XIX. Farewell, Neil (Kathryn & Daniel)

24.4K 336 52
                                    

(Kathryn)
"Paolo will drive. He's 20 at may lisensya siya kaya keribels lang!" 
Nakangiting saad ni Julia sabay kapit sa braso ni Paolo. Ngumiti si Paolo. Ang sweet nilang tingnan. Para bang sobrang inlove sila sa isa't isa. Naikwento ni Julia kanina sa akin si Paolo, nagsorry din siya sa pagiging selfish niya. Ang saya ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Parang, everybody happy. Sana, magtagal 'to. Sana... wala munang negative na mangyari.

Pumwesto na si Paolo sa driver's seat at pinaandar ang makina ng van na gagamitin namin. Umupo si Julia sa shotgun seat. Si Miles at si CJ nasa pangalawang row pati na si Neil at kami naman ni Daniel nasa likod, katabi rin namin ang mga bagahe.

"Takte, dapat pala dinala ko rin yung aso ko para may kapartner ako!" sigaw ni Neil.

"Wahahaha, bading ka yata, eh. Wala pang girlfriend!" Bulyaw ni CJ.

"Tse! Aalis na nga ako, inaasar niyo pa ako!" 

Aalis? "Aalis? Aalis ka, Neil?" Tanong ko.

Wala namang sinasabi si Neil sa amin, o sa akin. Tumahimik si Neil at para bang may krimen na ginawa. "Ah eh, ayaw kong sabihin sa inyo kasi..."

"Kasi?"

"Kasi ayaw ko kayong sad, dapat happy." Nakangiting saad ni Neil.

Binatukan ko nga siya. "Neil naman, eh! Seryoso na kasi!"

"Aray ko, ha?" Saad ni Neil. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ganito kasi, si tatay, napromote siya sa trabaho niya kaya pinalipat siya sa ibang branch. Tapos, isasama niya raw kami. Lahat kami. Hindi ko naman masabi sa inyo kasi alam kong mamimiss niyo ang kagwapuhan ko."

"Loko ka! Saan... saan ba kayo pupunta?" tanong ni Miles.

Ang lungkot naman. Kahit makulit 'tong si Neil, naging super malapit na siya sa amin. Siya kaya 'yung parang clown sa barkada. "Sa Palawan! Okay lang 'yun, diba? Atleast, hindi sa ibang bansa. In case na dadalawin niyo ko, mas mura yung pamasahe."

"Lul! Kailan ba alis niyo?" tanong ni Daniel.

"Ngayong Monday na." sabi ni Neil.

"Shemay, bad trip ka, Neil! Dapat man lang sinabi mo para magkaroon ng despidida party. Uwaaa, Neil, nakakaiyak!!!" Sabi ko habang pinaghahampas si Neil.

"Kaya ngayon nga ang perfect moment para magparty. Wag ka ngang ganyan, Kathryn. Hindi bagay sayo!!!" Sigaw ni Neil. "Pareng Paolo, patugtog ka naman ng pangparty." Dagdag pa niya. Makapare akala mo close sila ni Paolo. Huhuhu, pusang gala ka Paolo.

Buong byahe, nagkulitan lang kaming magkakaibigan. Si Paolo nga, sumasali na rin sa trip namin. Mamimiss ko talaga si Neil. Kahit na sa Palawan lang siya pupunta, malayo rin 'yun dito! Sasakay ka pa ng barko o eroplano. Hay, pero sana, maging happy doon si Neil.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon