XVIII. With You (Julia & Kathryn)

25.1K 376 65
                                    

(Julia)
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay namin. Si mommy at si daddy, nasa trabaho. Si kuya CJ naman, kadate si Miles. Samantalang ako, mag-isa dito sa labas ng bahay kasama ang aso kong si Paw. Naalala ko si Kathryn, yung mata niya, alam kong may tinatago siya sa akin. Alam kong may pagtingin siya kay Daniel. At naisip kong sobrang selfish ko. Mas inuna ko pa ang pangangailangan ko kaysa sa kaibigan ko. Ang sama kong kaibigan. Hindi ko naman talaga mahal si Daniel. Oo, gusto ko siya pero hindi ko siya. Siguro, wala pa sa stage na 'yun. Pinaparemind kasi ni Daniel 'yung bestfriend ko sa ibang bansa, si Paolo. 

Ang sama-sama ko.
Puro sarili ko na lang iniisip ko.

Seven years old ata ako noong pumunta kami sa ibang bansa. Sobrang malungkot ako noon kasi mawawalay kami kay Kathryn at kay Daniel. Dumating sa punto na hindi ko kinakausap si mommy at si daddy pati si kuya CJ. Sobrang galit ako sa lahat ng tao. Lumabas ako ng bahay at naglibot-libot, hanggang sa maalala ko na wala ako sa Pilipinas. Naliligaw na pala ako. Umiiyak na ako noon ng biglang may tumamang paper plane sa noo ko. Tsaka ko nakilala si Paolo. Mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Simula noon, palagi ko na siyang kasama. Unti-unti ng nawawala 'yung lungkot ko dahil sa mga naiwanan kong kaibigan sa Pilipinas. Pinaramdam ni Paolo sa akin ang magkaroon ulit ng taong mapagkakatiwalaan.

Hanggang sa dumating ang araw na sinabi sa akin ni mommy at daddy na babalik na kami muli sa Pilipinas. 'Yun din ang araw kung kailan inamin sa akin ni Paolo na mahal niya ako. Syempre, wala akong sinabi. Hindi ko sinabi na mahal ko rin siya. Ayaw ko siyang umasa. Kasi alam kong hindi na kami babalik pa sa abroad. Alam kong hindi ko na siya makikita ulit.

Nang makarating kami sa Pilipinas, nakita ko si Paolo kay Daniel. Maalaga, masayahin at gentleman. Sa kanya ko binaling ang atensyon ko. Kahit alam kong naiirita na siya sa pagiging clingy ko. Oo, gusto ko siya kasi mabait siya. Pero hindi ko siya kayang mahalin kasi alam kong si Paolo lang ang nasa puso ko. Si Paolo lang talaga. Aigoo, ba't ngayon ko lang narerealize 'to? Kung kailan nasaktan ko na si Kathryn dahil sa pagiging madamot ko!

"Paolo!! Bwisit ka!" 

"Bwisit ka rin, Julia!" Nabitawan ko si Paw ng marinig ko ang boses ni Paolo. Tumahol si Paw at lumapit sa isang lalake na nasa harapan ko. 

Shemay, naghahallucinate na naman ata ako. "Imposible." Bulong ko sa sarili ko.

Nagulat ako ng bigla akong halikan sa pisngi ng lalakeng nasa harapan ko, si Paolo. "Walang imposible, Julia." Hay nako, imposible talaga!! Sinampal ko si Paolo. "Langya, ang mahal ng pamasahe papunta dito tapos sasampalin mo lang ako?!"

"Omg! Totoo ka nga! PAOLO!!" Sigaw ko at niyakap si Paolo. Sobrang miss ko na si Paolo. Namiss ko 'yung tawa niya, yung pangaasar niya. Namiss ko siya. Siya, mismo. "Sorry, Paolo. Sorry dahil hindi ko sinabi sayo na-" Hindi ko natuloy ang sinabi ko kasi hinalikan niya ako sa kabilang pisngi, at sa noo.

"Okay lang. Tinetext ko si CJ, at nalaman kong nandito ka. Sinundan kita kasi mahal kita at gagawin ko ang lahat, makasama ka lang. I love you, Julia." Paliwanag ni Paolo at hinalikan ang tip ng ilong ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. OH MY GOSH.

THANK YOU PO, LORD!

"Ma-mahal rin naman kita, eh." Mahina kong saad sa kanya.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon