Chapter 8

2.4K 54 0
                                    

Chapter 8


Alam niyang magaling din naman siya pagdating sa kama. Pero mukhang kulang na kulang palagi iyon. Siguro nga may mali sa kanya. Sapagkat ang nararamdaman niya para kay Kim ay hindi niya kailanman naramdaman sa mga exes niya. Palibhasa, ang mga iyon ang lumapit sa kanya. Hindi dumaan sa ligawan stage. Bukod-tanging si Ava lang ang niligawan niya kaya akala niya iba ang babae sa mga nauna pero tulad din ito ng karamihan na iniwanan lang din siya.

Kinuha niya ang telepono at nakangiti habang nagta-type ng message para kay Kim.

It was a simple ‘good night’ message from him but it meant a lot to her. Pinakatitigan niya ang screen ng phone niya at tuluyang kumawala ang malapad na ngiti. Pakiramdam niya bumalik siya sa panahong una siyang kinilig nang ngitian siya ng ultimate crush niya. Kung kailan pa siya galing sa isang heart break ay saka pa siya kikiligin nang todo. Mabilis siyang nag type ng sagot para sa mensahe ng lalaki at ipinikit na ang mga mata.

Masiglang gumising si Kim kinabukasan na ipinagtaka ng mama niya. “Alas Nueve pa ang pasok mo, ah.” Lumipad ang mata ng mama niya sa malaking wall clock na nasa sala. Alas Sais pa lang ayon sa orasan. “Kailangan ko hong bumawi at baka humanap ng ibang secretary si Mr. Tetangco sa construction firm niya.”

“Naku, ‘yan ang malabo. Ikaw yata ang paborito ni Gerardo na tauhan niya.” Halata ang pagmamalaki sa boses ng mama niya.

“Paborito lang ako noon dahil gusto niya ako para sa anak niya.”
“Iba ang paniniwala ko. Gusto ka ni Gerardo dahil masipag ka. At proud kami ng papa mo sa ‘yo sa t’wing pinupuri ka ng matandang Intsik.”

“Thanks ‘Ma,”
“No, sweetheart. Kami ang dapat magpasalamat sa ‘yo kasi lumaki kang masunurin. Pasensya na kung pati lovelife mo pinakialaman ko. Gusto ko lang naman na sa mabuting pamilya ka mapabilang.”

“Tapos na ‘yon, ‘Ma. Moved-on na po ako.”

“Halata ko nga. And I am so happy for that. Halika na sa kusina. Baka tapos nang magluto si Emma.

Pagpasok ng kusina ay naabutan nilang nag se-set ng mesa ang kasambahay nilang si Emma.

“Tamang-tama ang baba niyo. Maupo na kayo.” Madalas na sila ng mama niya ang magkasabay sa almusal sapagkat ang papa nila ay tuwing weekend lang gumigising nang maaga. Halos kasabay lang nilang pumasok si Hexan ng kusina. Mukhang alam ng lalaki na nasa dining area na siya.

“Iginawa ko kayo ng fresh orange juice.” Parehong sinalinan ni Emma ang tatlong baso at inilagay iyon sa tabi nila. Matagal na nilang kasambahay si Emma kaya naman pamilya na ang turing nila dito.
Bukod sa masipag ang babae ay halata namang pinagsisilbihan sila nito ng higit pa sa isang kapamilya.

“Maupo ka na rin, Emma. Mamaya mo na tapusin ‘yang ginagawa mo diyan sa lababo.” Halos kaedad lang ng mama niya ang kasambahay kaya ina na rin ang turing niya dito.

“Kumusta ho kayo, Nanang?” biglang tumingin sa kanya ang kasambahay na may pagtataka sa mga mata nito.

“Okay lang naman ako. Ako dapat ang nangangamusta sa ‘yo. Halos dalawang linggo ka sa Nueva Ecija at nang dumating ka naman madalas ka lang na nasa kwarto.” Gusto niyang awatin ang kasambahay sa pagsasalita pero ayaw niya naman na mapahiya ito.

“Okay na ako, ‘Nang,”
“Mabuti kung ganoon.” Saka ito sumulyap sa kinaroroonan ni Hexan na tahimik lang na nakikinig sa kanilang usapan.

Pagkatapos nilang mag almusal ay nagpaalam na si Hexan na mauuna na. May ka-meeting daw kasi ito nang Alas-Otso. Bumalik siya sa kwarto at inihanda na ang gamit na dadalhin niya sa opisina. Pagkatapos ay pumasok na siya sa banyo para maligo. Halos thirty minutes niyang ibinabad ang sarili sa bathtub. Tumayo lang siya nang tumunog na ang alarm tone ng cell phone niya.

Dala niya ang kasiglahan hanggang sa pagpasok ng opisina pero dagling naglaho iyon nang pag pasok niya ng elevator ay nakasabay niya ang anak ni Mr. Tetangco na si Adam. Ngumisi ang lalaki ng nakakaloko. “I heard the news,” sa mga mata ng lalaki ay mababasa mo ang mga salitang- ‘magiging akin ka rin’.
“Really? Hindi ko alam na may oras ka pang sumagap ng balita tungkol sa akin.”
“Because you are important to me, Kim.”

“Well, thank you. Pero mas matutuwa ako kung kakalimutan mo na ‘yang nararamdam mo sa akin.”
“Hindi ako susuko,” nababasa niya ang determinasyon sa mata ng lalaki.

“You’re wasting your time, Adam. Walang patutunguhan ang nararamdaman mong ‘yan.” Hindi na nakuhang sumagot ng lalaki dahil nakarating na sila sa floor kung naroon ang kanya-kanyang cubicle.

“I’m glad your back, Kimberly!” agad na bati sa kanya ni Mr. Gerardo Tetangco. Napapanot na ang lalaki pero taglay pa rin nito ang kagandahang lalaki na ayon dito ay namana sa ina na may dugong Español.

“Babalik naman po talaga ako, Sir,”

“Sabi ko naman sa ‘yo na tito na lang ang itawag mo sa akin. Alam mo, noong nagpaalam ka nag mag le-leave ka ay kinabahan na agad ako. Kasi lahat ng mga previous kong tauhan kapag nagpaalam ay hindi na bumabalik.”

“I love my job, Tito. Kaya malabong iwanan ko ito. At kung gagawin ko man iyon ay siguro may mabigat akong rason.”
Malapad na ngumiti sa kanya ang matandang Chiness. “Sa wakas, tinawag mo rin akong tito. Matagal na tayong magkasama sa opisinang ito at magkaibigan kami ng mga magulang mo pero ramdam ko pa rin ang pagka asiwa mo. Dahil ba ito sa panliligaw sa ‘yo ni Adam?” hindi na niya kailangang sagutin ang tanong na iyon ni Mr. Gerardo sapagkat makikita na sa mata niya ang kasagutan niyon. “H’wag mong isipin si Adam. Magsasawa din iyon. Lilipas din ang nararamdaman noon lalo na kung alam niyang wala siyang dapat asahan.” Alanganing ngiti lang ang tanging naisagot niya sa matanda.

“Anyway, Welcome back. Pilay ang firm kapag wala ka.” Madamdaming turan ni Mr. Tetangco. Siya ang production manager ng firm at halos isang daang tao ang nasa ilalim ng supervison niya. Hindi biro ang obligasyon niya sa firm pero dahil mababait ang tauhan ni Mr. Gerardo kaya nagiging magaan sa kanya ang trabaho sa tulong na rin ng matandang boss.

Kiss Me Once Again (Rated-18) TO BE PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon