CHAPTER 9

1K 29 0
                                    

Nadapa lang naman ako sa sahig.

“ Frend, okey ka lang ba? Sorry ah .. “

Tumango ako. At umupo. Ayokong ipahalatang masama ang pakiramdam ko.

“ Frend namumutla ka na .. “     sabi ni Regine ng makatayo ako.

Kinagat ko ang labi ko. Naisip kong paginawa ko iyon ay pupula ulit ang labi ko .

“ Ayos na ba ? “  tanong ko kay Regine

“ Frend , ano ba ? “   galit na siya.

--Gerald’s POV--

“ Gerald, sakto .. may kanina pa naghihintay sayo .. “    pang-aasar ka sa akin ni Tristanpag bukas ko ng pinto.

At sino na naman kayang magpapasama ng loob ko ?

Sama ng loob? Hindi ahh.. wala akong pake sa kanila.

“ Nikki ? “

Tawag ko sa babaeng naglalaro ng ipod. Kappatid siya ni Hector.  Crush daw ako nito , kaya naman pinagbigyan ko at inentertain.

Pagtawag ko sa kanya tumingala naman ang loka.

“ Kuya mo ? “

“ susunod lang yun .. ay papunta na . “Nauutal siya. Halatang kinikilig.  Mga babae talaga.

Maya – maya ay dumating na si Vince. Ang laki ng ngiti ng loko. Sumunod na mang dumating si Hector.

“ Sorry , I’m late..”    biro niya at nagsalute pa

“ Teka, bro tuloy pa ba yung practice natin mamayang gabi ? “   tanong ni Tristan habang umiinom ng coke.

“ I suggest no .. “   mabilis na sagot ni Vince.

“ May date kasi ako, sorry guys. “   nakangising dugtong  ni Vince.

Yun pala ang pinag- usapan nila kanina.. E ano naman?

“ Ako din may lakad .. “    sabi ko , hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi.

Tumingin silang lahat sa akin. At binigyan nila ako ng  at saan naman iyon look

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon