Chapter 12

2.1K 57 6
                                    

Chapter 12

“It’s nice to see you again this way, Hexan,”
“What do you mean?”
“’Yong hindi mo ako iniiwasan. ‘Yong kakausapin mo ako bilang isang tao na naging parte ng nakaraan mo at hindi bilang isang babae na nakagawa ng kasalanan sa ‘yo. I’m so sorry, Hexan. I’ve been trying my best to talk to you pero hindi mo ako pinag bigyan. Hindi mo sinubukang intindihin ‘yong side ko.” Naluluha na ang babae at hindi kayang makita ni Hexan na umiiyak ito sa harapan niya. Iyon ang kahinaan niya- ang makitang umiyak ang babae sa harapan niya kaya nga ni minsan ay hindi niya hinayaang magkausap sila ng babae nang masinsinan kasi kilala niya si Ava. Iiyak lang ito sa harapan niya but this time, he needed to fight his fears para magkaroon ng closure ang lahat.

“Pinapatawad na kita,”
“Thank you.” Garalgal na tugon sa kanya ni Ava.
“Sana maging masaya ka sa kanya.” Alam naman niya iyon. Lahat ng material na bagay ay kayang ibigay ng asawa nito. Kayang dalhin ng lalaki si Ava sa iba’t-ibang bansa na hindi maghihirap pagkatapos. E, siya? Hanggang Pilipinas lang niya kayang ilibot si Ava. Hindi niya rin kayang tustusan ang luho ng pamilya nito- na isa pang dahilan kung bakit pumatol si Ava sa matandang napangasawa nito.

Biglang ginagap ni Ava ang kamay niya. She was staring at him. So deep. Hindi kayang itago sa mga mata nito ang lungkot at sakit na nadarama.

“I made a mistake when choosing him over you. But I deserve this.”
“May problema ba?” natarantang tanong niya. Hindi niya inaasahan na magbubukas ng paksa ang babae tungkol sa buhay may asawa nito.

“I’m okay. Nasanay lang kasi ako na walang nag didikta kung ano ang dapat kung gawin sa buhay ko noon. I always made my own decisions. Pero ngayon bawat kilos ko kailangan munang may approval galing kay Steve. Ang hirap. It’s kinda suffocating.” Napabuntong-hininga si Ava. The woman was free-spirited, independent kaya nga noong sila pa ay never niya hinigpitan ang babae kasi akala niya doon sila magkakasundo.

“Masasanay ka rin. Sa una lang ‘yan.” Marahang tumango ang babae saka tumingin sa malayo.

“Anyway, bakit mo naisipang kausapin ako?” tanong sa kanya ni Ava.

“It’s about La Cusina,” he sighed deeply.

Bumalik ang ngiti sa mga labi ng babae.
“Gusto kong i-manage ulit ang resto.”
“Sa lahat yata nang ipinagdasal ko ito lang ang dininig ng Panginoon. Thanks, Hexan. You can have back the La Cusina. Sorry kung medyo napabayaan ko na ito. Nahihiya lang akong lumapit sa ‘yo para ipaubaya na sa ‘yo ang La Cusina. Pinagbabawalan na kasi akong pumunta dito ni Steve. Ang gusto niya ibenta ko na lang daw ito. Pero hindi ko kayang gawin iyon. This is your life, Hexan. Mahal na mahal ko ang La Cusina pero wala na akong pagkakataon na maalagaan ito tulad nang dati.” Masakit sa puso ang mga katagang binitawan ni Ava. Ramdam niyang hirap ang babaeng pakawalan ang La Cusina pero wala itong choice.

“Shhhsss. It’s okey. Don’t worry, hindi ko ‘to pababayaan. Ibabalik ko ang lahat sa dati.”
“Hindi na ako magtatagal. Kanina pa vibrate nang vibrate ang cell phone ko at malamang na si Steve ang tumatawag.”

“Sige, salamat. Mag-iingat ka palagi.”
“Friends?” inabot ni Ava ang kanang kamay nito sa kanya.
“Friends.” Sagot niya.

Hindi lang sa pakikipagkamay natapos ang araw nila kundi sa isang mahigpit na yakap. Naghatid iyon ng kaligayahan kay Hexan. Pakiramdam niya lumuwag ang dibdib niya. Masarap pala sa pakiramdam ang magpatawad at tanggapin na lang ang mga bagay-bagay. Ipinagdarasal ni Hexan na sana maging maayos ang pagsasama ni Ava at ni Steve alam niyang malaking sakripisyo ang ginawa ng babae para sa mga magulang nito kahit sabihin pa na ang palabas ng babae ay minahal na raw nito si Steve noon pa man.

“Kimberly! Anon a naman itong isinusumbong sa akin ng lolo mo na may hinalikan ka raw na lalaki noong umuwi ka ng probinsya?” mulagat ang mata niya nang lumingon sa ina na naghahalo nang niluluto nito. Nakasipit sa pagitan ng tenga at balikat nito ang de-keypad na cell phone na paborito nitong gamitin kapag may katawagan o kaya ka-text.

“’Ma, kung ano man ang ibinabalita ni Lolo ay walang bahid ng katotohanan at pawang-”

“Kasinungalingan? ‘Yon ba ang gusto mong idugtong? Pati ba naman lolo mo ay babaliktarin mo na?”

Lintik na Hexan ‘yon. Inilaglag niya ako sa sarili kong kadugo! Epal amp! Siya naman talaga ang totoong nanghalik, eh. Nanggigil siya pero kailangan niyang kalmahin ang sarili niya at nasa harap siya ng mama niya na tinalo pa ang Judge sa galing at bilis humusga ng damdamin niya.

“’Ma. I swear, hindi ako nagsisinungaling sa inyo.”

“Kailangan mong panagutan ang lalaking iyon.”
“Panagutan? Agad-agad? eh, sana pala  ni-rape ko na lang ‘yon para nabuntis ako para sulit na sulit naman kung pananagutan ko siya.” Patutsada niya. Baliktad talaga ang mundo sa loob ng bahay nila. Nasaan ang hustisya? Himutok niya.

“Tsk…tsk. Kabataan talaga ngayon,” nakita niya pang umiiling-iling ang ina. Mananagot talaga sa kanya si Hexan sa oras na magkita sila nito. Kalalaking tao e, tsinitsismis pa siya.
“Gusto naming makilala ng iyong ama ang lalaking iyon. Dalhin mo siya dito.”
“’Ma, nakakahiya kay Hexan.”
“Ngayon ka pa ba mahihiya? Noong halikan mo siya, hindi ka manlang dinalaw ng kahihiyan sa katawan? Naku kang bata ka! Nabigo ka lang kay Clint, nagpakababa ka na.” Disappointed na wika nito.

“Sige. Bukas na bukas din ay papupuntahin ko dito si Hexan. Pero please, ‘Ma, mag behave sana kayo ni Daddy.”

“Hindi naman kami katulad mo!” umirap pa ito. Parang hindi niya pa alam na sa ina siya nagmana ng kapilyahan. Well, lahi yata nila.

Kinabukasan paggising na paggising niya ay agad niyang itinext si Hexan. Sinabi niyang susunduin niya ito at may pupuntahan sila. Mamaya na lang niya sasabihin na gusto ito makilala ng mga magulang. Sabado ngayon kaya alam niyang hindi masyadong busy ang lalaki.

Pagkatapos sabihin ng lalaki ang exact address nito ay nag umpisa na siyang paandarin ang sariling sasakyan.
Mabilis niyang narating ang bahay nito dahil hindi naman masyadong ma-traffic.

Hindi pumayag ang lalaki na hanggang gate lang sila. Pinapasok siya nito sa loob ng bahay at malugod naman siyang tinanggap ng mga magulang nito na naabutan nilang abala sa kusina kasama ang sa hula niya ay kasambahay ng mga ito.

“Maupo ka ineng. Hexan, ipaghanda mo nga ng merienda ang bisita mo at marumi ang kamay ko.” Pangiti-ngiti sa kanya ang ina nito. Halata ang pagkagiliw sa mga mata nito.
“Napakaganda mong bata.”

“Naku, hindi naman po.”

“Hindi marunong magsinungaling ang mga mata ko. Siya, mag snack ka muna.”
“Salamat po.”

Pagkatapos niyang ubusin ang meriendang inihain sa kanya ni Hexan ay nagpaalam na sila. Hindi na nagpumilit ang ina ng lalaki na doon sila mananghalian sapagkat bago pa man siya dumating ay nakapagpaalam na ang lalaki na aalis silang dalawa.

“Mag-iingat kayong dalawa.”

“First time kong mayaya ng babae sa isang date. Nakakakilig pala,”
“Hoy! Anong date ang pinagsasabi? H’wag kang assuming diyan, oy! Alam mo ba kung saan tayo pupunta? Sa bahay! Dahil gusto kang makilala ng mga magulang ko dahil sa kagagawan mo!” tuloy-tuloy na litanya niya.

“Whoat?” nanlaki ang mga matang napalingon sa kanya si Hexan. Ito ang may hawak ng manibela.

“Oo! Dahil tsismoso ka! Pati ba naman sa lolo ko, inilaglag mo ako!”

“Inilaglag na ano? Teka nga, wala akong maintindihan, eh.”

“Sinabi mo lang naman po sa lolo ko na hinalikan kita. At dahil tsismoso rin ang lolo ko kaya kuwenento agad sa mama ko kahapon! At dahil conservative kuno ang mga magulang ko kaya kailangan daw kitang panagutan,”

Hindi pa siya tapos sa pagsasalita ay biglang na lang humagalpak ng tawa si Hexan.

Kiss Me Once Again (Rated-18) TO BE PUBLISHEDWhere stories live. Discover now