Ang Kursong hindi ko Inakala [26]

8K 105 11
                                    

Chapter 26

"Halata ko Paul. Noong nakita palang kita sa inyong bahay ay pansin kong hindi ka masaya, kitang kita sa mga pagkilos at reaksyon mo na tila ba may kulang. Hindi mo man sabihin alam kong dahil iyon kay JL. Kaya ginawa ko ang lahat mapangiti ka lang sa iyong kaarawan. Akala ko nga'y magtatalon ka sa tuwa ng makita ako, ngunit nagkamali ako. Oo alam kong gusto mo ako noon pa ngunit napakalaki kong tanga dahil pinalagpas kita, sising sisi nga ako kung bakit hindi ko man lang naisip na ligawan ka. Siguro'y nahihiya ako ngunit alam kong mahal din kita. Noon inamin ko sayo na mahal kita alam kong huli na dahil may iba ng nagpapatibok ng iyong puso alam kong may iba ng nagpapasaya sa iyo at iyon ay si JL. Sobrang naiirita ako at nasasaktan sa tuwing makikita ko kayong magkasama at masaya. Mas gugustuhin ko ngang tamaan ng kidlat kaysa makita kong magkasama kayo. Tama nga sila, nasa huli ang pagsisisi. Kung dati ko pa sana tinanggap ang pagmamahal mo eh di sanay hindi ako nagkakaganito. Sa tuwing gabi bago ako matulog ay ikaw ang aking inaalala. Para nga akong tanga dahil habang yakap yakap ko ang litrato mo ay umiiyak ako. Sinubukan kong kalimutan pero sobrang hirap talaga, hindi ka talaga mawala wala sa isip ko, ngunit nang dumating si Kate sa buhay ko, doon nagumpisa na unti unti kang limutin. Ngunit bigla nanaman nagsindi ang nagbabaga kong pagmamahal sayo ng naramdaman kong malungkot ka dahil sa lalaking inibig mo. Noong nagpaalam ka na matutulog ka na ay hindi ako naniwala bagkus ay sinundan kita at nagtago upang hindi mo makita. At nang makarating ka na sa bar at nakita kitang umiiyak ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko. Alam kong inaaantay mo ang iyong nobyo dahil panay tingin ka sa iyong cellphone, ngunit ng mag-alas kwatro na at hindi ka na niya sinipot ay parang nadurog ang puso ko. Hinayaan ka niyang malungkot at nagiisa, gusto sana kitang samahan ngunit naisip ko na baka dumating padin siya at ako'y mapahiya. Kaya noong oras na lunod ka na sa alak ay pinigilan na kita at inakay pauwi." paglalahad ni Jasper sabay punas ng kanyang luha. 

Hindi ko maiwasang mapaluha at bumalik ang dating alab ng aking puso para sa kanya. Ramdam ko na bukal ang sinasabi niya at halatang may pinaghuhugutan. 

Pagkatapos magkwento ni Jasper ay hindi ko naiwasang yakapin siya at umiyak. May pagtingin pa pala siya para sa akin. Ngunit kung magbibigay man siya ng pagmamahal niya para sa akin ay hindi ko iyon masusuklian dahil may ibang nagmamay-ari ng puso ko

"Salamat Jasper! Salamat sa pagiging isang mabait na kaibigan at salamat sa pagmamahal na binigay mo. Kaso nga lang ay..." hindi ko na natapos ang aking pagsasalita ng bigla niya akong halikan. Naramdaman ko ang mapula at malambot na labi ni Jasper. Matagal ang halik na iyon bago niya ako pinakawalan. 

"Pasensya ka na Paul. Ayoko kasing masaktan sa sasabihin mo. Alam kong gusto mong sabihin ay, huli na ang lahat para sa atin." wika ni Jasper kasabay ang pagpatak ng kanyang luha. 

Hindi ko na nagawang magsalita pa at tila natulala sa mga sinabi niya. 

"Hehehe. Tama na nga ang dramang ito. Masaya ka na at masaya na din ako. Okay na yun." pagsasalita ni Jasper na bumasag sa pagkakatulala ko. 

"Haha. Oo tama." tugon ko sabay ngiti. 

"Basta lagi mo lang tandaan na palagi padin akong nandito kahit anong mangyari. Bestfriend mo padin ako at handa padin akong makinig sa mga problema mo. Okay ba yon?" nakangiting wika ni Jasper. 

"Okay na okay!" masayang tugon ko. 

Natapos ang aking kaarawan na may saya at lungkot. "SAYA" dahil nagkaayos na kami ni Jasper at naibalik namin ang dating sigla ng aming pagkakaibigan. "LUNGKOT" naman dahil sa napakong pangako ni JL na sabay naming ipagdiriwang ang aking kaarawan. Masakit man sa akin ay kailangan kong tanggapin at unawain na tapos na. 

Nang matapos na akong mag-almusal kila Jasper ay nagpasalamat ako sa kanya sa pagalalay sa akin noong malasing ako at agad din akong nagpaalam pauwi ng bahay. Ngunit nang malapit na ako sa bahay ay hinarang ako ng "Apat na batang lalaki" at bawat isa sa kanila ay may hawak na malaking kartolina. Nagulat ako at hindi ako nakapaniwala sa mga sumunod na eksena. 

Ang Kursong hindi ko Inakala (Bromance/BoyxBoy) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon