6. Girl

1.8K 80 70
                                    

Serenity

Hahaha. Ang sarap kunan ng picture ang reaction niya. Ang kyooooot talaga. Kapag itong lalaki na 'to talaga ay yayayain akong magpakasal, naku, wala ng isip-isip, I do na agad isasagot ko. 😂

"Ayaw mo talagang pumasok?"

"Ayaw mo 'kong bihisan e." Pasaway kong sagot.

"Serenity!"

"What?" Natatawang sambit ko. Hindi siya sumagot. Bumalik siya mayamaya pa na may dalang mga gamit panglinis. May walis, may mop, may feather duster at vacuum.

"Ano 'yan?"

"Isn't it obvious?" Pamimilosopo niya. Aba! "I made it clear that if you stay here, you will keep my place clean!" Ayan na. Nanenermon na siya. "The throw pillows in the living room are everywhere. Have you been playing? Tsk. You are not a kid, Serenity! There are bread crumbs and crackers on the floor. You did not even wash the plates. And you slept on my bed which I clearly emphasized is not made available of use for you."

Whoa. Ang haba ng sinabi niya.

"Start cleaning now. You're not going to school anyway."

"What?" He pretends not to hear me and gets out of the room. "Five Palmer! No! You can't do this to me!"

Hindi siya bumalik. Kinuha ko nalang ang walis at sinimulan ang paglilinis. Inayos ko ang kama at pinalitan ito ng bedsheet. Mahigit isang oras din 'yon. Humiga na muna ako saglit sa couch sa loob ng kwarto para magpahinga. Ang sakit na ng braso ko. Pakiramdam ko matatanggal na sila sa katawan ko.

"Mo?" Nawala agad ang pagod na naramdaman ko nang mabungaran siya sa living room na nagbabasa ng aklat. Ang gwapoooooo. Nakakabaliw. Hay naku.

Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ako saglit saka ibinalik ang atensiyon sa aklat. Lumapit ako sa kanya at sumandal sa kanyang balikat. Syempre, dahil salbahe siya, itinulak niya ako. Bwesit talaga.

"Change the bedsheets and pillowcases and wash them after."

"What? No. That is too much already."

"Too much? That's what you get for your inability to follow rules."

"Tsk." Tumayo ako para simulan na ang paglilinis ng kusina at living area. Grabe talaga siya. Ni hindi man lang ako tinulungan. Iniwan pa nga ako eh! Hindi siya nagpaalam. Nabusy lang ako sa paghuhugas ng pinggan tapos nawala nalang siya bigla. Kung sa bagay, wala narin naman akong lakas para asarin siya. Mula sa buong umagang paglilinis, hindi na ako nagulat na sumalampa nalang ako sa couch sa sobrang pagod at naghahangad na makatulog ng mahimbing. Ang sakit ng buong katawan ko. Aruuu.

"Get up." Someone pokes my forehead and I really hate it when people do it to me. I don't know. It irritates me. "Get up."

"Stop poking my forehead!" Reklamo ko matapos ibuka ang mga mata ko. Ngumisi lang si Five at saka tinapon sa mukha ko ang throw pillow. "Aw! Ang sama mo talaga! Hoy Five Palmer, umayos ka! Ba't ka ganyan sa future wife mo?"

"Magpalit ka do'n. Ang baho mo." Saad niyang nagpausok ng ilong ko. Inamoy ko pa nga ang tshirt na suot ko e. Hindi naman ako mabaho. Pero kung sabagay, ang bango niya kaya. Kahit hindi siya malapit sa'kin, naaamoy ko kaya siya. "Stop wearing my stuff!" Pahabol niya. Bago pihitin ang door knob, humarap ako sa kanya at ngumiti. "Serenity, I am serious! Binilhan na kita ng sarili mong gamit!" Giit niya.

"Your things are more comfortable to wear!" Pasigaw na tugon ko saka pumasok ng kwarto. Haha. Malamang, asar na asar na naman siya sa'kin. Haha. Nagshower ako ng mabilis bago nagpalit ng bagong tshirt niya. Ang ganda ko sa shirt niya talaga. Napapangisi ako sa tuwing nakikita ko ang sarili ko sa salamin.

THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now