Ang Kursong hindi ko Inakala [27]

7.4K 96 11
                                    

Chapter 27

Pinalipas ko muna ang gabing iyon at kinabukasan ay nagpaalam ako kay Mama upang puntahan ang sinabi niyang address. May lungkot man sa mukha ni Mama ay masaya naman daw siya dahil wala na siyang tinatagong sikreto sa akin. 

Minabuti kong agahan ang pagpunta dahil may pasok pa ako mamayang hapon. Nang makarating na ako ay hindi maalis sa akin ang kaba at excitement. Nagdoorbell ako at lumabas ang isang babaeng pamilyar sa akin. Nang makita niya ako ay nagulat siya at agad niya akong niyakap.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Saya o hiya? Lungkot o ligaya? Nagaalinlangan man ako ay niyakap ko nadin siya. Sobrang higpit. Ngayon ay nararamdaman ko na ang yakap ng tunay kong magulang. Ang tagal kong inantay ito at pinangarap na mayakap ko siya. Ang sarap sa pakiramdam. Ang gaan ng loob ko. Para akong nagbalik sa pagkabata. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. 

"Anak..." garalgal na boses ng aking tunay na ina. 

"Bakit po Ma?" maluha luhang sagot ko. 

"Mapapatawad mo pa ba si Mama?" 

"Opo Ma. Kaya po ako nandito ay dahil gusto ko pong sabihin sa inyo na matagal na kitang pinatawad." 

"Salamat Anak. Alam kong madami akong pagkukulang sayo. Alam kong napakadami ang pagkakasala ko sayo. Pero nagawa mong kalimutan iyon dahil sa tingin ko ay napalaki ka nila ng maayos. Patawad anak dahil hindi ako naging responsableng ina. Pinabayaan kita at hindi man lang kita naaruga. Sobrang sakit sa akin na iwanan ka. Sana'y matanggap mo ako bilang isang tunay na ina mo." mahabang wika ni Mama. 

"Ma, nauunawaan ko po ang lahat. At alam ko po na ang lahat ng desisyon ay may karampatang rason. Alam ko na lahat ng ginawa niyo ay para sa ikabubuti namin. Nagpapasalamat nga po ako dahil hindi niyo ako inabando, iniwan niyo po ako sa taong mapagkakatiwalaan at sa taong mamahalin ako ng lubos. Masaya po ako dahil hindi lang isa ang aking ina. Dalawa po kayo!" masayang tugon ko. 

"Salamat Anak at napalaki ka nila ng maayos. 

"Ma, tama na po itong dramahan natin. Nakakahiya sa kapitbahay dahil dito tayo sa labas ng bahay nagiiyakan, baka isipin nilang baliw tayo. Haha" pagpapatawa ko. 

"Tama ka nga Anak. Halika pumasok ka muna sa bahay..." 

Pagkapasok namin ng bahay ay namangha ako. Simple lang ito ngunit lumalabas ang tunay nitong ganda at linis. Madami ding litrato ang mga nakasabit sa mga pader. Inusisa ko ito at natuwa ako sa aking mga nakita. Isang batang babae at lalake ang masayang naglalaro sa isang park. At ang isang litrato pang tinignan ko ay kapares ng ibinigay sa akin ni Mama.(Yung nag-adopt sakin.) 

"Ma? Ako po ba ito?" pagtatanong ko sabay turo sa malaking litrato. 

"Oo naman Anak. Ikaw yan. Tignan mo yung nunal mo malapit sa mata mo kapareho ng nasa litrato." sagot ni Mama. 

Tama nga si Mama ako nga ito. Ang batang lalake na may nunal malapit sa kanyang mata ay parehong pareho sa akin. Yung nunal na parang kay Piolo Pascual, saktong sakto. 

"Ahhh... Ganoon po ba? Ehhh... Sino naman po ito?" tanong ko ulit sabay turo sa isang litratong may nakangiting batang babae. 

"Ahhh... Yan yung kakambal mo." sagot ulit ni Mama. 

"Nasaan po siya? Gusto ko pong makilala?" 

"Wala siya ngayon eh... Kasama niya ngayon yung asawa niya. Nagpacheck-up kasi siya ngayon sa ospital. Anim na buwan na kasi siyang buntis eh." wika ni Mama. 

"Buntis? Ang bata pa po ng kapatid ko ah?" prangkang wika ko. 

"Ewan ko nga sa batang yan. Pinalaki ko naman ng maayos."

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon