AKHKI 39 [Finale]

3K 67 18
                                    


"Graduation is an exciting time. It's both an ending and a beginning; it's a warm memories of the past and big dreams for the future."

***

"Ikakasal ka Paul?" hindi makapaniwalang sambit ni Ian. Isang matipid na Oo lang ang aking isinagot at ipinakita ang aking singsing.

"W-w-wow! N-n-nice! Congrats! Ohh siya got to go na pala! Thanks for the bonding guys!" sagot ni Ian sabay alis nito.

"Anyare kay Papa Ian?" tanong ni Prince sa akin na agad kong sinagot ng isang iling.

"Hhhmmm... Prince, naaalala mo pa ba nung nagbasketball tayo at nagwish ako?" tanong ko kay Prince. "Oo bakit?" sagot nito.

"Wala lang. Para kasing unti unting nagkatotoo ang hiling ko." saad ko.

"Bakit ano ba ang hiling mo?" naiintrigang pagtatanong ni Prince.

"Ang hiling ko ay... Maging kaibigan ka habang buhay." sagot ko.

"Wow! Nakakataba naman ng puso Ateng! Huwag kang mag-alala kahit saang sulok ka pa magpunta susuportahan pa rin kita. Kahit sa impyerno pa!" wika ni Prince na hinaluan pa ng biro. Nang araw na iyon ay niyakap ko si Prince at sinabi ko sa kanyang nagpapasalamat ako dahil nakakilala ako ng isang kaibang katulad niya.

Ilang araw na ang lumipas at tuluyan na kaming lumipad papuntang ibang bansa. Gabi na noon nang makababa kami ng eroplano. Labis ang saya ko nang araw na iyon dahil bukod sa kasama ko si Jasper at ang aming anak ay sa wakas ay matutupad na ang matagal ko nang pinapangarap. Nang gabing iyon ay pahinga lang ang aming ginawa. Ibinuhos namin ang lahat ng oras sa pagtulog. At nang magising ako kinabukasan ay dama ko na ang presensya ng aking nalalapit na kasal. Isang araw bago ang aming kasal ay nagawa pa naming maglibot at ipamili ng gamit ang aming anak. Nagfoodtrip rin kami at sa araw na iyon at puro kasiyahan lang ang aming ginawa. Sobrang saya namin ni Jasper nang oras na iyon dahil hindi namin inakala na darating sa puntong magpapakasal kami, na hindi nagdalawang isip na sabihin niyang "Will you marry me?" Sabi nga nila kapag nasayo na ang taong mahal mo ay huwag mo nang papakawalan pa dahil minsan ang kapag pinalampas mo ito ay wala nang susunod pa. Bago kami umuwi ay sinabi ko muna kay Prince na sumasakit ang paa ko, pero isang makahulugang sagot ang sinabi nito sa akin. "Ang sakit sa pakiramdam kapag pinipilit mo ang mga bagay na hindi para sayo noh? Parang sa pag-ibig, kapag hindi para sayo masasaktan ka lang. Pero alam mo kung ano ang ikinaganda kapag pinagpipilitan mo ang sarili mo sa ibang tao? Ang tanggapin ka nito kahit ano ka pa. Na kahit hindi ka kasya at hindi kayo magkapareha ay may posibilidad na magkatuluyan kayong dalawa." litanya nito sa akin na labis kong ikinamangha. "Congratulations Ateng! Mukhang nahanap mo na ang sapatos na hindi magkasya kasya sayo! I'm so happy for you!" dagdag pa nito. "Siguro tama ka nga Prince. Nasaakin na nga ang sapatos na hindi magkasya kasya sa akin, siguro para hindi nalang ako masaktan ay gagawin ko ang lahat para masabi ko lang na ako'y karapat dapat." sambit ko rin at agad kaming nagkatawanan dahil sa mga malalalim naming banatan.

Alas otso ng umaga ang aming kasal ni Jasper. Ala sais pa lang ay ginising na ako ng aking pinakamamahal na kaibigan. Mas sabik pa ata sa akin at tila siya ang ikakasal. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin nang umagang iyon.

Ramdam ko ang saya at syempre ay pananabik na mangyari na ang matagal ko nang pinapangarap. Nang araw na iyon ay naisip ko na totoo pala ang fairytale, na mayroong happy ending, na ang lahat ng bagay ay nakatadhana. Tama nga ang nakaukit sa lamesang nakita ko. "Ang lahat ng bagay ay nakatadhana. Basta't matuto ka lang mag-antay." Siguro ito na ang tamang oras, tamang lugar at tamang tao na inaantay ko, siya na nga ang ang lalaking pinapangarap at nakatadhana sa akin. At siya ay walang iba kundi ang lalaking nakilala ko sa hindi ko inaakalang kurso.

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon