XXIII. Official (Kathryn)

22.7K 310 33
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong nahimatay ako. Pagkatapos noon, sobrang naging maalaga ni Daniel. Sa school, ayaw na ayaw niyang humiwalay sa akin. Sumasabay na rin siya sa aking tuwing uwian. Sa mga araw na 'yun, sobra akong natouch. Syempre, sobrang loyal ni Daniel sa akin. Nakalimutan ko na nga rin 'yung insidente bago ako mahimatay. Hindi ko alam kung panaginip ba ito o katotohanan. Hindi na naman kasi ito naulit.

Nandito ako ngayon sa playground at iniintay si Daniel. Sabi nga niya, hintayin ko nalang siya sa bahay at ihahatid niya ako. Pero ayaw ko nga! >_________<

Makalipas ang limang minuto, dumating na rin siya. Nakashorts at shirt lang siya. Pero ang gwapo pa rin niya. Parang kahit anong gawin niya- gwapo pa rin siya sa paningin ko.

Hinalikan niya ang noo ko at umupo sa aking tabi.

"Kathryn, ano ba kasi 'yung sasabihin mo?" 

Nginitian ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. "Daniel... sobra akong nagpapasalamat sa Diyos kasi binigyan Niya ako ng katulad mo. 'Yung taong alam kong mahal ako. Grabe. Sobrang unexpected ng nangyayari ngayon. Hindi ko talaga darating tayo sa punto na ganito. Kasi nga magkapatid tayo- dati. Pero ngayon... boyfriend na kita."

"Syempre may plano ang Diyos. Kung dati magkapatid lang tayo ngayon magbo-, TEKA? BOYFRIEND MO AKO? HA?" Gulat na tanong ni Daniel.

Natawa ako sa naging reaksyon niya. Haha! Ang cute talaga ng boyfriend ko. 

"Oo, mahal kita. Oo, boyfriend kita. Oo, sinasagot na kita. Oo, tayo na." 

Naramdaman ko nalamang ang pagyakap sa akin ni Daniel. Bago ako magdesisyon, tinanong ko muna ang magulang ko. Hindi naman sila tutol. Lalo na't alam nilang responsableng lalake si Daniel. Tsaka wala namang bawal. Bakit pa ba raw nila kami pipigilan? Pati si lola, sinabi ko rin ito sa kanya. Para nga raw siyang a-atakihin sa puso sa sobrang saya. Simula't sapulo palang talaga alam niyang may ganito raw na mangyayari. Suportado si lola sa amin. Sabi niya, hindi naman daw kami magkadugo kaya walang dapat ikabahala.

"Mahal na mahal kita, Kathryn."

----------------------------------------xx
"Omg, sis! Bakit basang-basa ka? Tsaka san kayo galing ni Daniel?"

Sinundo lang ako ni Daniel at umuna na rin siya. At pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay pagmumukha ni Miles at Julia ang nakita ko.

"Duh? Obvious ba? Umuulan kaya sa labas!" Sigaw ko sa kanila. Hinagisan nila ako ng twalya at hindi ko alam kung saan nila ito kinuha. "Nanay Melinda! Ba't po kayo nagpapasok ng mga baliw sa bahay?" Sigaw ko ulit kay nanay Melinda na kasalukuyang nagluluto.

"Ay nako, Kathryn! Kumain nalang kayo dito." sabi ni Nanay Melinda.

Binelatan naman ako nila Julia at Miles.

"Kathryn, Kathryn. Dito kami matutulog. Nagpaalam na rin kami kay Nanay Melinda at okay lang daw. Kaya kahit ayaw mo, wala ka ng magagawa." sabi ni Miles.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon