Chapter 10

2.4K 50 0
                                    

Chapter 10

Hindi mapakali sa kinahihigaan niya si Kim. Oo na, aaminin na niya na sobra siyang kinikilig hanggang ngayon. Normal lang naman siguro na kiligin dahil kakilig-kilig naman talaga ang moment nila kanina ni Hexan. The man was a total gentleman. Everytime na magkasama sila ng lalaki ay pinagsisilbihan siya nito. Pareho kaya sila nang nararamdaman ng lalaki? Ipinilig niya ang ulo. Baka masyado na siyang nag aassume sa ipinapakitang kabaitan ng lalaki. Baka natural lang na ganoon ito. Pero ang puso niya ay lihim na umaasa na sana pareho sila ng nararamdaman kahit pa nga nakaramdam siya ng konting selos kanina nang biglang sumulpot ang ex nitong si Ava.

“I saw her last night-” wala sa sariling usal ni Hexan.
“Who?” kung gaano kahina ang boses ng lalaki ang ganoon naman kalakas ang boses na taong ng ina niyang si Teresa. Nagulat-‘yon ang tamang depinisyon sa lakas ng tono nito.

“Si Ava,” flat na tugon niya sa ina.
“Mahal mo pa rin? No, h’wag mo nang sagutin kasi kahit itanggi mo alam ko ang totoo. Hindi mo na naman ‘yon babanggitin kung wala ka nang nararamdaman.”

“Wala na akong nararamdaman sa kanya, ‘Ma.”

“O, ‘yon naman pala, eh. Mabuti naman kung ganoon. Hindi magandang patuloy mo siyang mahalin. H’wag mong ikulong ang sarili mo sa pinagsamahan niyo. Ipagpalagay mo na lang na isa kang director. Gaano man kaganda ang ginawa mong pelikula kailangan lagyan mo ng wakas para gumawa ng panibago at mag umpisa. Kapag natagpuan mo na ‘yong tamang tao saka ka na tumigil. ‘Yong tao na hindi lang palabas at pagkukunwari ang pagmamahal. ‘Yong pagmamahal na totoo at hindi isang ilusyon lamang.”

Totoo at hindi ilusyon. Mukhang malapit na nga niyang matagpuan iyon. Konting pagtitiis na lang.
“Kumain lang kami sa La Cusina kagabi kaya aksidenteng nagkita kami ni Ava.”

“Himala at napadpad ka sa La Cusina.”

“Na miss ko lang.”

“O, anong balak mo? Tatanggapin mo na ba ang pamamahala sa resto?”

“Pag-iisipan ko pa. ‘Ma.”

“Hindi mo na naman dapat ‘yan kailangang pag isipan. Karapatan mo naman iyon.”

“Busy ako masyado kaya baka mapabayaan ko lang ang resto. Sayang naman.”

“Busy ka ba talaga o ayaw mo lang na palaging magsasalubong ang landas ninyo ni Ava?”
Boom! Sapol na sapol siya. Tama ang ina niya. At alam niya sa sarili na iyon ang pinakatamang gawin-ang ipaubaya na ang resto kay Ava. Paano siya makakamove-on kung palaging magsasanga ang landas nila ng babae? Kaya mas mabuti kung ang pag-iwas ay magmumula sa kanya.

“Ikaw ang bahala.” Napabuntong-hininga na sagot ni Teresa. Bumalik sa pantry ang ina at nakita niyang nagtimpla ng isa pang tasa ng kape at dinala sa harapan niya.

Tumitig ito sa kanya at muling nagsalita. “Noong maliit ka pa, ingat na ingat ako sa ‘yo. Makita lang kitang may kagat ng lamok ay nagpapanic na ako. Normal lang naman iyon dahil ikaw ang panganay ko-” saglit na tumigil ang mama niya.

“’Ma,”
“Akala ko katapusan na ng buhay ko noong mawala ka sa amin. Ginusto kong mawala na lang sa mundo dahil hindi ko kaya ang sakit nang mawala ka. Labing limang taon akong nagluksa sa pagkawala mo. Kaya ‘yong makita kang buhay at malusog ay sobrang ligaya ko na pero ang makita kang nahihirapan ulit ay higit akong nasasaktan. Kung pwede ko nga lang pakiusapan si Ava na balikan ka ay ginawa ko na pero alam ko na kung kayo ay kayo talaga. Pero muli akong nabigo nang malaman na ikinasal na pala siya. It’s time to move on, sweetheart. Mahaba pa ang panahon at malawak ang mundo. May isang babaeng nakalaan para sa ‘yo.” Ang makitang lumuluha ang ina dahil nasasaktan ito para sa kanya ay higit na sakit ang hatid sa puso niya. Hindi niya masisisi kung masyadong emosyonal ang ina.

Hindi biro ang makidnap siya ng mga hinihinalaang sindikato noong sampong taong gulang pa lamang siya.

Kakatapos lang ng klase niya at lumabas na siya ng school nang biglang may lumapit sa kanyang lalaki at nagpakilalang kaibigan ng papa niya na napag utusan di-umanong sunduin siya. Dahil bata, mabilis siyang napaniwala ng lalaking iyon pero pagdating sa sasakyan ay nagulat siya nang malamang puro lalaki ang laman ng sasakyan at nanginig siya nang mapansin na may mga baril ang mga iyon. “Saan po ba tayo pupunta?” Tanong niya nang mapansin na bibira na ang kabahayan sa dinadaanan nila.

“Nasa Cavite ang mama at papa mo dahil may party silang pinuntahan kaya doon ka na namin dadalhin.” Tumango lang siya pero muntik na siyang tumalsik sa kabilang side nang biglang pumaharurot ng takbo ang driver kasabay nang narinig niya ang maingay na sirena ng police mobile.

“Ikanan mo, Jaro! Puñeta!” utos ng lalaking katabi niya na kung makahawak sa kanya ay akala mo tatakbo siya.
Nagpa-ekis-ekis na ang sasakyan dahil nag umpisa nang magpaputok ang mga kapulisan. Lalo naman siyang namutla. Nag umpisa na rin siyang umiyak nang umiyak. Agad na tinakpan ng katabi ang bibig niya ng panyo at noon mismo ay nakaramdam siya ng pagkahilo.

Puting silid ang unang tumambad sa mga mata niya. Pakiramdam niya ang sikip-sikip ng suot niya. Kinapa niya ang mukha at tama siya ng hinala; nababalutan ng tela ang ulo at halos kalahati ng mukha niya.

“Salamat sa panginoon at gising ka na.” Nag sign of the cross pa ang babae.

“Mag aalmusal ka na ba?” biglang naputol ang pag alaala niya sa nakaraan.
“Mamaya na lang.” Sagot niya sa ina. Masaya na ulit ang mukha nito.

“Ang lalim yata nang iniisip mo.”

“Wala ‘Ma. Namimiss ko lang ang Kanlungan.”
“Ganoon naman pala, bakit ‘di mo puntahan?” marahang tumango lang siya sa ina. Ang totoo ay hindi iyon ang dahilan. Ayaw niya lang sabihin sa ina na tungkol na naman sa nakaraan ang iniisip niya. Alam niyang mag aalala lamang ito.

Kiss Me Once Again (Rated-18) TO BE PUBLISHEDWhere stories live. Discover now