Chapter 4

3K 72 2
                                    

Chapter 4

Agad na nasumpungan ng mga mata niya si Kim na nakaupo sa malaking pitak ng bato sa gitna ng maliit na garden. Ang kwento ni lolo Temyong ay sinadyang ilagay sa gitna ng garden ang nasabing bato sapagkat nagsisilbing mesa ito dahil sa malapad at patag ang ibabaw niyon.

"Sabi ni Tatang, nagagawi ka lang daw dito kapag may problema ka. At sa nakikita ko ngayon sa 'yo, mukhang meron nga. Kanina kasi ang saya-saya mo. Tapos ngayon, nakatulala ka at ang layo ng tingin mo."

"Magiging okay din ako. 'Di ba, sa simula lang naman ang sakit? At kapag wala na 'yong pain, pagtatawanan mo na lang na minsan sa buhay mo naging tanga ka. Na kahit gaano ka katalino pero pagdating sa pag-ibig, nagkakamali ka. Pero minsan ayokong isipin na tanga ako. Katangahan bang ibigay mo 'yong 100% love mo sa isang tao? Lalo na 'pag pakiramdam mo mahal ka din niya? Kung ganoon nga, ako na siguro ang pinakatanga na minahal ko 'yong taong wala ni katiting na pagmamahal sa akin. Sadyang mabait at gentleman si Clint kaya na-misinterpret ko na pareho kami nang nararamdaman." Pasimple niyang pinunas ang luhang sumungaw sa bilugan niyang mata.

"Minsan, bayolente ang pag-ibig. Akala ng iba okay na okay ka. Pero ang hindi nila alam, nagnanaknak na pala ang sugat sa kaloob-looban mo. H'wag mong piliting takpan ng mga ngiti mo ang sakit na nararamdam mo kasi lalo ka lang masasaktan. Hindi masamang ipakita mo na nasasaktan ka rin." Naramdaman na lang niya na kinabig na ni Hexan ang balikat niya at isinandal sa dibdib nito. It was the best feeling ever. Dinig na dinig niya ang mabilis na tibok ng puso ng lalaki.

Mayamaya ay naramdaman niyang may likidong pumatak sa braso niya. Tumingala siya sa langit at tila nagbabadya iyon ng mga malakas na ulan. Panirang ulan! Sa loob-loob ng dalaga.

"Let's go inside. Baka lalong lumakas." Yakag sa kanya ng lalaki. Hinayaan niyang hawakan ng lalaki ang kamay niya hanggang sa pag pasok nila ng sala.

"Oh, akala ko natutulog na kayo pareho. Saan ba kayo galing?" usisa ng lola niya na nasa harap ng telebisyon. Alam niyang adik na adik ang lola niya sa mga Korean Drama na ipinapalabas t'wing gabi sa isang malaking television network.

"Sa garden lang po."

"Ah, akala ko lumabas pa kayo. H'wag kayong basta-basta lalabas sa gabi. Iba na ang panahon ngayon."

"Opo. Matutulog na ho ako. Goodnight." Bumaling siya ng tingin kay Hexan. Nauna na siyang pumanhik sa hagdan na gawa sa kahoy. Malaki ang bahay ng lolo't lola niya subalit nakalinis niyon. Kapag kasi hindi busy ang dalawang matanda ay magkatulong itong naglilinis ng buong bahay at kung hindi naman ay nagbabayad na lang ang mga ito nang maglilinis.

Kinabukasan ay tinanghali siya nang gising. Tahimik sa sala nang bumaba siya. Alam niyang pumasok sa school ang lola niya kaya ang dalawang lalaki sa bahay ang hinanap niya pero niya matagpuan ang mga ito. Tumuloy na siya sa kusina at doon niya natagpuan si Hexan na halatang galing sa labas dahil pawisan ito.

"Si Lolo?"

"Nasa halamanan niya." Dinig niya pa ang pag lagok ng tubig nito. Mukhang uhaw na uhaw ang lalaki.

"Doon ka rin ba galing?"

"Nope. Galing ako ng palengke."

"Namalengke ka na agad?" heto na naman siya. Masyadong obvious na yata ang pag-aalala niya para sa lalaki.

"Dumeretso na rin kasi ako doon sa Ospital."

Tumango-tango siya.

"O, kumusta na raw ang sugat mo?"

"Okay na siya. But I need to take antibiotic for one week." Napansin ni Kim na inilalabas ng lalaki sa plastic bags ang mga pinamalengke nito na nilagay sa lababo kaya hindi niya napansin kanina.

"Ikaw ulit ang magluluto?"

"This is my last day here kaya susulitin ko na." Bigla siyang nalungkot sa sinabi ng binata. Kung pwede nga lang niyang pigilan ito, ginawa na sana niya.

"Thank you for saving my life, Kim. Nakakahiyang aminin na ngayon lang ako nakapagpasalamat ng maayos sa 'yo."

"Don't mind it. Kahit naman yata hindi ako dumating noong mga oras na 'yon mukhang makakaligtas ka parin. Hindi ka nga mukhang nasakmal ng sinasabing Buwaya ni Lolo, eh." Namutla siya sa sinabi ni Kim. Mukhang hinuhuli talaga ng babae kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo.

Hindi siya nakasagot sa sinabi ng babae kaya ito ang nagsalita ulit.

"Tulungan na lang kita diyan sa ginagawa mo." Puwesto sila sa mesa bitbit ang supot ng mga gulay.

"Ano ba ang lulutuin mo?" tanong niya sa lalaki.

"Pakbet at magpriprito ng tilapia." Pagkarinig sa sinabi ng lalaki ay biglang kumalam ang sikmura niya. That was her favourite combination. Pero halos lahat naman yata nang nilutong ulam ni Hexan sa loob ng ilang araw na pananatili nito sa poder nila ay naging paborito na niya.

"Dapat nag Culinary Arts ka na lang."

"Bakit? Ganoon na ba ako kagaling magluto?"

"Hindi lang magaling, masarap pa." Namula naman ang mukha ng lalaki dahil sa deretsahang papuri niya dito.

"Thank you. Ikaw pa lang yata ang nagsabi niyan."

"'Yong parents mo hindi ba nila alam na masarap ka mag luto?"

"Hindi ako nagluluto sa bahay. Masyado akong busy sa work."

"Buti kahit busy ka may panahon ka pa ring mag bakasyon?"

"Minsan, h'wag mo ring ipagkait sa sarili mong mag-isa. 'Yong wala kang iisiping problema. 'yong pwede mong ariin ang mundo." Ramdam niya sa bawat buka ng bibig ng lalaki na may pinagdadaanan ito. Kahit kasi nakangiti ang lalaki ay nalalambungan parin ng kalungkutan ang bilugan nitong mga mata.

"Malungkot ka." It was a statement. Hindi naman kasi niya kailangang tanungin ang lalaki dahil halata naman.

"Ikaw din," biglang nagpantay ang tingin nilang dalawa.

"I know. But I am trying to be happy. Gusto kong ibalik 'yong sarili ko doon sa panahong hindi ko pa kilala si Clint."

"That's the right thing to do,"

"Ikaw, bakit ka malungkot?"

"'Yong natagpuan mo ako sa gubat, 'yon sana ang araw ng kasal ko,"

"I'm sorry to hear that," hindi niya mapigilang maawa sa lalaki. Mas malala pa pala sa kanya ang pinagdadaanan nito.

"Mukhang seryoso kayong dalawa diyan, ah." Sabay silang napalingon sa kinaroroonan ni lolo Temyong. Suot-suot nito ang salakot na hindi naging hadlang upang maitago ang angking kagwapohan ng kanyang aguelo na mukhang ipapamana nito sa mga kaapo-apohan.

"Nagpapaalam lang po si Hexan, 'Lo. Uuwi na siya bukas."

"Parang ang bilis mo naman yata ngayon bumalik ng Maynila, Iho?"

"Kailangan ko na hong bumalik sa trabaho, Tang. At saka, si Mama, hindi na rin mapakali sa pag-aalala."

"Naiintindihan ko ang iyong ina. Sige, basta bumalik ka kung kailan mo gusto. Ang bahay na ito ang laging bukas para sa 'yo."

"Salamat, Tatang. Kay Nanang Conchi po hindi pa ako nakakapagpaalam ng maayos."

"Ako na ang bahala sa iyong Nanay Conchi. Pasensya na kung bihira kayo mag pang abot. Masyadong busy at dedicated sa trabaho ang isang iyon."

"Naiintindihan ko po."

Kiss Me Once Again (Rated-18) TO BE PUBLISHEDWhere stories live. Discover now