XVI. Hurt (Kathryn&Daniel)

25.3K 369 46
                                    

(Kathryn)
@kitkath
"Save me"

"Hello?"
"Miles..."
"Kathryn? Umiiyak ka ba?"
"Miles, pwede ka bang pumunta sa bahay?"
"Teka, ano bang nangyari?! Hintayin mo ako!"

Lumabas ako ng bahay at tiningnan ang kalangitan. Walang mga bituin sa langit ngayon. Para bang dinadamayan ako sa aking kalungkutan. Makalipas ang ilang araw na wala si kuya sa tabi ko, gabi-gabi nalang ako umiiyak. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Pinilit kong matulog buong araw para hindi ko maramdaman 'tong kakulangan pero hindi ako makatulog.

Makalipas ang 15 minutes, dumating si Miles.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit ng makita ko siya. "Kathryn, bakit ka ba umiiyak? Ikaw lang ba mag-isa dito? Gusto mong dito na lang ako matulog?" Sunod-sunod na tanong ni Miles.

"Na-nandito naman si Aling Melinda. Ka-kailangan ko lang ng makakausap." Pahikbi kong sagot kay Miles. Pumasok kami sa bahay at dumeretso sa kusina.

Pinaupo ako ni Miles at naghanda siya ng inumin. May sinasabi siya ngunit hindi ko na ito maintindihan. Nahihilo ako at gumagalaw na ang paligid ko. Sinubukan kong tumayo pero bumagsak rin ako. Nagsisimula ng dumili ang paningin ko.

"KATHRYN!" Sigaw ni Miles ang huli kong narinig.

(Daniel)
"Hello?"
"DANIEL! SI KATHRYN, NAHIMATAY. NANDITO AKO SA BAHAY NIYA! DALIAN MO!! AISH, HINDI KO ALAM KUNG ANONG GAGAWIN KO!!!"
"Ano?! Gisingin mo si Aling Melinda at ihiga niyo si Kathryn sa kama! Tumawag kayo ng doktor!!! Pupunta na ako!"

Hindi na ako nakapagpaalam pa kay nanay at tatay. Dali-dali kong kinuha ang bike at dumeretso kanila Kathryn. Natataranta ako sa sinabi ni Miles. Anong nangyari sa bunso ko? Anong nangyari kay Kathryn?! Asar na bike, ang tagal. Kailangan ako ni Kathryn!

Nang makarating ako sa kanila, binuksan ni Aling Melinda ang gate.

"Si Kathryn?!"

"Nasa kwarto niya, iho. Nandoon na rin ang doktor." 

Dumeretso ako sa kwarto ni Kathryn. Nasa labas si Miles at may kinakausap. Si mama at si papa, siguro. Lumapit ako sa doktor para tanungin ang kalagayan ni Kathryn.

"Okay lang ba siya?" Tanong ko sa doktor.

Tumango siya at tinapik ang balikat ko. "Okay na siya, iho."

"Anong nangyari?"

"Over fatigue. Kulang sa tulog at hindi kadalasang kumakain ang pasyente. Pagkagising niya, pakainin niyo siya agad at make sure na hindi siya nase-stress." Paliwanag ng doktor.

"Salamat po." Sabi ko at nilapitan si Kathryn.

Inasikaso ni Aling Melinda ang doktor, siya na rin ang nag-ayos ng mga babayaran. Umupo ako sa tabi ni Kathryn at tiningnan ang maamo niyang mukha. Kulang sa tulog? Hindi kumakain? Dahil ba 'to sa nangyari? Kung pwedeng dito na lang ulit ako.

"Daniel, una na ako. Nagluluto ngayon si Aling Melinda para kapag gumising si Kathryn, may pagkain siya. Ikaw ng bahala sa kanya, Daniel. Kailangan ka niya." sabi ni Miles sa akin.

"Salamat." Tugon ko.

Kathryn, bakit mo ba ginaganyan ang sarili mo? Kung kailangan mo ako, sabihin mo lang. Kasi kailangan rin kita, eh. Wag mong saktan ang sarili mo kasi nasasaktan rin ako.

"Kuya... umiiyak ka ba?" 

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. "Kukunin ko lang 'yung pagkain na hinanda ni Aling Melinda, ha?" sabi ko kay Kathryn at hinalikan siya sa noo.

Bumaba ako at nakita kong nilalagay sa tray ni Aling Melinda ang sopas at tubig. Binigay niya ito sa akin at ngumiti.

"Wag kang aalis sa tabi niya, iho."
"Opo, hindi po ako aalis. Salamat po."

Dinala ko kay Kathryn ang tray. Nakaupo na siya ngayon sa kama niya at nakatingin sa akin. "Kumain ka muna, Kathryn. Sabi ng doktor, hindi ka raw kumakain. Ano bang nangyayari?"

"Diet ako, kuya." Nakangiti niyang saad sa akin habang hinihigop ang sopas.

"Kathryn, wag mo namang saktan ang sarili mo."

"Sorry, kuya. Sorry.." 

"Kumain ka na, bunso. Dito muna ako ngayong gabi." 

Nilapag ko ang tray sa may lamesa. Tumabi ako kay Kathryn at niyakap siya ng mahigpit. "Kuya, galit ka ba?"

"Hindi ako galit, bunso. Natatakot lang ako."

Hindi na nagsalita si Kathryn at niyakap ako pabalik.

"Wag kang mag-alala, Kathryn. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari, ako pa rin ang lalakeng aalagaan ka."

END OF CHAPTER SIXTEEN
Thank you po sa pagbabasa!

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon