CHAPTER 29

840 17 0
                                    

Nag set ako ng alarm para maaga akong makapag-luto at maligo . Matapos kong makawala sa mahigpit na yakap ni Gerald. Hindi naman ako tinanong ni Regine ng kung ano ano habang kumakain kami.

Maya-maya ay nagising na siya, pero papaalis na kami ni Regine. Nakita ko siyang pumunta sa banyo nung sumilip ako sa kwarto niya.

“ Oh sige frend, mauna na ako sa baba ah.. usap tayo mamaya. “

“ Oo sige . “   sabi ko, sinusuklay ko ang buhok ko.   Bumalik ako sa kwarto ni Gerald para makapag salamin.

Maya-maya ay may yumakap sa akin mula sa likod. At nung tumingin ako sa salamin , si Gerald pala. Nakayuko siya sa balikat ko kaya hindi ko makita ang mukha niyang bagong gising.

Hinawakan ko ang mga braso niyang nakayakap sa akin .

“ Alam mo ba , hugs ------ “

“ ---- from the back are the best .. “   dugtong ko.   Tapos tumingin na rin siya sa salamin.

Gerald’s POV

 

Tumingin na ako sa salamin at nakita kong nakangiti siya sa akin.

Kaso biglang nawala ang ngiti niya ng tumunog ang phone ko at naka rehistro ang pangalan ni Nikki.

“ Para naman akong kabit mo nito eeeeeeee .. “   pagtatampo niya. Nasimangot na siya.

Hear the SoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon