01: I Like You

431 31 36
                                    


"AYYY! Putekk!"

Nalaglag ko ang mga bitbit kong gamit nang mabangga ako ng lalaking napakabilis tumakbo na akala mo hinahabol ni Flash.

Kanina pa ako paikot-ikot sa Academy err-- University na 'to pero hindi ko parin mahanap ang room ko. Napakalaki kasi ng building at hindi ko parin siya kabisado kahit nag-aral na ako dito ng isang taon.

Sinundan ko yung lalaki kaninang hindi man lang nag-sorry. I'm busy following that guy pero bigla nalang siyang nawala sa paningin ko nung binalikan ko yung ballpen kong nalaglag kanina.

Huminto ako sa tapat ng isang silid, Ito na ata ang pinakahuli at dulo. Doon ko nakita ang mga kaklase ko dati at yung lalaking tumakbo kanina na HINDI MARUNONG MAG-APOLOGIZE.

"Nakarating na ko dito kanina ah." bulong ko sarili ko. Nakita ko yung pangalan ko sa attendance at napansin ko na ito din yung nakapaskil kanina. I saw the school year above and I guess it came from last year. Damn it!


I quietly enter the room and I saw one of my classmates last year. It is Krishia. Nagtuturo na ngayon ang nakatalagang guro at napakaaga ko talaga para maabutan ko yon'.

Krishia is also my classmate back when I was in first grade. Sabay rin kaming nakapasok sa section na to' kaya eto, tropa tropa chill chill lang.



"Pre, Late ka na ah. Sabay pa kayo nung lalaking yun." tumango nalang ako at umupo sa tabi niya.

"Kilala mo ba yan? Alam mo bang nabangga ko niyan kanina at hindi man lang humingi ng tawad?"


Tinuro ko yung lalaking nakabangga sa akin pero hindi na sumagot sa Krishia at tumingin nalang sa board.


"Pasalamat ka, pre. Nakatalikod si Ma'am."

Nakinig na ako sa harapan at doon ko nakita ang mga bagong mukha ng mga kaklase ko. Si Krishia at Rein palang kasi ang kilala ko. Sila lang kasi ang mga kaklase ko dati na napunta sa sectiong 'to.

Inopen ko ang bag ko dahil pinalabas kami ng one-forth sheet at ballpen. Alam niyo bang first day of school wala akong gamit. What a fresh school start!

Nanghingi ako sa katabi kong nasa kabila. Dahil parehas kami ni Krishia na nakakaranas ng shortage sa papel, Humingi ako ng papel sa babaeng maypagka-familiar sakin. The last thing I check, there's a heart on her name.



Kung may papel na ako, wala naman akong ballpen. Hindi eh, unti nalang talaga di na ako papasok.

Nanghiram ulit ako ng ballpen sa hiningian ko ng wamport. Kung ako lang yun siguro sinabi na niya ako ng wag na mag-aral.

Sinulat ko na yung section ko at name. Saka pala hobbies, pinapasa ko na rin yun sa harap at sinundan naman siya ng introduce yourself.

As we all know naman, kapag pasukan laging may ganyan. Even college rin naman. Nagsimula sa umpisa at buti nalang dulo ako. Doon na talaga ako nakinig na as in all ears. Pinakinggan ko yung lalaking kanina pa ko nacucurious kung sino.

And later on,, He is Jeremy Buenavista. He's kinda handsome and nagkaroon siya ng more appeal to me, I guess?

Soon, hindi ko inakala na aabutin ako ng Introduce Yourself chuchu. I forgot to say nga pala na magdedescribe kayo ng isang bagay na may kinalaman sa Math. So, the last thing I check, kay Jeremy ay Positive Sign? Clearly, alam na rin naman natin ang meaning yun.

"My name is Althea Marie Gonzales, You can call me anything you want but I like being called by Amie. I think the one that can describes me is Positive also?" Halos lahat naman ata sila Positive, addition at multiplication ang sagot.



"I can be positive in every way?" Luh, Sinabi ko yun?

Nagdaan pa ang maraming minuto, Sobrang nabobored na tuloy ko. Tinignan ko muna is Jeremy mula sa likod. Wala rin siyang kausap gaya ko. I feel him rin. Ang lungkot diba? Dapat tayo nalang nagkatabi eh, naging close pa sana kita. Charot.

Since First day, wala naman kaming masyadong ginagawa. Lumabas din sandali ang teacher namin kaya kinuha ko muna yung cellphone ko sa bulsa.

Patago kong binuksan ang Cellphone ko para ichat ang bestfriend kong si Hailey sa kabilang section. Sayang kasi di kami magkaklase edi sana ang ingay ko na ngayon. Hinanap ko siya sa chat list at tignan mo tong babaeng to, online! Makwento nga si Mr. Jeremy,

Althea: Sissy, Kumusta dyan?

Althea:
Pre, may gwapo
akong kaklase dito, kumusta
ka diyan? Ang boring eh
Siguro matatalino sila lahat kaya ganito :'<

Hailey:
Tss Section 1 ka nagcecellphone habang may klase, Cheap dudez! Teka, Ano pangalan ng gwapo?

Althea:
Tsk.Wag na baka agawin mo pero huhuh ang boring sa room ang tahimik nila parang may lamay.

Hailey:
Teacher niyo ba kasi asan??

Althea:
Ayun nagtuturo ewan ko ba mukhang nagbibigay ng sched. Dat pala umabsent ako

Hailey:
Ewan ko sayo, Wag ka na pumasok kamo, Kami nga walang teacher eh saka andito yung halos kaklase natin last year' Kaya di akward at ang saya pa. GINALINGAN KASI MASYADO.


Althea:
Huwag mo na akong inggitin baka masapak kita pag nagkita tayo. Nababagot na ko dito super..

I was busy typing ng kinalabit ako ng katabi ko. Bigla kong tinago ang phone ko at nagulat ako na halos lahat sila nakatingin sakin. Ganun ba ako kaganda?

"Ms. Gonzales, Did you ask permission to used phone in class?"

OMG! PATAY

Last na natandaan ko, tumunog pa ang phone ko nang magchat si Hailey. Shet, bakit di ako nakasilent?

Tumayo ako sa upuan ko at halos lahat ng kaklase ko nakatingin sakin. Errr--- I'm a dead meat.

"Sorry po Ma'am. Di na po mauulit."

Puro salita lang ni Maam ang natanggap ko, about rules and ekekness at maraming pang iba. May narinig pa ako about sa parent's consent chuchu.

Di naman ako kinakabahan kasi nga parang wala lang.. Sanay na ata ako, pero di ko talaga matanggap, nakatingin siya sakin at parang may malalim siyang naiisip. Am I so much assuming?

"Baka Iniisip niyang ang bad bad ko. Shettt!!"



Dear Mr Someone,

Alam ko na rin ang pangalan mo, Tapos nagulat ako tinitignan mo pa ako? Trip mo ba ako? o sadyang ang tanga ko lang kasi nagcecellphone ako ng class hours. Hay, I'm looking forward to know you better and I wish I can call you Jemimy as you said earlier. Pls let me be your friend :>

Sincerely,
Althea
Classmate mong medj tanga.

-------------------
A Silent Letter For Him
To Be Continued..

Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMWhere stories live. Discover now