Ang Kursong hindi ko Inakala [17]

10.4K 133 7
                                    

Chapter 17

At dahil nga nagstop ako ng pag-aaral ay nasa bahay lang ako magdamag, nagmumukmok ng dahil kay JL, nagpapakasaya dahil binigyan pa ng chance na mabuhay at syempre nagagalit din kasi pinagtaksilan ka ng taong mahal mo. Pero napagisip isip ko na hindi lang si JL ang handang ibigay ang pagmamahal sa akin, andyan ang aking magulang, ang aking ate, si kelly pero syempre iba pa din ung taong mamahalin mo hanggang sa dulo. 

Naging mahaba ang araw na iyon para sa akin, walang makausap, nagsawa maglaro ng dota, sawa na din sa pakikinig ng musika, parang hinahanap ko ung dati kong ginagawa ang pumasok sa eskwelahan. Kinausap ko si mama tungkol sa aking pagaaral. 

"Ma, gusto ko pong mag-aral, ayoko pong nakahiga lang magdamag dito at nakatunganga." 

"Oo anak mag-aaral ka next sem. Sa ngayon ay magpahinga ka nalang muna, ienjoy mo muna ang bawat araw." 

"Salamat ma!" 

"Eh kaso malalayo ka na sa amin." ang biglang pagkalungkot ni mama. 

"Ma? Bakit naman po?" 

"Eh diba sa Feu ka na mag-aaral." 

"Ma, kakausapin ko po si JL about diyan. Ayoko na pong mag-aral sa Feu, kontento na ako sa paaralan ko." 

"Nako anak huwag na huwag mong gagawin yan! Alam mong gusto ka namin pagaralin sa magandang eskwelahan pero kapos tayo sa pera. Sayang ang opportunity anak, sana ay tanggapin mo ang alok niya, mas maganda kung doon ka makakapag-aral." 

Gusto ko man tanggihan ang alok ni JL ay si mama na talaga ang nagpumilit na tanggapin ko ito. 

"Sige po ma." ang tanging nasagot ko nalang. 

Habang naguusap kami ni mama ay may kumatok sa aming pintuan, agad naman itong binuksan ng aking ate at nakita ko na si JL pala ang kumakatok. 

"Tuloy ka JL." ang pagaaya ng ate ko na pumasok si JL sa bahay. 

"Salamat" iyon lang ang sinabi ni JL at pumasok na ng aming bahay. Agad naman siyang nagmano kay mama at papa. Nang lumapit siya sa akin ay isang matamis na ngiti lang ang ibinigay niya. 

"Hello JL! Ba't ka napadalaw?" 

"Gusto ko lang sanang isama ka sa farm namin, magbakasyon lang kahit tatlong araw lang." 

"Ma, pwede ba ako sumama?" ang pagtatanong ko sa aking mama. 

"Oo naman anak, magaling ka na kaso huwag ka lang masyadong magpapagod ha." 

"Wow talaga ma? Salamat po! Oh narinig mo iyon JL? Pwede daw ako sumama!" ang sabik na pagsasalita ko. 

"Oh ano pang hinihintay mo? Magimpake ka na!" 

"Haaaa? Ngayon na mismo?" ang nalilitong tanong ko. 

"Oo naman!" halatang sabik at masaya si JL. 

"P-pero, pwede ba isama si Jasper at Kelly? Pleaaaase!" ang pagmamakaawa ko. 

"Ang gusto ko sana ay tayong dalawa lang, para maenjoy talaga natin, gusto ko kasing maalala mo ulit ako at matandaan, pero kung gusto mo talaga silang isama, sige ok lang." 

"Yeheeeey!" aakapin ko sana si JL pero napagisip isip ko na may galit pa din ako sa kanya, kaya imbes na yakapin ko siya ay kinuha ko nalang ang aking cellphone at tinawagan si Kelly at Jasper." 

"Hello Kelly?" 

"Oh bakit mama? Este papa! May problema ka ba?" ang pagbibiro ni Kelly. 

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon