4. Flowers

1.9K 87 160
                                    

Lyra

Nang pumasok ng office si sir Five mula sa meeting, napaupo kaagad ako ng maayos. Hindi ko sinasadya pero talagang nanginginig ang tuhod ko kapag nakikita ko siya. Siguro dahil, wala siyang kasing-suplado. Kahit ang kaliit-liitang pagkakamali namin ay napupuna niya. Hindi rin siya ngumingiti. Kaya sino bang hindi matatakot o maiintimidate sa kanya?

"Lyra?" Napaangat agad ako ng ulo para tingnan siya. Hindi ko alam kung bakit biglang umurong ang dila ko. Imbis na nakatuon sa phone ang atensiyon niya, napatingin siya sa'kin dahil hindi ako nakasagot. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang panginginig nito. "Are you okay?" Tanong niya, nakakunot ang noo.

"O-opo sir."

Ibinalik niya sa phone ang atensiyon niya. May tinatawagan yata siya.

"Can you find my copy of Hilgado's case files?"

"Okay sir."

Nanginginig na namang lalo ang tuhod ko habang naglalakad palapit sa kanya. Ilang hakbang lang mula sa table niya ang layo ng file cabinets.

"Where are you?" Sino kaya ang kausap niya? "Wag ka ng pumunta dito. Nasaan ka nga? Ako ang pupunta diyan."

Could it be the girl who answered his phone one morning? Girlfriend niya kaya 'yon? May girlfriend si sir Five?

"Tsk. Sa basement ka maghintay." I can tell that he already ended the call. Hindi na kasi siya nagsalita. Napalingon ako mayamaya pa. Nahuli ko si sir Five na nakatingin sa'kin. Agad niya ring iniwas ang tingin niya.

"Did you find it?" Tanong niya, hindi nakatingin sa'kin.

"Hindi pa po sir."

"Make it quick."

"Okay po."

Finally, nakita ko din ang pinapahanap niya. Kaya lang, sa kalampahan ko, nalaglag ang folder sa sahig. Mabilis ko namang pinulot 'yon. Ang hindi ko namalayan, lumapit pala si sir Five sa'kin. Nanlaki na lamang ang mga mata ko't napasinghap nang marealize na nakatayo siya sa may likuran ko. Siguro, isang inch lang ang pagitan namin eh.

"Wear a longer skirt next time." Bulong niya matapos isinukbit sa'kin balikat ang kanyang overcoat. "Put the files on the table." Dugtong niya bago tinungo ang pintuan. Sinundan ko siya ng tingin kaya nakita ko ang babae na nakatayo sa may pintuan, nakatingin sa'kin ng masama. Sino siya? Is she her sister? Usap-usapan dito sa opisina na puro lalaki silang magkakapatid. Hindi niya naman siguro girlfriend ang babae. Sa pamamaraan ng pananamit nito, halatang isa pa lamang siyang estudyante at teenager pa.

"Uuwi na tayo?" Malambing na tanong nito kay sir Five. Ang boses niya! Iyan ang boses ng babaeng nakausap ko nang tawagan ko si sir Five. Ito ba ang babaeng kausap niya kanina sa phone?

Bagama't hindi sumagot si sir Five, nagpatiuna siya para umalis na. Bago sumunod ang babae ay nilingon niya ako't tinaasan ng kilay.

Naging distracted ako dahil sa inasta nito na kahit nang makaalis na siya ay hindi ako nakaalis sa tinatayuan ko. Mabuti nalang at naagaw ang atensiyon ko sa perfume ng overcoat ni sir Five na nasa balikat ko. Hindi ko sinasadyang huwag mapangiti.

Wear a longer skirt next time. Mahaba naman ang palda ko ah. Isang inch na lang yata at matatakpan na ang tuhod ko.

Wala talaga akong masyadong mga kaibigan dito sa opisina. Unang-una, aloof ako. Most of the time, mas naeenjoy kong mag-isa. Pangalawa, sinubukan kong magtiwala ng tao. Si Trixie, akala ko ay kaibigan ang turing niya sa'kin. Ang totoo pala ay ginagamit niya lang ako para mapalapit siya kay sir Five. Nabanggit ko lang minsan ang pagkakamali ni sir Five na yayain akong kumain, minasama na niya at ipinagkalat niya pa. Tingin tuloy ng lahat dito sa kumpanya, may lihim akong pagtingin kay sir. I mean, oo, napakagwapo niya. Siya na nga yata ang may pinakagwapong mukha na nakilala ko pero alam ko naman ang agwat namin-langit at lupa. Tama si Trixie, hindi magkakainteres si sir Five sa kagaya ko. Ang perpektong lalaki na gaya niya ay nababagay sa babaeng kasing taas ng estado niya.

THE LAW OF LOVING YOU °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now