Ang Kursong hindi ko Inakala [1]

22.4K 310 6
                                    

Chapter 1

            “May mga bagay tayong hinahangad, ngunit hindi lahat ng ating pinapangarap ay natutupad.

Pangarap? Lahat ng tao ay may pangarap sa buhay. Bata pa nga lang tayo ay lagi nang naitatanong sa atin kung ano ang ating pangarap sa buhay. Mayroong naghahangad na maging isang sikat na Artista, isang magaling at mahusay na Doktor at Nars. Matalinong Guro na magbibigay ng kaalaman sa mga bata. Isang inhinyero at kung ano ano pa. Pero sabi nga nila hindi lahat ng ating pangarap ay matutupad dahil minsan may mga humadlang sa ating mga pangarap.

"Tik Tak!!! Tik Tak!!! Tik Tak!!!" Paulit ulit na tunog ng aking orasan na nagsasabing bumangon na ako at umpisahan ang isang panibagong araw. Sabayan pa ng boses ng aking nakakatandang kapatid. Umaga na pala at kailangan ko nang bumangon dahil ito ang araw ng aking interview sa pamantasang aking papasukan. Hunyo 13, 2011 ito ang araw na pinakahihintay ko dahil ito ang araw na magsasabi ng aking pangarap sa buhay.

Paul Perez ang aking pangalan, labing pitong taong gulang, may katangkaran, maputi at masasabi ko naman na may itsura rin. Kilala rin ako sa aming kalye dahil  isa ako sa magagaling na manglalaro sa larangan ng larong “Dota”

Nang magising na ako'y agad akong naligo at nagbihis upang makarating nang maaga sa isang pamantasan. Nang makarating na ako'y kakaibang emosyon ang aking nararamdaman. Naghahalo ang saya at kaba sa aking dibdib. Masaya ako dahil ito na ang unang hakbang patungo sa aking pangarap at kaba naman dahil ito ang unang pagkakataon kong ma-interview. 
Isa-isang tinawag ang mga aplikante, hanggang sa ako na nga ang kakausapin upang malaman kung ano ang nababagay na kurso para sa akin. 

"Okay Mr.Paul Perez. Nakalagay rito sa iyong application form na gusto mong kumuha ng kursong Bachelor of Secondary Education major in Biological Science?" striktong tanong sa akin. Isang mahinang "Opo" ang aking naisagot dahil sa sobrang kaba.

 "Why do you want to be a teacher?" mataray na tanong sa akin.

"Teaching is my passion and I think that if I would choose that course I will be happy and contented." sagot ko sa kanyang tanong. Gusto ko pa sanang idugtong na parang sa pag-ibig kapag mahal mo ang isang tao magiging masaya ka at magiging kontento kapag kasama mo siya. Ngunit hindi ko na iyon nasabi dahil baka mabatukan lang ako.

Napatango-tango ito at tila nagustuhan ang aking sinabi ngunit biglang napangunot ito ng noo ng makita ang aking marka noong hayskul pa ako.

"Ngunit Mr. Perez. Hindi ko mapapayagan ang gusto mo dahil hindi qualified ang iyong marka sa napili mong kurso." iyon palang ang kanyang nasasabi ay tila binagsakan na ako ng langit at lupa.

Kaya ko naman talagang makakuha ng magandang marka noong hayskul ngunit dahil sa sobra kong pilyo ay hindi ko masyadong natuon ang aking atensiyon sa pag-aaral.

 Nang matapos na ang interview ay tila gumunaw ang aking mga pangarap sa buhay, sobrang nadismaya ako dahil hindi daw ako qualified sa kursong gusto ko, kaya't nagbigay ang naginterview sa akin ng kursong babagay daw sa akin at ang kursong ito ay ang "Kursong hindi ko Inakala." -Mass Communication.

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon