Ang Kursong hindi ko Inakala [34]

7.5K 111 25
                                    

Chapter 34

 Isang araw ang makalipas noong makapag-usap kami ni JL. Naglakas loob siyang magpunta sa bahay at kausapin ako ngunit nagmatigas ako dahil alam kong wala namang pupuntahan ang magiging usapan namin. Hinayaan ko lang siya sa labas ng bahay namin kahit na umuulan pa.

"Hoy Ateng hahayaan mo lang ba iyong Prince Charming mo sa labas? Basang basa na ohh, nakakaawa naman. Baka magkasakit iyan, sige ka," tanong sa akin ni Prince ng makita niya sa labas ng bahay si JL.

"Hayaan mo siya. Bahala siya sa buhay niya. Okay nga iyon eh, iyng magkasakit siya para wala na akong problema." sambit ko kay Prince.

"Ang aga aga ang Peanut Bitter mo nohh?" wika ni Prince.

Hindi ko pinansin si Prince at umakyat nalang ako sa aking kuwarto.

Maya maya ay napansin kong sumunod sa akin si Prince dala dala ang isang basang basang sulat.

"Ohh Ateng pinabibigay ng Prince Charming mo este ng ex-Prince Charming mo. Hindi daw siya aalis sa labas ng bahay niyo hanggat hindi mo daw siya kakausapin." sambit ni Prince kasabay ang pag-abot nito ng sulat.

"Ehh di huwag siyang umalis...Anong ka-ek-ekan naman ito?" sagot ko sabay kuha ng binigay na sulat ni Prince.

                                                                                                           

Nang makuha ko na ang sulat na bigay ni JL ay binuksan ko iyon ngunit dahil sa nabasa nga ito ay nahirapan akong mabasa dahil kumupas ang tinta na pinangsulat dito at medyo nagkaka punit punit na.

"Lumabas ka na kasi para malaman mo kung ano ang nakasulat sa papel na iyan." hirit  ni Prince ng makita niya akong nahihirapang magbasa sa sulat na nakalagay sa papel.

"Wala na akong dapat pang malaman pa Prince kasi lahat naman ng sasabihin niya ay puro kasinungalingan." sagot ko kay Prince.

"Ikaw ang bahala basta wala akong kasalanan kapag nagkasakit ang Prince Charming mo ha." sagot nito sa akin.

Tatlong oras na ang nakakalipas ngunit wala pading tigil ang pagbagsak ng ulan. Nagpaalam na si Prince sa akin na uuwi na daw siya. Nasa loob padin ako ng aking kwarto at tila ba nag-iisip ng kung ano ano. Maya maya ay nagpunta ako sa bintana upang silipin kung nandoon pa din ba si JL sa labas ng aming bahay. Nagulat ako ng makita ko siyang nakahiga sa sahig. Basang basa ng ulan at nangangatog sa lamig. Dali dali akong lumabas ng aking kwarto at agad na lumabas sa aming bahay upang puntahan si JL. Nang makita ko siyang nakahiga sa labas ng aming bahay ay may kung anong kumurot sa aking puso at nagsasabing "Mahal mo pa din siya noh?" pero iwinaksi ko agad iyon at dali dali ko siyang tinulungan makatayo. Nang maalalayan ko na siya sa kanyang pagtayo ay dinala ko siya sa loob ng bahay at agad na ihiniga sa sofa. Kumuha agad ako ng damit na kanyang masusuot, nagdala din ako ng tabo na may laman na maligamgam na tubig at bimpo pamunas sa kanyang katawan. Nang madala ko na ang lahat ng kailangan ni JL ay agad akong nagpunta kay JL upang punasan siya gamit ang bimpo, dumampi ang aking kamay sa kanyang mukha at naramdaman ko ang labis na init ng kanyang katawan marahil ay dahil iyon sa ulan na nagdulot ng pagkakasakit niya. Pinunasan ko ang buo niyang mukha at napansin ko ang matamlay at maamo nitong mukha. Kung titignan mo itong maigi ay paniguradong mabibighani ka. Hinubad ko din ang suot niyang damit saka pinunasan ito, napansin kong medyo namayat si JL tila ba may sakit ito dahil labis ang ipinayat nito. Habang sinusuotan ko ng damit si JL ay bigla itong nagsalita.

"H-h-huwaaag mo akong iiwan P-p-Paaaaaul! Please huwag mo akong iwan. M-m-mahal na mahal kita." pagsasalita nito ngunit nanatili pading natutulog.

"Pasensiya na JL, may iba ng laman ang puso ko." mahinang wika ko, hindi siya nagsalita at natahimik lang.                      

Nang mapalitan at masuotan ko na ng damit si JL ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sofa. Naka-upo ako habang nakapatong ang ulo ni JL sa aking binti. Matagal tagal na din pala akong naiidlip ng maramdaman kong may kung anong dumadampi sa aking labi. Unti unti kong minulat ang aking mata at nakita ko si JL na nakadampi ang kanyang labi sa aking labi. Nagulat ako sa aking nasilayan kaya bahagya ko siyang naitulak na dinulot ng pagka bagsak niya sa sofa.

"Ano bang ginagawa mo JL?" tanong ko dito na medyo napataas ang tono ng pananalita.

"P-please P-paul kahit isang linggo lang maging akin kang muli. Please." saad nito.

"Ano bang nangyayari sayo JL? Bakit ka ba nagkakaganyan. Naguguluhan na ako sa mga ikinikilos mo." sambit ko rito.

Wala itong maisagot at tanging iyak nalang ang kanyang ginawa. Hindi ko alam pero para bang may iba sa kanyang kinikilos. Bigla akong nakaramdam ng awa kaya nilapitan ko siya at pinunasan ang kanyang luha at niyakap.

"JL, Pasensiya ha. May iba na kasing nagmamay-ari ng puso ko. Mahal na mahal ko iyong taong iyon. Kaya sana naman maunawaan mo ako na may iba ng para sa akin. Gayun din sayo, may pamilya ka na sa ibang bansa. Kaya sana naman maging maligaya na tayo sa ating mga minamahal." pagpapaliwanag ko.

"P-pero P-paul W-wala na akong pamilya..." lumuluhang wika ni JL.

"Bakit? Nasaan na sila?" tanong ko rito.

"Iniwan na nila ako. Wala na iyong asawa ko, sumama siya sa ibang lalaki ng malaman niyang may sakit ako." Iyan palang ang nasasabi ni JL ay kakaiba na ang aking nararamdaman. Tila ba kinukurot ang aking puso sa bawat pagku-kwento ni JL.

"Iniwan nila ako ng malaman nilang may sakit ako. May taning na ang buhay ko Paul. Wala na akong perang pampagamot dahil ninakaw lahat ng kayamanan at ari-arian ko ng mga kamag-anak ko. Hindi pa ako namamatay ay pinaghati hatian na agad nila ito. Wala na din si Mama at ang hacienda kaya wala na akong mahingan ng tulong. Noong magpunta ako sa isang kamag-anak ko para manghingi ng tulong ay bigla ako nitong pinagmumura at agad na pinalayas sa kanilang bahay. Ikaw nalang ang matatakbuhan ko Paul... Gusto kong maging masaya sa nalalabi kong buhay. Isang buwan ang ibinigay na taning ng doktor.

       

Maawa ka naman sa akin Paul kahit isang linggo lang hayaan mo akong lumigaya, pagkatapos ng isang linggo hahayaan na kitang maging masaya kasama ang minamahal mong si Jasper. Please Paul..." pagpapatuloy ni JL sa pagku-kwento niya. Hindi ko alam ang aking isasagot sa mga sinabi ni JL, para bang gusto ko na ayoko. Pero parang mas nananaig ang kagustuhan kong pasayahin siya, tutal isang linggo lang naman ang kanyang hinihingi at isa pa pagnatapos na ang isang linggo titigilan niya na ako. Pero hindi ko rin maiwasan ang malungkot sa mga naikwento sa akin ni JL. Oo magiging masaya ako dahil sa loob ng isang linggo ay makakasama ko siya at pagkatapos iyon ay tuluyan niya na akong papalayain pero bakit ganito ang aking nararamdaman, para bang napakasakit isipin na sa loob ng isang buwan ay papanaw na siya? Mawawala at hindi ko na ulit makikita pa. Hindi na ako nag dalawang-isip pa at pumayag na ako sa gustong mangyari ni JL. Katangahan man ulit maituturing ang aking gagawin ay wala na akong pakialam pa dahil alam kong tama ang magiging desisyon ko. Ika nga nila "Life is too short" kaya susulitin kong makasama at pipilitin kong maging masaya kasama siya, gagawin ko ang lahat mapasaya ko lang siya at mapaligaya.

"Oo" tipid na sagot ko.  "Anong Oo?" tanong nito sa akin.

"Oo pumapayag na ako." walang emosyong sagot ko,

"Yahooooo!!!" sigaw ni JL na tila ba walang karamdamang dinadala.

Itutuloy....

 VOTE!!! FOLLOW!!! COMMENT!!!

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon