Ang Kursong hindi ko Inakala [30]

7.3K 106 11
                                    

Chapter 30

 

"Masakit ang masaktan pero mas masakit kapag ang taong nanakit sayo ay ang taong mahal mo." Paul Perez

                   Wala akong nagawa kundi ang tignan siya palabas. Kung hindi siya maniniwala sa akin. Gagawa ako ng paraan upang maniwala siya at ang tanging paraan na iyon ay bantayan at matiyagan si JL. Alam kong sa gagawin kong ito ay maaayos ko ang lahat. Ebidensiya lang kailangan. Tama yung picture! Iyon ang magiging ebidensiya ko upang tuluyang maniwala sa akin ang aking kapatid.

Tamang tama, mayroon pa akong naitagong extrang litrato ni JL at ng kanyang kabit. Ito na ang magiging solusyon upang tuluyan ko silang mapaghiwalay. 

Mabilis kong hinagilap sa aking tukador ang litrato at nang makita ko na ito'y agad kong hinabol si Jane. 

"Jane sandali..." sigaw ko sa kanya. Tinignan lang ako nito at tila nagtatanong ang mga tingin. 

"Ito tignan mo itong mga litrato. Ito ang magpapatunay na may kabit ang iyong asawa." wika ko sabay abot ng litrato. Nanginginig niyang hinawakan ito. At ng makuha niya na ay tila hindi maipinta ang kanyang mukha sa kanyang nakita. 

"K-k-kuyaaaaa! B-b-bakit niya ginawa ito!? Sabihin mong hindi ito totoo. Sabihin mo please..." umiiyak na wika ni Jane ng makita niya sa litrato si JL na may kasamang iba. 

"Ayokong masaktan ka Jane. Pero para sa ikakabuti mo iyan. Para sa bata. Ayokong lokohin ka niya. Ayokong masaktan ka katulad ng nangyayari sayo ngayon. Gusto kong lumigaya ka at magkaroon ng maayos na pamilya. Hindi ko gustong makita kang lumuluha o umiiyak dahil sinaktan ka o niloko ng taong minamahal mo. Kung mawawalan man ng ama ang batang iyan ay okay lang dahil nandito ako. Nandiyan si mama. Pamilya tayo. Kuya mo ako at kapatid kita kaya ako nagkakaganito. Gusto kitang protektahan." wika ko kasabay ang pagtulo ng aking luha. 

"K-kuya... H-hindi ko ata kaya. Mahal na mahal ko siya at ang sabi niya sa akin ay mahal niya din daw ako at mamumuhay kami ng tahimik at maayos. Bubuo ng isang masayang pamilya. Magta-trabaho siya at ako'y mag-aalaga ng mga anak namin. Ang sabi pa niya'y hindi niya ako kayang lokohin. Mamahalin niya ako at hindi ipagpapalit kanino man." si Jane na napayakap na sa akin dahil sa sobrang pagdaramdam.

"Binibilog ka lang niya Jane. Niloloko. Pinaglalaruan at pinapaasa. Wag kang magpadala sa mga sinasabi niya. Sa maniwala ka't hindi, kilalang kilala ko na si JL. Naging magkarelasyon kami at tumagal ng isang taon. Ayokong mangyari sayo yung mga nangyari sa akin. So please, wag kang magpapakasal kay JL. Nagmamakaawa ako sayo Jane." saad ko.

"P-pero K-kuya... Natatakot akong mag-isa. Hindi ko kayang mawalan ng ama ang anak ko. Hindi ko kayang palakihin ang anak ko. Wala pa akong hanap buhay. High school lang natapos ko. Hindi ko alam ang gagawin Kuya." umiiyak na sagot ni Jane.

"Wag kang mag-alala andito ako Jane. Diba ang sabi ko sayo'y pamilya tayo. Magtutulungan tayong palakihin ng maayos ang anak mo. Susuportahan ka namin. Ako at si Mama. Wag kang matakot may pamilya kang masasandalan." sagot ko habang pinupunasan ang mga luha niya sa mata.

"Maraming salamat Kuya. Sa kabila ng ipinakita ko sayong kasamaan at pangungutya, hindi mo ako itinakwil. Maraming maraming salamat Kuya." wika nito.

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon