Shattered Memories - Chapter 30

8.9K 363 50
                                    

Chapter Thirty

Ishi moved to Delvert's house that very afternoon. Kakaunti lang ang gamit sa bahay nito, just the simple things and appliances needed for necessity. "My place is a lot better than that stinky old apartment, don't you think?" ani Delvert na naunang maglakad sa hagdan. "You should have really called me last night. Kung may balak ka palang maglayas eh di sana nasundo kita... nabigyan kita ng mabangong kuwarto at air-conditioned pa."

"Oo na, Delvert. Paulit-ulit ka. I didn't know what to do yesterday. Wala naman akong matinong plano sa pag-alis kong 'yon ano. Isa pa, hindi ko nga rin alam kung tama bang tumawag ako sa'yo."

Magaan na tumawa si Delvert habang binubuksan niya ang pintuan ng kuwarto niya. "Nahiya ka pa. We're friends, Ishi and we were more than that before. Wala kang dapat ikailang sa pakikipag-usap o paghingi ng tulong sa akin."

"Pero kahit na. I'm married to Robert and it's like I'm cheating on him."

"You did cheat on him," Delvert said with raised eyebrows. "You're a cheater and you're having my baby."

Her eyes squinted at his harsh words. "You're being a jerk, Delvert."

Nagkibit-balikat lamang ang lalaki. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Anyways, iniwan mo na rin siya. I know that you're starting to like him again. Halata naman. He loves you and now maybe you're feeling the same for him. That's good news for the two of you. But... you're having my baby," he says with a tight smile on his lips. "And you left him anyway."

"What are you trying to imply, Delvert?"

"May balak ka pa bang balikan ang lalaking 'yon?"

Bumuka ang bibig ni Ishi. Namimilog ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga mata ni Delvert na seryosong nagtatanong sa kanya. "W-Wha-wh-what?" She closed her mouth and swallowed the lump on her throat. "Do you expect me to leave him?"

"You already did that."

She groaned out of frustration. "Can we please just not talk about this? I am tired and hungry. Gusto kong mapahinga ang katawan ko at gusto ko ring mapahinga ang utak ko sa kakaisip. So please, Delvert, do me a favor and shut the fuck up with all that crap."

Ilang beses na tumango si Delvert. "Okay, okay..." He looked away and exhaled exaggeratedly. He tried to look back at her but he couldn't. He stared everywhere but her face. "I'll..." He sighed again. "I'll just go order our food."

Pinanuod lamang ni Ishi ang likod ng dati niyang nobyo na naglalakad palayo. Hindi nakalampas sa pandama niya ang lungkot at disappointment nito. Tila dinudurog ang puso niya dahil doon. Alam niyang umaasa ito na tuluyan niyang iiwan si Robert. But she just can't.

Pinasok na niya ang kuwarto ng lalaki. His scent assaulted her nose. Inilibot niya ang tingin sa paligid. Simple lang ang kuwarto nito. There's no personal touch in it except for his own scent. Ni walang sariling larawan o ng pamilya nito sa dingding. Halatang pang panandaliang tirahan lang ng lalaki ang bahay na iyon.

She approached the bed. She touched the sheet and pressed her hand on the mattress. Malambot, aniya sa isip-isip. Humiga na siya roon saka niya ibinalot ang sarili sa kumot. Muntik na siyang mahimlay sa pagkatulog. Nabalik lang siya sa ulirat nang marinig ang boses ni Delvert.

"Ishi—oh you're sleeping."

Nakapikit ang isang mata na binalingan niya si Delvert. May bitbit itong mga pagkain.

"Matutulog ka na ba? You should at least eat before you sleep. Hindi ka kumain ng matino kaninang umaga hindi ba? Sasaktan ka ng tiyan bukas panigurado 'yan."

Pinilit niyang bumangon sa kama. "Yeah I should eat for the baby."

Delvert smiled warmly. "Right."

Kinain na ni Ishi ang pagkaing inorder ni Delvert. Hindi niya mapigilang mapangiti sa baso ng gatas na ihinatid nito mayamaya. Ramdam na ramdam niya ang pag-aalaga nito sa kanya kahit wala naman silang matinong relasyon ng lalaki.

Shattered Memories [R-18] [Completed]Where stories live. Discover now