17: First Fight?

55 20 12
                                    

Althea's POV

"Tanggalin mo yang kamay mo sa balikat ko, baka masapak kita anumang oras."

"Tss. Big deal ba yun?" sabi niya at lumayo sa akin ng ilang distansya.

"Buti naman nakikinig ka." sartiskong sabi ko.

"Hmmm, Guys! Btw, Ito nga pala si Belle, friend ko." sabi ni Bianca. Kakarating lang siguro nung Belle, mukha pa siyang fresh eh habang ako haggard na sa sobrang daming rides na nasakyan namin kanina.

Napatingin ako kay Jian na todo titig kay Belle, btw she's so pretty naman kasi. Siya nga ata ang pinaka-beautiful samin ngayon. Nuxx; Spell Beautiful**

"Hoyy! Don't tell me ,na love at first sight ka hah!" kinalabit ko si Jian na nakatitig parin sa babae. Lumingon ako. Nginitian rin siya ni Belle. Aww cute, nawawala ang eyes niya.

"So, saan tayo guys?" tanong ni Krishia at parang naeexcite narin. Geez! Katatapos lang namin ni Jian, sakyan ang extreme rides.

"Buti sinama mo ko dito" he said at todo sulyap parin kay ate girl.

"Tss. One of the girls, Huh!" I murmured.

-*-

Sumama ako kila Rein at Krishia. Iniwan ko si Jian sa likod. Nakihilera naman siya kila Bianca at Belle. Sabi ko na nga ba, unti nalang gusto niya na yung babae.

"Mukhang may gusto si Jian kay Belle hah" sabi ni Rein saming dalawa. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng lungkot. Bagay naman kasi sila, saka besides mag kaibigan kami ni Jian for almost an hours. 

"Ahh oo, Ganyan talaga yan. Di naman gwapo." iritang sabi ko.

"Wehhh? Ang gwapo kaya ni Jian." —Rein.

"I agree." Krishia added.

"Okay, fine  Gwapo na si Mokong, Tara na nga!" pagyaya ko sa kanila. Actually di ko alam ang pupuntahan namin, nakikilakad nalang ako.

"Hmm, Guys, dito muna tayo!" sabi ni Bianca at doon kami tumigil sa isang malaking boat. Man-made ang pool, alam niyo yung swimming pool pambata? Doon siya gawa.

Kasasakay ko lang ng pool kanina hah.

"Psst! Mariee, pumunta ka dito!" sigaw ni Jian kaya lalo akong nairita.

"Wag mo nga akong tawagin sa Second name ko. Itong Angelo na to, di naman anghel."

"Paano mo nalaman na Angelo ang 2nd name ko? Stalker ka no."

"Hell no, Nasa resort niyo kaya kanina. Nasa menu pa ng restaurant. Jian Angelo Lane. Pakkk! Ampanget ng pangalan."

"Kaysa naman sa Althea Marie Gonzales!"

"Okay, Guyss! STOPPPPP!" pag-aawat samin ni Bianca. Di ko namalayang nakatingin na silang lahat samin ni Jian. Lagi nalang kami nag-aaway, Immature kasi.

"Tss. Adik kasi yan si Angelo eh."

"Pati rin yung Marie!" he added.

 Gosh! He's nuts.

Tumingin ako uli sa kanya with my super duper dead glare. Akala ko iiwasan niya lang ang tingin ko pero hindi pala—dinilaan pa ako ng mokong.

---------------

"ANGELOOO LANEE! LAPITT!" sigaw ko sa kanya.

Mag-aalasingko na at nasakyan na namin lahat ng rides. Yung iba nga inulit lang namin. Nag-enjoy naman ako kahit papaano, syempre with other friends din. Sila Rein, Krishia,Bianca at Belle.

Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMWhere stories live. Discover now