Ang Kursong hindi ko Inakala [3]

15.8K 234 10
                                    

Chapter 3

May mga taong pinipilit maging masaya kahit ang totoo ay hindi naman talaga.

“Jasper” tama nga ang pagkakarinig ko sa kanyang pangalan. Gwapo, maputi at matangos ang ilong ni nito. Mayroon din itong matipunong katawan na tila ba inukit ng isang sikat na iskulptor. Dagdagan mo pa ng maliliit at mapuputing ngipin. Matangkad din ito at medyo chinito.

Nang lahat ay tapos ng magpakilala ay agad kaming pinalabas ng aming professor. Magkasama kaming dalawa ni Kelly na lumabas ng aming klase at nagpunta kami sa cafeteria.

 “Paul, nakita mo ba si Jasper? Ang gwapo nya no?” paguumpisa ni kelly sa aming usapan

“Sus, gwapo na sayo iyon? Parang hindi naman.” Insecure na sagot ko.

“Oo alam ko gwapo ka din kaso mas yummy at mas hot sya kaysa sayo.” Tila kinikiliting sagot ni Kelly.

Hindi na ako sumagot pa at napagisip-isip na tama nga naman si Kelly, Gwapo talaga ito at may ibubuga pagdating sa larangan ng pagmo-modelo at higit sa lahat ang lakas ng karisma nito. “Pero bakit ganito ako magisip? Lalaki ako at lalaki din si jasper? Bakit labis kong humahanga sa kapwa ko lalaki." sigaw ng aking utak. Naputol nalang ang aking pagiisip ng biglang suntukin ako ni kelly sa braso.

 “Aray, ang sakit mo naman manuntok. Bakit mo ba ako sinuntok?” pagbibiro ko kay kelly

“Eh papaano Mr.Perez grabe na ang pagkatulala mo, siguro may iniisip ka no?” pagtalak sa akin nito.

“Wala, nagugutom lang ako, halika na nga at ililibre nalang kita.” Sagot ko.

Binilhan ko ng pagkain si Kelly at pagkatapos naming makakain ay agad kaming nagpunta sa aming susunod na klase. Unang araw ng pasukan namin kaya ang lagi lang ginagawa ay tatayo sa harapan at magpapakilala. Paulit-ulit hanggang matapos ang aming klase sa araw na iyon. Maaga akong umiwi dahil hindi naman nagturo ang aming mga professor dahil orientation lang naman talaga ang ginagawa kapag unang araw ng eskwela. Dahil walking distance lang naman ang aming bahay ay nilakad ko nalang ito pauwi, sumabay sa akin si Kelly dahil pareho lang naman ang direksyon ng aming mga bahay ngunit magkaiba lang kami ng kalye. Nakarating ako sa aming bahay at tulad ng dati kong ginagawa ay nakatapat ako sa aking computer. Nagbukas ako ng aking facebook account at nakita ko na marami ang nag-add.

Halos magiisang oras na akong nagsesearch sa mga klasmeyt ko at sa tingin ko ay halos na add ko na ang lahat, Ngunit nagkamali ako. Nakalimutan kong iadd si jasper,hinanap ko ang pangalan niya. " Jasper Lopez" agad kong nakita ang facebook account niya, hindi ko alam kung i-a-add ko ba siya o huwag nalang. Dahil mataas ang aking pride kaya nagmatigas akong huwag nalang siya i-add.

 Kinabukasan, araw nanaman ng aking pagpasok, Ewan ko ba at excited akong pumasok at parang may taong gustong gusto ko makita. Nakapasok nga ako ng maaga at pumasok ako sa aking room, Nagulat ako dahil may isang tao akong nakita at hindi nga ako nagkamali si jasper nga iyon.Balak ko sanang huwag munang pumasok at magantay muna ng ibang kaklase, ngunit huli na pa gawin ko ito. Nakita na ako ni jasper sa harap ng pinto, agad siyang ngumiti at tinawag ang pangalan ko.

 "Paul, Paul Perez! Tara pasok ka na" paganyaya niya sa akin

    Wala na akong nagawa at pumasok nga ako, hindi man lang ako ngumiti o binati siya, pumasok lang ako na parang walang ibang tao, naupo ako malayo sa kanya.

“Hey, goodmorning Mr.Perez.” bati nito sa akin

 "Goodmorning din" matipid na sagot ko.

“Inadd kita sa facebook ah, bakit di mo man lang ako inaccept?” pagtatanong ni jasper.

Naalala ko nga may isang bagong friend request. Ngunit dahil inaantok na ako ay hindi ko iyon tinignan at natulog na.

 "Hindi kasi ako nagbukas ng facebook kagabi eh." pagsisinungaling ko.

"Anong hindi? NakaOnline ka pa nga kagabi eh, tinanong ko sa mga classmate natin na friend ko, Inadd mo pa nga daw sila eh." may halong pagseselos sa boses ni Jasper."

Patay huli ako, anong palusot ang gagawin ko?

“Ay ganoon ba? Sige iaccept nalang kita mamaya.” Pagpapalubag loob ko rito.

 May ngiting lumabas sa mukha ni Jasper sa pagkakarinig niya.

“Narinig ko na magaling ka daw magDOTA ah, laro naman tayo minsan?”

 “Sige.” ang maikling sagot ko.

Tinabihan ako ni jasper sa pagupo, gusto niya daw na maging magkaibigan kami.

“Wow naman bespren may bago ka nang kaibigan.” ang maingay at napakalakas na boses ni Kelly.

 “Huwag ka ngang maingay, nakakaistorbo ka sa iba nating kaklase eh.” Iritableng sagot ko.

“Ipakilala mo muna ako dyan sa gwapo mong kaibigan.” Turo ito kay Jasper sabay halakhak ni Kelly.

 “Ano ka ba hindi ko pa siya kaibigan.” Sagot ko sa kanya na agad na pumukaw sa atensyon ni Jasper dahil nadinig niya ang aking sinabi.

“Anong hindi mo pa ako kaibigan?” Pagsingit ni Jasper sa aming usapan.

 “Ah, eh, wala sabi ko may ipapakilala ako sayong kaibigan.” pagsisinungaling ko kahit alam kong nadinig talaga niya ang sinabi ko.

”Ah ganoon ba? Sige sino ba? Ayan yang magandang babae na iyan?" sabay turo niyo kay Kelly.

Parang kinilig naman si kelly ng ituro siya ni Jasper. Magsasalita pa sana ako nang biglang sumingit agad si Kelly sa usapan.

"Hello! I'm Kellyn Ann, pero kelly nalang” si Kelly na agad na iniabot ang kanyang kamay.

 Nakipagkamay din si jasper kay kelly at parang natatae sa saya si Kelly nang hawakan ang kanyang kamay. Natapos na nga ang pagpapakilala nila sa isa't isa ng dumating na ang aming prof.

 Natapos ang klase at tulad ng dati ay sabay nga kaming uuwi, nagulat ako ng biglang akbayan ako ng isang lalaki, pagkatingin ko ay si Jasper pala.            

 

“Kayo naman oh, uuwi na pala kayo hindi niyo man lang ako isasabay?” nagpapa-cute na boses nito.

 “Aba! Ba't ka namin isasabay? Close ba tayo.” ang mataray kong pagsasalita sabay taas ng aking kilay.

Ngumiti lang si jasper at sabay sabing. "Ang cute mo talaga."

“Hoy sinong nagsabing hindi siya pwedeng sumabay?” pagsingit ni kelly sa usapan.

 “Kung gusto niyo magsabay ay magsabay kayong dalawa!” ang mataray ko pading pagsasalita.

“Oh sige na nga, hindi na ako sasabay pero yung friend request ko ha i-accept mo.” Sagot ni Jasper sabay muwestra ng kamay nito sa amin.

 “Hoy friend ano yan ha! Ikaw ha ipagpapalit mo na ako.” pagtatampo ni kelly

“Shunga friend request lang sa fb yon.” Sagot ko kay Kelly. Isang tipid na ngiti lang ang sinagot niya sa aking sinabi. Nakauwi na nga kami ni kelly sa kanya kanya naming tirahan. Pagkatapos kong kumain ay agad akong nag-computer at hinanap ang friend request ni jasper. Nakita ko nga ang isang friend request at tinignan ito “Jasper Lopez wants to be your friend.”

Hindi ko alam kung i-accept ko ba o ide-decline. Para bang may isang parte ng aking utak na nagsasabinh “Sige makipagkaibigan ka, wala namang masama eh.” At ang isang bahagi naman ay nagsasabing “Huwag kang makipagkaibigan diyan! May gagawing kalokohan lang yan.” Pero agad kong winaksi ang pag-iisip na iyon at sinabi ko nalang sa aking sarili na. “Friend request lang ito.” Pero nagtataka pa rin ako bakit ako nakakaramdam ng pagkasabik at pakiramdam ko’y napaka-espesyal ko gayong lalaki ang taong nakikipagkaibigan sa akin? Tinignan ko ulit ang friend request niya at agad kong pinindot ang “Accept” 

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon