Chapter 45

30.5K 435 24
                                    

Spg haha


VERONICA

"Something's bothering you. I know it."

Tapos na kaming mag dinner at muli niya nanamang pinansin ang pagiging tahimik ko. Eh ano bang pake niya? Ganito naman talaga ko simula pa nang magkita kami.

"I told you it's nothing. Will you just let it go?" Sagot ko. Medyo naiirita na.

"Wag mo lang ulit subukang lumayo sakin. I'm telling you right now, hindi ka magtatagumpay." Seryosong sabi niya habang nag mamaneho.

Sana nga ganon lang kadaling tumakas ulit. Ano ba kasi itong nararamdaman ko? Is this guilt? Na gi guilty ba ako? Eh bakit naman? Biktima lang din naman ako.

Buong byahe pauwi ay tahimik lang talaga ako. Nang malapit na kami sa condo ay mukhang nag sawa din siya at tinigilan na ang kaka kulit sa akin kung anong problema ko. Hindi niya ba talaga napapansin na siya ang problema ko? Kairita ah.

"Ma'am. Welcome home po, kamusta po?" Salubong sa akin ni Ate Tessie.

Agad naman siyang pinanlakihan ng mata nang makita niyang kasunod ko si Guideon. Kinikilig na bumalik siya sa kusina.

Tahimik ang bahay kaya malamang tulog si Hallie.

"Where's Hallie?" Tanong ni Guideon.

"Baka nasa kwarto. Malamang ay tulog na iyon." Kaswal ko lang na sagot.

Tinanguan lang ako ni Guideon bago dumiretso sa kwarto ko na parang bahay niya din ito. Namimihasa ata siya. Dumiretso ako sa kitchen at saka kumuha ng baso at isang boteng wine. Nagiging alcoholic na ata ako dahil sa bwisit na lalaking 'yon.

"Uy. Mukhang may nagkabalikan." Tukso ni Ate Tessie na nagpupunas ng kitchen counter.

"Ano ka ba ate! Hinatid lang ako nung tao. At saka, si Hallie ang pinunta non dito." Sagot ko.

Nagsalin ako ng wine sa baso hanggang sa halos kalahati na ng baso ang puno. Naging alcoholic nalang talaga ako.

It's time for Guideon and I to talk. Kailangan ko lang ng konting pampalakas ng loob. Ilang sandali pa ay lumitaw siya sa sala.

"I'll go ahead, V. Magpahinga ka na." Lumapit siya sa akin para halikan ako sa pisngi.

Tumalikod na siya at doon lang ako nakapag salita.

"No. Stay. Let's talk." Paulit ulit akong lumunok.

Tila nagulat siya sa sinabi ko pero nang maka recover siya ay lumapit siya sa akin. Niluwagan niya ang neck tie niya at nag relax sa couch katabi ko.

"I'll get you some wine. Magbibihis lang din ako." Sabi ko bago tumayo.

Nagpalit lang ako ng silk nightgown bago lumabas.

Ramdam ko ang matinding tensyon sa pagitan namin. You can do this V! Nag bihis muna ako sandali bago bumalik sa sala at kinuha siya ng isa pang wine glass. Kumuha din ako ng cheese plater dahil mukhang mahaba habang usapan ito. Sinusundan niya lang ako ng tingin the whole time.

The Second WomanWhere stories live. Discover now