03: Friend Request

174 30 19
                                    

Althea's POV


"Di ko alam hah, Pero close niya sila Miel, Siguro kausapin mo lang siya or pede mo siyang kaibiganin as in. Mukha namang di masungit. Saka Crush mo siya diba? Based, sa narinig ko."



Ewan ko ba kung seryoso yung katabi ko or nanakot. Di ko kasi ma-explain ang face niya. Parang seryoso na galit na ewan. Pero btw ang helpful ng sinabi niya. Eh paano ko nga ba gagawin?



"Ahmm Thank you hah, Sana maging friends tayo. I'm Althea, Call me anything you want. :>"




"Sure? Kahit pangit tawag ko sayo?" tumawa siya. Napatawa narin ako kahit medyo naooffend ako dun.




"Uy joke lang, Hahaha! I'm Heart."nakipagshake hands siya sakin at ngumiti siya. Not bad, ang ganda niya pala lalo na pag nakangiti saka mukhang mabait pa.




------------


Dumating pa ang maraming araw at nakakapag-adjust narin ako sa 1st section. Pero may something talaga na palagi akong kinakabahan. Tuwing may quiz suprise man o hindi. Alam mo yung tipong kinakabahan ako at namemental block? Ang lamig pa ng kamay ko at mukha akong tanga na ewan habang hawak ko ang ballpen nakikisama sa nginig.




Hindi naman ako ganun kabobo. Feeling ko lang talaga wala akong alam ngayon. Kinakabahan ako sa bawat sulat na problem ni Ma'am about Reviewing Polynomials. Yeah, Madali lang sa iba pero nanginginig na ako na parang di ko alam ang sagot.





Kinopya ko lang ang problems at inantay na matapos si Ma'am magsulat. Naiinis ako at ilang beses kung pinupukpok ang ulo ko na parang sira. Hindi ko matandaan kung paano ito isolve. 1-15 pa naman ang test, Paano pag nazero ako?



Section 1? Mazezero?


Paano pag sabihin ko nalang kay Ma'am na hindi ko pa alam?




Nakakahiya diba?



Paano pag wag nalang ako magtest?



Pwede ba yun?



TAKTE! DI KO NA ALAM GAGAWIN KO.




Dumaan pa ang maraming segundo na wala pa akong naisusulat na sagot. Kahit FOIL nakalimutan ko kung paano gamitin. Ganun ako kamental block ngayon. Namamawis na ang kamay ko at tila naiiyak na rin ako. Hindi ko talaga alam ang isasagot.





"Okay Class, Last 5 minutes." saad ni Ma'am Laxamana na lalong nagpakaba sa akin. Di ko alam kung mazezero na ba talaga ako tuluyan. Math pa naman ang subject mahirap na makahabol.. Paano na ba?





"Uyy, Okay ka lang?" tanong ni Ate Heart sakin na tila nagtataka.






"Wala pa kasi akong nasasagot eh, Hindi ko na alam." naiiyak na sabi ko. Mabuti nalang mahina ang boses ko kaya di narinig ni Ma'am. Doon niya tinapik ang likod ko at saka lumapit sakin ng kaunti.



"Kahit yung no.1 di mo alam?" malumanay na tanong niya. Tumango nalang ako dahil hindi ko talaga ang gagawin ko, two minutes na lang, magchecheck na.





"Sige kopya ka nalang." sabi ni Ate Heart na kinagulat ko. Pinakita niya ang papel niya. Medyo malapit siya sakin kaya hindi kami nahahalata.



"Thank you talaga ate ah, Ako na magsosolve ng iba." sabi ko at kinopya ko ang unang solution. Pagkatapos nun ay naalala ko na kung paano isolve ang lahat. Lalo na yung FOIL na First, Outer, Inner and Last. Buti yun lang halos lahat ng problem.




Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon