CHAPTER 37

798 16 0
                                    

“ Nak ang ganda mo .. “  sabi ni Mama.

Nakaharap ako sa salamin. Nasa likod ko si Mama. Ngayon na ang araw ng kasal ng step mom ni Nikki.

“ Mas maganda po kayo ma .. “   sabi ko

“ Asus.. dalian mo na diyan at hinihintay kana ni Vince .. “   sabi ni Mama tyaka lumabas ng kwarto ko.

Nagring ang phone ko .

Gerald calling …

 

Sinagot ko.

“ Good morning baby .. “  bungad niya. Talaga bang tinawag niya ako ng ganun ?

“ Good morning .. “  sagot ko.

“ Asan kana ? “

“ Andito pa ako sa bahay. “  sabi ko.

“ Gusto sunduin kita ? “  tanong niya.

“ Gerald , diba alam mo namang---------- “

“ Ay oo nga pala .. “   malungkot siya. Pahina ng pahina kasi ang boses niya.

“ Joyce, sabihin mo lang kung may ginawa siya sa iyong hindi maganda at uupakan ko siya .”   dugtong niya at natawa ako.

“ Joyce makinig ka .. “   sabi niya at nakinig ako.

“ I love you Joyce !! Whooh ! “  sumigaw siya.

“ Hala oy .. wag mong sabihing--- “

“ Oo .. nandito ako sa burol hehe .. “

 

“ Baka ma late ka .. “  sabi ko.

“ E ayoko na ngang pumunta e .. “

“ Uy .. pumunta ka .. “   sabi ko. Naisip ko kasi si Nikki.

“ Oo na , syempre pupunta ako para makita kita., “  sabi niya.

“ Sige na , bye na alis kana diyan .. “   sabi ko.

Nagpalitan na kami ng I love you sa

isa’t-isa tyaka na ko bumaba .

Sabay kaming pumunta ni Vince sa kasal. Natapos na ang kasal ng dumating si Gerald.

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon