XXXVII. Bituin (Kathryn & Daniel)

17.6K 224 29
                                    

(Kathryn)

Limang araw na lang at Pasko na!

Nasa shop ako ngayon ni ate. Nasa Canada kasi siya ngayon. Wedding ng friend niya at kailangan niyang umattend. Walang in-charge sa shop niya kaya ako ang inassign niya. Hekhek. Ang saya pala. Feeling manager tuloy ako. "Hello, ate?" At kausap ko siya sa phone ngayon.

"Bunso! Ayos lang ba ang shop diyan?"

"Of course, ate! Hehe. Kailan ka ba uuwi?"

"Before Christmas! May pasalubong na ako sayo, sis. Siguradong magugustuhan. Ah, need to go. Ingat ka diyan, bunso. Love you!"

"Love you too, ate. Bye!!"

Lumabas na ako sa office ni ate. Grabe! Paborito ko talaga ang season na 'to. Lahat ng tao parang biglang bumabait. Christmas spirit, kumbaga. Sana ganito nalang palagi.

Hekhek.

Tsaka kinikilig ako!

Magkikita kami ni Daniel pagkatapos kong magbantay sa shop.

Bumukas ang pintuan ng shop at may pumasok na magandang babae. Grabe! Para siyang dyosa. Ang puti-puti niya at napakahaba ng buhok niya. Hindi naman ako nainform na may ganito palang kagandang babae ang nage-exist. Shemay! Nanliliit ako.

"Hmm, isang slice ng Chocolate Cake." Shemay. Pati boses niya ang ganda! "Take out."

Tae! Para naman akong tibo.

Napatingin sa akin 'yung babae. Shemay! Ang stalker kasi ng dating ko. Namangha lang ako sa ganda niya. Ang ganda niya talaga! "Ikaw ba owner ng shop na 'to?"

Umiling ako. "Kapatid ako ng owner."

"Ohhh! Ang cool ng shop na 'to. Very cozy." Muli siyang ngumiti. Kahit ata mangulangot 'to, maganda pa rin. "Ah, ako pala si Lia! What's your name?"

"Kathryn." Nagsign ako sa kanya na umupo muna kami habang hinihintay ang order niya. Sumunod naman siya at umupo sa harapan ko.

"Ang pretty mo!" Saad niya.

Shemay. Maganda raw ako sabi ng isang dyosa.

"Ikaw, mukha kang dyosa." Pinisil ko 'yung pisngi niya. "Shemay, totoo ka nga!"

Tumawa si Lia. "Ang OA mo." Dumating na ang order ni Lia. May kinuha siyang ballpen sa bag niya at kumuha rin siya ng tissue paper. May isinulat siya dito. "Here's my number! Usap tayo minsan. Ang gaan ng loob ko sayo, eh! Don't know why! Pero una na ako, ah. May imi-meet pa kasi ako. Bye!" Nakangiting saad ni Lia.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon