CHAPTER 36

784 19 0
                                    

Gerald’s POV

 

Hinintay kong matapos ang klase nila Joyce. At nung lumabas na siya ng pinto ay agad ko siyang hinila.

Walang nakakita sa amin hanggang sa dalhin ko siya sa likod ng building.

Binitiwan ko na siya. Nakatalikod pa rin ako sa kanya.

“ Joyce .. “

“ Gerald , alam kung ------ “

“ Joyce, hindi ko na kayang magpanggap ! bakit baa yaw mo pang aminin sa kanila ? “   sabi ko ng humarap na ako. Nayuko lang siya.

“ Hindi ko na kayang makita na kasama ka niya .. “   dugtong ko pero nayuko parin siya kaya nilapitan ko na siya.

Nakita kong umiiyak na siya. Alam kong nahihirapan na rin siya.

Niyakap ko siya..

“ Kunwari ka pa.. e gusting-gusto mo naman , may pakiss kiss pa siya sa cheeks mo .. “  pagtatampo niya

“ E ano naman yung paihip ihip ni Vince sa mata mo ? diba sabi ko sa’akin lang ang mga mata mo ? “   seryoso ako doon. Pero tumawa lang siya.

“ Ayoko lang naman na magkasira pa kayo ngayong malapit na ang competition .. “   sabi ni Joyce naging seryoso siya nun

Tignan mo to iniisip na naman ang ibang tao.

Joyce’s POV

 

Tumingala ako at nakita ko ang malungkot niyang mukha.

“ Pero alam mo , mas mabuti ng sa cheeks ka lang niya hinalikan .. “   dugtong ko kaya ngumiti siya.

Nilapit niya ang noo niya sa noo ko. kaya magkadikit na ang mga noo namin

“ Dahil ang mga labi ko ay sayo lang  Joyce.. “  sabi niya.

Pumikit ako, and then the last thing I know is that he is kissing me for the third time.

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon