CHAPTER 21

885 22 0
                                    

Gerald’s POV

 

Habang naglalakad ako sa hallway. Sinalubong agad ako ni Nikki.

“ Hi Gerald .. “    bungad niya.

Hindi ko alam kong matutuwa ba ako o mabubwisit dadil nandito na naman siya. Kailangan ko na talagang sabihin sa kanya.

Nginitian ko siya.

“ Halika , may sasabihin ako sayo “   sabi ko.

Naglakad kami at naghanap ng perfect place. Habang iniisip ko kung paanong dapat hindi ko siya dapat masaktan sa sasabihin ko sa kanya ay nakita ko ang isa sa mga bagay na hindi ko gusting makita.

Niyakap ni Vince ang Joyce ko .Awts .  Joyce ko ? ano bang nangyayari sa akin ?

“ Oy. Gerald, saan ba tayo pupunta ? “   tanong ni Nikki. Natigil pala ang paglalakad ko sa nakita ko.

Kaya hinarap ko si Nikki at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. Paano ko ba to sisimulan ?

“ Nikki , makinig ka .. Ahmmmm  hindi ako ang lalaking – “

“ Hindi wag mong sabihin yan ! “  putol niya sa akin . Niyakap niya ako at nagsimula na siyang umiyak .

Paano ba ako napasok sa gusot na to ?

Joyce’s POV

 

“ Tapos anong sagot mo ? “   tanong sa akin ni Regine. Nandito kami sa canteen ngayon.

“ Edi sabi ko pag- iisipan ko . “

“ Wow. Ang ganda ng sagot mo ah .. “   pagpapatawa ni Regine. Kaibigan ko ba talaga to ?

“ Kailangan ko munang pag-isipan. Ayokong gumawa ng isang desisyon na pag-sisisihan ko sa huli. “    sabi ko.

“ E sino bang pumipigil sayo ha ?  Si Gerald ano ? “

Natigilan ako sa tanong ni niya. Oo tama siya. Si Gerald lang naman ang gusto ko e.

“ Frend , wag mong pigilan ang sarili mong sumaya. Kung ako sayo hanapin mo na siya at ------------ “

Natigilan si Regine at nakatingin siya sa likod ko at ang laki ng ngiti sa mukha niya.

Lumingon ako at nakita ko si Tristan na papalapit sa amin. Tyaka ko ibinalik ang tingin kokay Regine.

“ ------at mahalin “     dugtong niya sa sinasabi niya kanina.

What ? hanapin siya at mahalin ?

Pero bago ko pa man ako magsalita ay nakarating na si Tristan sa table naming at tumayo siya sa likod ni Regine.

“ Kami na .. “   biglang sabi ng bruha.  Ako naman napanganga.

“ Ano frend , nganganga ka na lang ba diyan? O pupuntahan mo na ang prince charming mo ? “     natulala ako. Ano bang dapat kong gawin .

Hahanapin ko siya at magtatapat na ako. Bahala na kung ano ang sabihin niya .

……………..

Can you predict the next chapter ?

comment ..

vote ...

or FOLLOW  us .. ♥

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon