XXXIX. Save Me (Kathryn & Daniel)

17K 216 45
                                    

(Kathryn)

"Julia at Miles! Nakita niyo ba si Daniel?"

"We're not your boyfriend's keeper." sabi ni Miles. 

Hindi ko na lang pinansin ang maarteng pahayag ni Miles. Sanay na ako diyan. At tsaka, masaya kasi ako! Magkikita kami ni Daniel. Sobrang miss ko na ang boyfriend ko. Tiningnan ko si Miles at si Julia at niyakap sila ng sobrang higpit. Hindi ko alam. Trip ko lang sila yakapin.

"Ang clingy mo, Kathryn!" Sigaw ni Miles. 

"Ba't ka ba nanyayakap, Kathryn?" Tanong ni Julia.

Bumitaw na ako sa pagkayakap sa kanila. Ano ba 'tong mga 'to! Minsan na nga lang maglambing, eh. "Tse! Minsan na nga lang ako maglambing, eh!"

"Whatever." Maarteng saad ni Miles at pinaupo ako. "Bago ka pumunta sa boyfie mo, aayusin muna namin ang halimaw mong pagmumukha kaya kumalma ka diyan."

"Anong halimaw?!" Sigaw ko.

Hindi na nila ako pinansin at nagsimula na akong ayusan. Kinulot nila ang buhok ko at nilagyan ako ng light make-up. Pinasuot din nila sa akin ang puting cocktail dress. Ano bang meron? Shemay! Sobrang bongga naman ng suot ko. Parang prom lang. Hekhek.

Pinatayo ako nila Miles sa harapan ng malaking salamin. "Oh my gosh! Ang galing talaga natin Miles. Siguradong mapapanganga si Daniel mamaya!"

"Shemay! Ang ganda ko nga." Saad ko.

Binatukan naman ako ni Miles. "Ang taas naman ng self-confidence mo. Hindi ko mareach!" Maarteng reaksyon ni Miles. As usual.

Pero ang ganda-ganda ng dress ko.

Yayakapin ko na sana sila pero binatukan ako ni Miles. Ano ba 'tong si Miles. Kanina pa ako binabatukan! "Hep hep!" Saad pa niya.

"Hooray?" Nakangiti kong pahayag.

At... binatukan na naman ako ni Miles.

Kotang-kota na 'tong babaeng na 'to ah.

"Bopols! Wag ka nga muna maging clingy. Tsaka wag ka masyadong gumalaw. Baka masira ang ayos namin sayo." Aniya Julia. May inabot na papel sa akin si Julia. Hmm. Address ng ano 'to? "Diyan kayo magkikita ni Daniel. Puntahan mo na siya."

Tumingin ako sa orasan.

EH?! 10 PM NA?!

"Layas na!" Aniya nilang dalawa at tinulak ako palabas ng bahay. Hay grabe! Ang kukulit talaga ng mga kaibigan ko. Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi naging kaibigan ko sila.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon