XXIV. Selfish (Kathryn)

21.7K 284 37
                                    

"Julia, pahiram naman ng laptop."

"Oh." Sabi ni Julia sabay abot ng laptop niya sa akin.

Naglog-in na ako sa facebook ko. May friend request ako, woah. Si Arie Padilla. Ni hindi nga kami nagkakabatian sa school, eh. "In-add din ba kayo ni Arie?" Tanong ko sa kanila.

"Yeah. Lahat yata ng schoolmates natin ay in-add niya." Sagot ni Miles.
"Inaccept ko nalang. Tumatakbo yata bilang Miss Friendly." Dagdag pa ni Julia.

Inaccept ko nalang si Arie. Wala naman siguro siyang gagawing masama sa akin. Mukha ngang tumatakbo bilang Miss Friendly. Sipag niya, ah. Inadd lahat.

*bzzzzt* 

From: Daniel
Girlfriend! Hehe. Punta ako sa inyo mamaya-maya. Magbihis ka na rin kasi may pupuntahan tayo. I love you. I love you. I love you. :*

Ay shemay! Pinapakilig ako ni Daniel! :""> Naglog-out na ako sa Facebook at ibinalik kay Julia ang laptop. Dali-dali akong nagreply kay Daniel.

To: Daniel
Boyfriend! Dito na lang sa bahay ni Julia. Please? Tinatamad na kasi akong bumalik. Hehe. Love youuuuuuuuu! :*

"Ay, kilig ang luka!" Sabi ni Miles.

"Eeeeh! May date kasi kami ni Daniel." Nakangiti kong saad.

*bzzzt*

From: Daniel
Okay! On the way na. I love you. :*

Shemay! Lahat nalang ng text ni Daniel, kinikilig ako. Sobrang inlove na ako sa kanya na kahit anong sabihin niya, kinikilig ako. Tumayo ako at kinuha ang bag ko. "Hihintayin ko na si Daniel sa baba, ah? Bye pretty sisters!" Saad ko.

"Seriously, Kathryn? Ang bading mo. Pero thanks sa pretty." Sabi ni Miles.

Hinampas ni Julia si Miles sa batok. "Duh! Ako kaya ang sis ni Kathryn. Ako ang sinasabihan niyang pretty. You're so feeler talaga. Anyway, thanks sa compliment, Kathryn."

"Lul." Abnormal sisters pala!

"Wow lang ha?! Sisters nga, eh. Ibig sabihin, more than one." Sabi ni Miles at tiningnan pa si Julia mula ulo hanggang paa. "If I know, akala ni Kathryn dalawa ka."

Kumuha si Julia ng unan at binato ito kay Miles. "What the hell? Ang yabang mo! Akala mo ang payat-payat mo!!" Hay nako. Nag-aaway na naman 'tong dalawang 'to.  

"Sige, sige. Magsabunutan na kayo. Aalis na ako. Bye!" Sigaw ko sa kanila at dali-daling lumabas ng bahay ni Julia. Wala si CJ doon kasi may laban sila sa Basketball. Nang tanungin ko naman si Miles, hindi daw niya alam. Hanep na girlfriend! 

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon