman ay nakatanggap siya ng invitation galing kay Hexan. Nagyaya ang lalaki na kumain daw sila sa labas.

Napagkasunduan nila ng lalaki na sa bahay na lang siya sunduin nito. Ang gusto sana ni Hexan ay sunduin siya nito sa trabaho pero dahil may dala naman siyang sasakyan kaya pumayag na itong sa bahay na lang sila magkita.

Pagdating niya ng bahay ay nagpahinga lang siya ng konti saka nag ayos ng sarili. Basta na lang siya kumuha ng damit sa closet niya. Manipis na face powder lang ang inilagay niya sa mukha ay pinahiran ng light shade na lipstick ang labi saka dinampot ang maliit niyang sling bag. Kasya lang doon ang wallet niya at saka cell phone.

May limang minuto lang siyang naghintay kay Hexan. As usual, napakagwapo na naman nito sa paningin niya. Effortless ang kapogian ng lalaki.

“Hey!” pinitik ng lalaki ang daliri nito sa harapan niya. Paano ay nakatitig lang siya dito. Bigla siyang napayuko paano ay nakakaloko ang ngiting ibinato sa kanya ng lalaki.

“Let’s go,” usal niya na hindi tumitingin sa lalaki.

Hanggang sa pag pasok nila sa sasakyan ay hindi pa rin siya tumitingin sa lalaki.

“Staring at me wasn’t a crime. Kaya h’wag ka nang magi-guilty.” Pinaalala pa talaga ng lalaki ang kagagahang ginawa niya kani-kanina lang.

Kiming ngumiti siya sa lalaki na sa kanya pala nakatingin nang mga oras na iyon kaya lalong naging awkward ang sitwasyon nang mag salubong ang mga mata nila.

Nangingiting ibinalik ni Hexan ang mga mata niya sa kalsada. Huling-huli niya kung paano namula ang pisngi ng katabing dalaga. Pakiramdam niya isang napakagandang tanawin ang makitang nag bu-blush si Kim. Ngiti lang ng babae ay nagagawa ng pabilisin ang tibok ng puso niya.

Pagdating nila sa isang Italian restaurant ay agad silang sinalubong ng isang waitress. Matamis itong ngumiti sa kanila habang inaabot ang menu book. Iniwan sila nito saglit habang namimili sila ng kanilang kakainin. “I want you to try this pasta.” Ani Hexan. Naging sunod-sunuran naman siya.

After 25 minutes ay inihain na sa harapan nila ang mga in-order na pagkain ng lalaki at nagulat pa siya sa dami ng putaheng nakahain sa kanila.

“Bakit sobrang dami nito?”

“Gusto kong matikman mo kahit kalahati man lang ng nasa menu.”

“Siguro, sobrang importante sa ‘yo ng may-ari nitong resto at grabe ang suporta mo sa business niya.” Napansin niyang biglang may gumuhit na lungkot sa mga mata ng lalaki. Naisin man niyang mag kuwento sa kanya ang lalaki pero pakiramdam niya wala pa siyang karapatan na pasukin ang bahaging iyon ng buhay ng lalaki. Lihim siyang umaasa na sana dumating ‘yong araw na mag ku-kuwento ang lalaki tungkol sa nakaraan nito.

“Well, you’re right; masarap nga itong pasta nila.” puri niya. Nakita naman niya ang pagmamalaki sa mga mata ng lalaki.

“Thanks.”

“How’s work?” mayamaya ay tanong sa kanya ni Hexan.

“Nakakapagod. Two weeks din kasi akong nawala. Ikaw, kumusta naman ang business?” panghuhula niya sa hanap-buhay nito. Hindi naman kasi mukhang nag o-opisina ang lalaki.

“It runs well.”

“Mabuti naman kung gano’n.”
Ibinalik muli niya ang atensiyon sa pagkain. Ramdam niyang sa kanya nakatingin ang lalaki at tama nga siya dahil pag angat nga niya ng tingin ay nagsalubong ang kanilang mga mata.

Ilang segundo rin ang lumipas na hindi sila kumukurap hanggang sa may boses silang narinig malapit sa mesa nila.

“Hexan,” malambing ang tinig na iyon at puno ng pangungulila.

Agad na lumingon si Hexan sa pinanggalingan ng tinig na iyon.

“Ava-hey! How are you?” napatitig si Kim sa babae nang banggitin ni Hexan ang pangalan nito. Pilit niyang kinapa sa utak kung sino ang babae at nang maalala ay bigla siyang napatitig sa babae. Hexan’s ex fiancée! Sigaw nang nagseselos niyang puso. Hindi niya maiwasang ma-insecure habang nakatitig sa babae. Ava’s face was full of beauty. Napakaperpekto lahat; para itong buhay na manika. Idagdag pa ang magandang hubog ng katawan nito. Hindi naman siya pangit pero kung pagtatabihin sila ni Ava, ang babae ang unang mapapansin.

“I’m just doing fine. Ikaw, kumusta ka na?” kahit nakangiti ang babae ay nababanaag pa rin sa mga mata nito ang lungkot na pilit itinatago.

“Well, I’m happy.” Kibit-balikat na sagot ni Hexan kay Ava. Biglang lumipad naman ang mga mata ni Ava kay Kim. Matipid na ngiti ang naging palitan ng dalawa.

“I have to go, I’m sorry. Naghihintay na sa akin si Steve.” Hula ni Kim ay asawa nito ang tinutukoy.

“Sobrang ganda pala ng ex mo.” Wala sa sariling komento niya nang tuluyang umalis si Ava.
“You’re right. She’s beautiful.” Mahinang sagot ni Hexan. Walang kabuhay-buhay ang bawat salita na lumabas sa bibig nito. Kapagkuwan ay ibinalik na nito sa pagkain ang pansin.

Mula sa pagtayo niya sa mesa hanggang sa paglabas nila ng resto ay nakaalalay sa kanya si Hexan. Kulang na lang ay akayin siya ng lalaki.

“Gusto ko pa sanang tumambay kasama ka pero gumagabi na at pareho pa tayong may pasok bukas. Thank you for being with me tonight, Kim.”

“Ano ka ba, ako nga ang dapat magpasalamat. Thank you sa masarap na pagkain. Thank you sa pagpapakilala mo sa akin ng La Cusina.”

“Welcome. Dadalhin pa rin naman kita ulit dito.” Lumukso sa tuwa ang puso niya dahil sa sinabi ni Hexan.

Pagkahatid niya kay Kim ay bigla siyang nag u-turn at bumalik sa pinanggalingan nila at malungkot na pinagmasdan ang La Cusina. Sumagap siya ng sariwang hangin dahil naramdaman niyang nanikip ang dibdib niya. Hanggang ngayon, hirap pa rin siyang pakawalan ang alaalang nakaimbak sa dibdib niya. Halos isang buwan siyang hindi tumapak sa lugar na iyon sa pagbabakasakaling maibsan ang sakit na nararamdaman sa pagkawala ng mga bagay na dati ay kanya. Mga bagay na pinagbuhusan niya ng pagmamahal, oras at pagpapahalaga subalit pinili niyang pakawalan ang lahat ng iyon kesa habang buhay siyang umasa na lahat ay maaari pang ibalik. Mahirap mabuhay kung magpapakulong na lamang siya sa isang ilusyon na maibabalik pa niya ang lahat- na maibabalik pa niya ang lahat sa kanila ni Ava. The woman was happily married, for God’s sake! Ano ba naman itong pinag-iisip niya? Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Muling ibinalik ang tingin sa paligid ng La Cusina. Dati, pangarap niya lang ang makapagpatayo ng sariling resto at nang makapagtapos ng pag-aaral at nakapag ipon ay magkatulong na ipinatayo nila ni Ava ang restaurant. Hindi lang malaking halaga ang ipinuhunan nila sa lugar na iyon kundi oras at sumpaan nila na hinding-hindi sila maghihiwalay. Sa madaling salita, La Cusina was his life. Pero nakaraan na iyon at kay bilis maglaho ng lahat nang makakilala si Ava nang higit na mapera kesa kanya. Ang dahilan ng babae ay hindi na siya nito mahal pero duda siya sa salitang iyon ng dating kasintahan. Maaring napagod na ang babae sa pagpapalakad nito sa business na napili nilang ipundar. Negosyong maliit lang para kay Ava. Pero para sa kanya, sobrang malaki na iyon sapagkat iyon ang katuparan ng lahat ng pangarap niya. He gave everything on that business.

Kiss Me Once Again (Rated-18) TO BE PUBLISHEDWhere stories live. Discover now