Chapter 11

2.2K 51 0
                                    

Chapter 11

“Pupunta ka pala, ‘di ka man lang tumawag muna para nakapagpa-handa sana ako nang makakain.” Masayang sinalubong siya ni Silvia. Laging nakangiti ang babae kaya hindi mahahalata ang edad nitong lagpas sisenta na. Maliksi din ito. Hindi mababakas ang hirap na pinagdaanan nito sa buhay. Hindi lang naging mabuting ina sa kanya ang babae sa loob ng halos labing limang taon kundi naging best friend at legal counsel niya pa ito sa panahong inaaral niyang kalimutan ang nakaraan.

“’Nay, hindi naman po ako bisita para handaan niyo pa. Kung ano lang po ang na ‘andiyan okay na okay na ‘yan.”

“Naku, ‘yan naman talaga ang gusto ko sa ‘yo at hindi ka pa rin nagbabago. Anyway, kuwentuhan mo nga ako kung bakit bigla kang napasugod. May problema ba?” matigas na umiling siya sa tanong ng ina-inahan.

“Namimiss ko lang ho kayo at ang mga bata.”

“Siya, kumain ka muna at puntahan mo ang mga bata. Naglalaro sila sa rooftop.” Agad na niyakag siya ng ginang sa kitchen area at ipinaghanda siya ng pagkain.

“Maupo ka na.” Kahit hindi pa siya gutom ay sumunod na siya sa inutos ng babae. Si Silvia ang klase ng tao na hindi pwedeng tanggihan kapag nag aalok ng pagkain; magtatampo ito panigurado.
“May problema ka, alam ko.” Akala niya lumusot na siya sa mapanuring tingin ng ginang, iyon pala ay naghintay lang ito ng tamang tiyempo.

Huminga muna si Hexan ng malalim bago nagsalita. Ang mga mata niya ay nanatiling nakatutok sa plato.

“Hindi ko rin ho maintindihan ang sarili ko. Akala ko kasi tapos na ang lahat pero nang muli akong umapak sa La Cusina ay gusto kong bawiin lahat nang sinabi ko noon kay Ava. I want La Cusina back. Gusto kong ako ulit ang mamahala noon. La Cusina needs me, Nanay. Hindi na iyon naaalagaan tulad nang dati.”

“Then, take it back. ‘Yon naman ang gusto ni Ava noong maghiwalay kayo ‘di ba? Ikaw lang itong masyadong tinaasan ang pride.”

“Hindi ko na po alam kung paano kausapin si Ava tungkol sa bagay na ito.”

“Nahihiya ka? Ku, siya ang dapat mahiya kasi siya ang gumawa ng kasalanan. Kaya nga siguro gusto ibigay sa ‘yo ang buong resto noon para takpan ang ginawa niyang mali. Pero alam natin pareho na hindi kayang takpan ng kahit na ano pa man ang damage na kanyang iniwan sa pagkatao mo. Pero lagi mo ring tatandaan ang mga sinabi ko sa ‘yo noon.”

“Matutong magpatawad kahit gaano pa kahirap iyon.”

Maliwanag na nakikita ang hapdi sa mga ni Silvia habang yakap ang umiiyak na batang si Hexan.

“Pero palagi na lang po nila akong inaaway.” Paputol-putol na sumbong nito sa ginang matapos na i-bully na naman ng mga batang kasama sa loob ng Kanlungan.

“Darating ang araw na matatanggap ka rin nila dahil mabait kang bata.” Hinaplos ni Silvia ang buhok ng batang si Hexan kaya naman mabilis na kumalma ang kalooban nito.

“Ang sabi po ng mga kumuha sa akin kapag daw nakatakas ako at bumalik sa mga magulang ko pati raw pamilya ko papatayin nila. Totoo po ba iyon?” muling gumuhit ang takot sa mukha ni Hexan.

“Kalimutan mo na ‘yong mga taong kumuha sa ‘yo. Ang importante ay nakaligtas ka. ‘Yong mga magulang mo, kami na ang bahala sa kanila. At simula ngayon, ituring mo akong ina. Tawagin mo akong Nanay Silvia. ‘Yong mga batang nakita mo kanina sila ang magiging bago mong kapatid at itong Kanlungan ay ang bago mong tahanan.”

“Susundin ko po kayo alang-alang sa kaligtasan nila Papa at Mama.” Namumugto ang mga matang usal ni Hexan.

“Ligtas ka dito.”

Tama si Nanay Silvia. Pakiramdam niya ay palagi siyang ligtas kapag nasa Kanlungan siya. Pakiramdam niya nawawala lahat ng problema niya kapag nasa bahay-ampunan siya. Ang lugar ang lagi niyang tinatakbuhan kapag pakiwari niya’y punong-puno na ang dibdib niya ng mga alalahanin.

Pagkatapos niyang kainin ang inihandang pagkain ni Nanay Silvia ay tumuloy na siya sa rooftop kung saan naroroon ang mga batang ampon. Busy sa paglalaro ang mga ito pero nang makita siya ay agad na lumapit sa kaniya isa-isa ang may halos labing-limang kabataan na nasa edad lima hanggang sampo.
“Kuya Hexan!” halos sabay-sabay na bati ng mga ito.

“Na-miss ka po namin,” sabi ng batang si Sashi. Nasa anim na taong gulang ang bata at may singkit na pares ng mata kaya hula niya may lahing Japanese ito.

“Ako rin. Palagi ko kayong namimiss kaya lang busy ang kuya niyo kaya pasensya na kayo kung minsan lang ako dumalaw dito.” Aniya sa mga bata.
“Okay lang po iyon. Naiintindihan po namin.” Sabad naman ni Carlo na nasa sampong taong gulang. Ganitong-ganito siya noong unang tumapak sa kanlungan. Sa edad na sampo ay makikitang responsableng bata na si Carlo. Maalaga ito sa mga kapatid sa Kanlungan.

Umupo siya sa isang mesa kung saan naka-set ang scrabble board. May nakaupo na roon na dalawang lalaki na mas bata kay Carlo kaya ang mga iyon na mismo ang naging kalaban niya.

“Bagong-bago itong scrabble board niyo, ah.” Puna niya.

“Kasama po ‘yan sa mga ipinadalang regalo ni Miss Rodriguez.” Sagot ni Carlo na nasa likuran niya.
“Miss Rodriguez? Hindi ba Mrs. Rodriguez?”
“Miss Rodriguez po. ‘Yong anak ni Mrs. Margarita Rodriguez. Magandang babae po iyon, Sir. Bagay kayo noon.” Halata ang panunukso sa mga mata ni Carlo na ngayon ay nasa harapan na niya at nakiupo rin malapit sa mesa.

“Talaga ba? Puwede mo ba akong ipakilala sa kanya?” hindi siya pwedeng magkamali na ang tinutukoy nitong babae ay iisa lang at ng Kim na kilala niya.  Speaking of that woman, ito ang rason kung bakit gusto na niyang maayos ang lahat sa kanila ni Ava. Hindi niya maitatangging bahagi na ang babae sa mga plano niya subalit gusto niyang iayos muna ang lahat bago ilagay sa seryosong relasyon ang babae. Ramdam naman kasi niya na kapag magkasama sila ni Kim ay pareho sila nang nararamdaman.

Nang matapos ang isang round ng laro nila ay nag paalam na rin siya sa mga bata. Ayaw man pumayag ng mga ito na umalis siya agad ay napapayag niya rin nang ipangako niyang babalik siya roon sa mga susunod na araw na hindi siya busy.

Kiss Me Once Again (Rated-18) TO BE PUBLISHEDWhere stories live. Discover now