Ang Kursong hindi ko Inakala [31]

7.7K 116 18
                                    

Chapter 31

"Quiet class! Okay para sa mga nagtatanong kung ano ang topic na ipapagawa ko para sa inyong thesis. Bilang isang mga psychology students kayo, ang topic natin ay about sa "Pag-ibig" aalamin niyo kung ano ang naidudulot o epekto sa isang tao kapag siya'y umibig. Kada thesis ay may dalawang taong magtutulungan para gawin iyon. Ngunit hindi kayo mamimili ng partner niyo dahil magbubunutan tayo." litanya ng aming guro.

Para akong sinuntok sa topic na ibinigay sa amin. Sapul na sapul ako. Oo nga noh? Ano nga ba ang naidudulot sa isang tao kapag siya'y nagmahal?

PAG-IBIG. Isang napakabigat na salita. Papaano mo nga ba masasabing "PAG-IBIG" na ang iyong nadarama? Kapag ba nakakita ka ng isang tao at nagustuhan mo ito ay nanganga-hulugang pag-ibig na ito? Ganoon lang ba iyon kadali? 

"Paul Perez!" sigaw ng aking professor na bumasag sa aking pag-iisip tungkol sa pag-ibig. 

"P-p-po? A-a-ano po ulit iyon?" nauutal na wika ko. 

"Ang sabi ko ay si Jasper Lopez ang magiging partner mo." sigaw nito sa akin. 

Tila huminto ng ilang segundo ang aking buhay at bumilis ang tibok ng aking puso. Bigla din akong kinabahan at parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. Ang weirdo. Para akong teenager na kinilig sa nadinig at sa tingin ko'y nagising ang puso kong punong puno ng sugat at biglang gumaling. 

Napa-tango nalang ako bilang pagsang-ayon sa aking professor. Tinignan ko si Jasper at nagulat ako ng nakatingin din siya sa akin kasabay ang isang matamis na ngiti at kindat. Pakiramdam ko'y bigla akong namula sa hiya at agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Kakaibang pakiramdam ito. Para bang bumalik ang lahat ng pagmamahal ko para kay Jasper. Para bang naranasan ko ulit yong pagmamahal ko dati para sa kanya. Ngunit bigla ko nalang winaksi ang ilusyon na iyon dahil alam kong may minamahal na siya at hindi ako iyon. Alam ko sa sarili ko na matagal ko nang kinalimutan ang pagmamahal na iyon dahil sa aking responsibilidad sa aking pamangkin at pamilya. Alam kong sa ginawa kong desisyon ay hindi ko dapat pagsisihan at kailangan kong panindigan. Mga desisyong magbabago sa aking pagkatao. 

Natapos ang klase namin sa Psychology10 at may isang oras pa kami bago ang susunod na klase. 

"Masama ba ang pakiramdam mo Ateng? Kanina ko pa napapansin na parang ang tahi-tahimik mo." wika ni Prince habang naglalakad kami papuntang cafeteria. 

"Ah...Eh...Wala to. Wala lang ako sa mood." palusot ko. 

"Okay. Oh ano palang kakainin mo?" pagtatanong nito nang makarating na kami sa cafeteria. 

"Wala...Ayokong kumain. Wala akong gana." sagot ko. 

Ewan ko ba kung bakit nagkakaganito padin ako. Hindi padin ako maka-get over sa nangyari kanina. Sa dinami dami ba naman ng classmate ko bakit si Jasper pa ang magiging kapartner ko? Para bang nanadya ang tadhana at pilit kaming pinaglalapit. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, wala naman akong dapat isipin tungkol kay Jasper dahil matagal ko na siyang tinanggihan. Hindi na dapat pa ako ma-apektohan. 

"Hoy!!! Ano tutunganga ka lang diyan sa harap ko?" wika ni Prince na bumasag sa pagkakatulala ko. 

Ngumiti lang ako sabay upo at tinitigan siya habang kumakain. 

"Para kang naka-drugs friend! Ang lakas ng trip mo. Hahaha!" biro nito ngunit nanatili padin akong nakatingin sa kanya. 

"Alam mo gutom lang yan. Halika ililibre nalang kita." ani ni Prince sabay hatak sa kamay ko upang bumili ng pagkain. 

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon