CHAPTER 6

1.1K 30 0
                                    

“ oh .. Gerald , saan ka pupunta ? “    tanong ni Tristan

“ sa baba .. may isasauli lang ako . “     pagdadahilan ko .

Nasa baba na ako. Sumakay agad ako sa kotse ko  . naabutan ko siya, hindi kalayuan sa university . Tinabi ko ang kotse ko at binuhat ko siya .. ako bakit nga ba ?   ahh basta ..

“ Teka , ikaw ? “    sabi niya nung makita na niya ang mukha ko .

“ saan mo ako dadalhin ? ibaba mo nga ako !! ”     sabi niya . pero nagpatuloy pa rin ako papunta sa kotse.

“ Edi sa bahay ninyo ? “    matipid kong sagot .

“ Bakit ba ayaw mong mag jeep ? o bus ? “     tanong ko sa kanya nung mailagay ko na siya sa kotse ko .

“ e kasi magiging perwisyo lang ako sa mga pasahero’t driver dahil mahihirapan akong bumaba at umakyat matatagalan ang bYahe nila .. “  sabi naman niya .

Natawa ako sa sagot niya . inuna pa niyang isipin ang ibang tao .   napailing ako at napangiti tyaka ako umikot para pumasok na rin sa aking kotse.

“ Alam mo ‘yang sobrang kabaitan mo ang magpapahamak sayo .. “    sabi ko sa kanya bago ko istart ang kotse.

 “ Nagugutom na ako .. pwede bang drive thru muna tayo ? “    pakiusap ni Joyce.

Agad naman kaming nakahanap ng Drive Thru.

“ oh .. Anong gusto mo ? “     tanong ko sa kanya .

“ Kahit ano basta walang ketchup at hipon “      mabilis na sagot niya .

Kumain siya habang nagmamaneho ako . Ang ingay pala neto ?

Tinuro niya sa akin ang direksyon ng bahay nila .   Nung huminto na yung kotse ay bumaba agad ako . Hindi ko alam pero kusang kumilos ang mga paa ko para pagbuksan siya, kaso pag-ikot ko nabuksan na niya ito at naka baba na siya .

Hindi ko rin alam kung bakit , pero nainis ako. Kaya binuhat ko ulit siya mula gate hanggang doon sa mismong pinto nila .

Nung binaba ko na siya ay tumalikod na ulit ako sa kanya . Pinilit kong hindi tumingin sa kanya . alam kong nagtataka siya .

“ Mamaya ako pa ang masisi sa kung ano mang mangyari sayo .. “    sabi ko Nakatalikod na pa rin ako nung magsalit siya .

“ Salamat .. “    sabi ni Joyce.

Hindi na ako humarap sa kanya . narinig ko na lang na bumukas at nagsira ang pinto nila .

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa kotse ko at iniwan ko na lang sa loob ng Gate nila yung bisikleta.

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon