CHAPTER 13

974 23 0
                                    

--Gerald’s POV--

Urgh . Bakit ba hindi siya mawala sa isip ko? Kamusta na kaya yun ? Wala namang sinasabi si Vince tungkol sa date nilang hindi natuloy.

Nasa terrace ako ngayon at nagpapahangin .

“ Gerald , sorry ahh .. hindi natuloy yung lakad natin kahapon . “  sabi ni Nikki.

At heto na siya. Kung alam lang niya kung gaano ako natuwa na siya na mismo ang pumigil sa date namin dahil may gagawin kuno siya.

Kung bakit ba naman kasi naisip ko pa ‘tong gawin. Masasaktan lang ang kawawang si Nikki at ako , malalagot kay Hector. Dapat ko na tong tapusin agad.

--Joyce’s POV--

Dapat ko siyang makita, dapat ko siyang pasalamatan. Nagmadali akong umakyat papunta sa studio nila .

FLASHBACK

“ Oh .. inumin mo na iyan .”     utos ni mama ng ilapag niya ang gatas sa side table ko .

“ Ma nakilala mo na po si Gerald ? “

“ Well , siya lang naman ang naghatid sayo sa clinic .”

Sabi ni mama ng umupo siya sa gilid  ng kama ko. Ng may ngiting nakakaloko.Natuwa ako sa sinabi ni mama. Si Gerald?

Palagi na lang niya akong nililigtas..

“ Hoy Joyce .. “    binatukan ako ng mama ko ?

“ Ma naman .. “

“ E bakit naman kung makangiti ka dyan ay parang wala ng bukas? Umayos ka joyce ahh umayos ka! “

END OF FLASHBACK

“ Joyce ! hintay ! “    tawag sa akin ni Regine.

Hinintay ko si Regine na makahabol sa akin hanggang sa matagpuan na lang naming ang mga sarili naming nasa harapan na ng pinto ng studio.

Kakatok na sana ako , kaso kusang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Tristan .

Naramdaman ko namang napakapit si Regine sa braso ko at nung tignan ko siya e parang nakakita ng anghel ang bruha.

Parang kung sa cartoons pa ay , may hugis puso na ang mga mata niya sa kilig.

“ Ahh  joyce, kayo pala ”

“ Si Gerald ? “

“ Asa loob , sigepasok muna kayo .. may bibilhin lang ako . “   paalam ni Tristan.

“ Sige salamat. “

Pumasok na kami. Si Hector nanunuod ng TV parang bahay na rin nila ditto.

Hinahanap ng mata ko si Gerald pero hindi ko siya makita. Nilingon ko si Regine at nakita kong naki upo siya at kausap na siya ni Hector.

Kaya hinanap ko na siya ulit. Hanggang sa may narinig akong nag-uusap sa terrace. Pero bago pa man ako makalapit ay ..

“ Joyce ! “

 

 

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon