XI. Help (Kathryn)

27.1K 398 53
                                    

Yehey, Friday na! Sobrang saya ko kasi Friday na! Kulang nalang, sumayaw ako kasi Friday na! Wahahahaha! Puro Friday na sinasabi ko. Sobrang daming nangyari ngayong linggo. Si Miles, kinalimutan na totally ang ex niya at mukhang nagkakadevelopan sila ni CJ. Si Julia naman, sobrang like pa rin si kuya at nagiging close na rin naman sila. At si Neil, very unexpected, pero nililigawan na niya ako... JOKE LANG, SYEMPRE! Si Neil? Imposible! Mukha kaya siyang bakulaw. Naku, pag narinig niya 'tong iniisip ko, siguradong magwawala 'yon!

Nandito kami ngayon ni Miles sa garden ng school. Pagkaring na pagkaring ng bell, hinila niya ako papunta dito. Parang may big revelation siyang sasabihin sa akin. OMG-

BAKA MAY MALALA SIYANG SAKIT

O KAYA BUNTIS SIYA

OR TOMBOY SIYA AT CRUSH NIYA AKO

Pero siguro, nagiging overacting lang ako. Umupo kami sa batong upuan sa gilid ng garden. Eto ang isa sa pinakapaborito kong lugar sa school (bukod sa canteen). Sobrang nakakakalma kasi ng utak 'tong lugar. Parang pagkatapos ng sobrang hirap na araw sa school, dito ka muna tatambay para alisin yung stress sa katawan mo.

"Kathryn, I think.. i'm falling." mahinang saad ni Miles

"Ha? Falling? Ba't ka naman malalaglag?!" natataranta kong tanong sa kanya.

"Aigoo, ang slow mo naman, eh!!!" sabi niya at hinahampas ang braso ko.

"Hindi ako slow. Malabo ka lang talaga!" bulyaw ko sa kanya.

"Hindi ko na kasi mapigilan 'tong nararamdaman ko para kay CJ. Oo, alam ko na nakaranas na ako ng sakit dahil sa isang relasyon. Natatakot ako na baka dumating ulit ang panahon na masaktan ako. Pero hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. Kapag kasama ko si CJ, kapag nakakausap ko siya, parang hindi ako natatakot." saad ni Miles sa akin.

Mabait naman si CJ, walang bisyo at stick to one. Pero one week pa lang kasi silang magkakilala. Actually, hindi pa nga one week kasi noong Monday lang sila nagkakilala. Parang ang bilis namang mainlove ni Miles kung ganoon. "Ang bilis naman ata, Miles? Parang noong Monday pa lang kayo magkakilala ni CJ, eh. Wag ka munang magmadali. Hindi naman mawawala si CJ, eh. Kilalanin mo pa siya ng matagal. Siguraduhin mong siya na yung lalakeng hindi ka sasaktan."

"Ewan ko. Parang nalove at first sight ako sa kanya. Pero siguro kailangan ko muna siyang kilalanin. Ayaw ko ng ulit masaktan." sabi ni Miles sa akin at ngumiti.

Pinat ko siya sa braso. "Ayaw na ulit kitang masaktan."

"Uwaaa, bestfriend!" sigaw ni Miles at niyakap ako ng sobrang higpit. Pagkatapos ay bumitaw siya sa pagkayakap at tiningnan ako sa mata. "Hmm, ikaw... hindi pa ako nakakarinig sayo. Simula noong maging magkaibigan tayo, wala ka pang nakwento tungkol sa lovelife mo. Puro artista mga nagiging crush mo. Magkwento ka nga. Ang lihim mo, eh."

Bumilis ang tibok ng puso ko at tanging si kuya lang ang lumalabas sa isipan ko. Natatakot akong i-open up 'to kay Miles. Oo, kaibigan ko siya. Pero natatakot ako.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon