CHAPTER 25

896 22 0
                                    

Umiling ako matapos niyang sabihin na iwan ko siya . Hindi ko magagawa yun . Ngayon pa ba ?

Maya-maya pa ay may humawak sa balikat ko. Lumingon ako at nakita ko sila Vince, Tristan , Hector at Regine.

" Kami na ang bahala dito . " galit na sabi ni Hector.

Hindi ko pa siya masyadong nakakausap pero sa tingin ko maaasahan siya.

Tag-isa nilang nilabanan ang mga lalaki at agad akong tumakbo papunta kay Gerald.

" Gerald ??? " tawag ko. Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko bago siya makatulog.

Inuwi naming siya sa Condo niya. May susi kasi si Tristan. Pinapunta namin ang doctor niya at sinabing maswerte daw si Gerald at wala siyang malalang tama. Kailangan lang daw niyang magpahinga.

Pinilit ko silang ako ang magbantay kay Gerald ngayong gabi.

" Sigurado ka ba ? " tanong ni Vince.

" Sasamahan ko siya . " sabi ni Regine

" Ako din .. " sabat naman ni Tristan

Binatukan siya ni Regine.

" Uuwi ka na at magpapahinga .. " sabi ni Regine. Tingin ko under niya si Tristan

Bagay sila . Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila.

Nakita ko namang tahimik si Hector. Siguro iniisip niyang masasaktan ang kapatid niya pag nalaman niyang may kasama si Gerald dito

" Pwedeng bumisita ditto si Nikki. " sabi ko at nakita ko namang umaliwalas ang mukha ni Hector.

" Sige .. ingat " sabi ni Vince ng umalis na sila kasama si Regine. Uuwi kasi siya sa bahay para ikuha ako ng damit. Tinawagan ko si Mama at pumayag naman siya dahil kasama ko si Regine.

Hindi nagtagal ay dumating na si Regine. Kaya sabay na kaming kumain. Naghugas ako ng plato at pagtingin ko sa sala ay tulog na si Regine. Kaya pinatay ko na ang TV na naiwang nakabukas.

Pumunta na ako sa kwarto ni Gerald . Iniisip ko kung paano ko kaya to mapapakain.

Habang hinihintay ko siyang magising. Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinagmasdan ko siya.

May galos siya sa may taas ng kilay. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. At kusang kumilos ang mga kamay ko para hawakan ang mga sugat niya. Pero bago pa man makarating ang mga daliri ko doon ay biglang kumilos ang kamay niya para pigilan ang kamay ko. Hawak na niya ang kamay ko

Sumunod na dumilat ang mga mata niya. Nakatingin sa akin. Nagkatitigan kami.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Agad akong tumayo at tumalikod pero hinawakan niya ulit ang kamay ko bago pa man ako magsimulang maglakad palabas ng kwarto.

" Please stay .. " sabi niya. Mahina iyon pero malinaw.

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon