16: It's Fun

53 20 13
                                    

Jian's POV

Wait, Anong mali sa sinabi ko?

"Anong sabi mong You liked me?" she asked.

"Tss. I like you to be my friend. Para kang timang dyan." sabi ko at tumawa ng marahan.

"ASSUMING KA NAMAN NA GUSTO KITA." I added.

"Yahh! Ewan ko sayo!" sabi niya at inirapan ba naman ako?

Dumating na ang order namin at nilapag ko nq ang pagkain. Tumahimik kaming dalawa at kanya kanya sa paglamon. Grabe andami pala talaga ng inorder ko. Habang kumakain ako, inisip ko rin naman yung sinabi ko kanina. Posible bang hindi ko talaga siya magustuhan?

'Kung hindi ko lang to dapat gawin, magugustuhan ko sana ang babaeng kaharap ko'

"Hoyy! Tahimik mo ahh!" sabi niya habang may laman pa ng pagkain ang bibig. Tss. Kahit kailan talaga.

"Just eat up, You're gross." I smirked.

Kahapon lang kami nagkakilala pero ang close na namin sa isa't -isa. Ang ingay kasi at ang daldal, kaya ayun I feel comfortable tuloy kapag kasama ko siya. Hence, matagal ko na siyang kilala, pero bilang Althea hindi bilang manunulat na nagsusulat ng tula at inspirasyon ang kupal na Jeremy na yun.

Althea's POV

Tignan mo tong mokong nato, Kanina ang ingay ingay tas biglang nananahimk. Sinabihan pa akong assuming? Malay ko  ba na hindi niya ako type o gusto diba. Tss. Very weird.

"Hoyyy! Tahimik mo ah!" sabi ko at kumagat ng barbeque. Ewaan ko ba ang lakas ko kumain eh, ang payat ko naman.

"Just eat up, you're gross." walang ganang sabi niya at nagsmirked pa. Iwww! Di bagay.

"TSS. As if namang bagay sayo magtaray!" sabi ko at tinutok sa kanya ang hawak kong tindor. At siya naman parang tinga na nakataas ang dalawang kamay na parang nag-susurrender.

"Oo na hindi na, Mukha kang mamatay tao eh." sabi niya at tinuon ulit ang pansin sa pagkain.

"Tss. Ikaw nga mukang kriminal." pang-aasar ko. Pero nabawi rin ang pagtawa ko ng mag-poker face siya.

"Okay, ang panget mo di bagay!" kinain ko na ang barbeque at isda. Para ngang ako ang mamakaubos eh, ambagal kaya niya kumain.

"HOYYY! Wag mo nga akong titigan!" naiiritang sabi ko habang kinakagat ang barbeque.

"Oh ayan tissue! Punasan mo labi mo." at ayun binato niya sakin ang isang pack ng tissue. Daheck!

"Adik ka talaga no!" sabi ko at kumuha ng isang piraso, baka kasi pati tissue dito may bayad. Lima per kuha.

"Tss, So pulis ka ganun?" sartiskong sabi niya.

"Kung pulis ako, matagal na kitang kinulong."

"Eh hindi ka naman pulis, so okay lang."

 I hate this man.

---------------

Tapos na kami kumain sa mamahaling restaurant na yun at to be honest halos ako ang nakaubos ng pagkaing binili niya. Kaya bala siya dyan kung magutom siya ng de oras.

"Saan tayo next?" tanong ko. Sumakay kami sa kotse na pinag-parkan namin kanina. Geez! Nasa room pa ang gamit ko. Don't tell me uuwi na kami?

"Hoyy! Uuwi na ba tayo?" takang tanong ko.

"Chill, Alas dos palang doon muna tayo sa isang place." sabi niya at nagmaneho na rin.

Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMWhere stories live. Discover now