06: Hailey's Side

114 25 6
                                    

(Earlier that day)

Hailey's POV

Alam kong masasaktan si Althea sa gagawin ko pero parang ito na lang ang kaya kong gawin para sakin. Hindi naman pwede sa kanya nalang lahat.

Si Hailey na sikat at popular sa school na may bestfriend na isang babaeng boring. Ako yun..

Si Hailey na mabilis lang makapagpalit ng boyfriend. Ako rin yun..

Alam kong gusto ni Althea si Jeremy, pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Alam ko ring masisira ang pagiibigan namin, pero para sa akin kailangan kong gawin ang isang ito.

Si Jeremy ang pinsan ni Josh. Ambilis makakalat ng balita diba? Pero stop, ako palang ang nakakaalam. Kaming dalawa palang ang nakakaalam ni Josh sa buong campus.

Pero bakit nga ba ako nakipagbreak kay Josh? Simple.. Masyadong mabait. Amboring kaya pag masyadong mabait ang jowa, eh ang gusto ko yung tipong badboy ang dating.

Ang tipong si Jeremy.

And by the way, Kung the way na ituring ako ni Althea. Akala mo sobrang bait niya, Eh alam ko namang kinakaibigan niya lang ako dahil sa kasikatan ko no. At ewan ko ba, sinadya kong hindi ibigay ang assignment niya sa Filipino that time, pero bakit kinuha ni Jeremy yun?

That boy again, Don't tell me mabait na siya kay Amie? You know, ang mga lalaki kasi may expiration din. Hindi sila yung tipong pangmatagalan, kasi pag lalong tumagal mas lalong sasakit. Parang sila nga pinaglalaruan lang ang mga babae, at motto ko rin yun sa buhay.

"Hailey! Bumaba ka na dyan, Kakain na."

"No thanks,." I shrugged and rolled my eyes. That's my mother, akala mo kung makaarte isang mabait na ina, Kulang na nga lang ipaadopt niya na ako sa ibang tao dahil ayaw niya sakin.

Isang manager sa entertainment ang mother ko, Manager and pede rin siyang maging isang actor. Hanggang ngayon hindi niya parin ako pinapakilala at sa labas ng media single siya.

Wala rin akong father sa tabi ko. May iba na siyang pamilya. Halos lahat naman ata ganun at ang mas masakit hindi apilido ni Mama ang gamit ko kundi apilyedo ng ibang tao.

"Hailey, ano ba! Bumaba ka na dito." she said angrily.

Tss. Act like she cares on me.

"No Mom! I can eat upstairs." I said.

Pumasok na ako sa kwarto ko at di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Ang isang Hailey Dizon, iiyak? First time ba yun.

Inopen ko nalang yung account ko at baka sakaling may makita pa akong maganda. I mean bad view..

Josh: Hailey mag-usap tayo

Josh:Ano bang nagawa ko sayo?

Josh: Bakit tinapon mo nalang lahat?

Josh: Bakit ganitoo?

Josh: Hailey Mahal kita.. Mahal na Mahal.

Damn you! Sabi kayo ng sabi ng mahal niyo ang isang tao eh hindi niyo naman kaya patunayan. Katulad lang kayo ng ibang mga boyfriend ko.

Hailey: Pag sinabi kong break, break na tayo. Walang extension.

Wala nabang ibang maganda sa paningin? Naiinis na ako, Naiinis na ako ng sobra sa sarili ko. Kung hindi siguro ako famous at popular; wala akong kaibigan. At yung Althea na yun, na kumausap sa akin nung First day of school nung 1st Grade kami, kagaya rin ng iba kong mga kaibigan. MGA PLASTIC!

Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMWhere stories live. Discover now