Chapter 12

26.2K 346 29
                                    




Veronica

"Oh ayan. Ayos na yung sugat mo ha! Wala nang shards. Ano ba talaga kasing nangyari, V?" Inirapan ko lang si Tiffany dahil kanina niya pa ako kinukulit kung ano talagang nangyari.

Imbis na matuloy kami sa mall ay sa kalapit na ospital ako nakipagkita sa kanya. Nang makaalis ako sa restaurant ay doon ko lang naramdaman ang kirot na dulot ng nakabaong piraso ng baso sa kamay ko. Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako nakapag drive patungong ospital.

"I'm fine, tiff." Maiksing sagot ko.

Kakatapos lang tahiin ng doctor ang sugat ko. Malalim nga 'yon. Totoo namang ayos na ako dahil na turukan na ako ng anestisya kaya wala na akong maramdaman sa kamay ko.

"Anong fine? Tingnan mo, ang lalim ng hiwa mo! Paano ka nyan sa anniversary party ng Triumph?"Tinabihan niya ako sa inuupuan kong hospital bed.

I almost forgot about the anniversary party of Triump! Kilala ko ang may-ari at tagapag mana ng kumpanyang 'yon kaya naman invited ako. Hindi na ako nagtaka kung bakit alam ni Tiffany 'yon dahil maging sya ay sigurado akong invited din.

"Huwag ka ngang masyadong maingay. Nakakahiya sa ibang pasyente oh?" Muli ko siyang inirapan.

"Eh ano? Kayang kaya nating bilhin ang ospital na 'to 'no." Humalukipkip pa ang gaga.

Umalis na din kaagad kami ni Tiffany sa ospital pag tapos ma settle ng mga bayarin. Hinatid na niya ako pauwi at hindi na ako pinag drive dahil nga may tahi ang kamay ko. Sa byahe ay wala pa ding tigil ang bibig ni Tiffany.

"V, kamusta pala ying kini kwento mo sakin dati? Yung dine date mo?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. May nakwento ba ako sa kanya?

"What are you talking about?" Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

Tinapunan niya ako ng tingin pero binalik niya rin agad sa pag mamaneho ang atensyon niya.

"Diba sabi mo, you're dating a guy pero committed siya?"

"Ah, oo. We don't have any communication right now. Nagkaroon kami ng misunderstanding nung nakaraan." Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan.

Totoo namang hindi pa rin ako kino comtact ni Guideon eh. Gusto ko na nga siyang i-text kanina para sabihing nasa ospital ako. Pero knowing him, hindi ako pag aaksayahan ng oras 'nun.

"Hindi ko na talaga alam kung bakit pareho tayong tanga. Tingnan mo ko, yung jowa ko para namang buffet. Open sa kahit kanino. Bwisit na 'yun!" Padabog niyang hinampas ang manibela kaya napaigtad ako sa gulat.

"Tiff! Kumalma ka nga! Are we talking about Clinton?" I asked.

"May iba pa ba? Edi siyempre siya." Pinaikutan niya ang ng mata.

Clinton Joseph Rioveros is Tiffany's long time fiancé. College pa lamang daw sila ay nakatakda na ang kanilang kasal. Pero mukhang hindi pa ready na ikasal si Clint dahil saksakan siya ng pagiging babaero. Araw-araw ata iba't ibang babae ang kasama niya. Don't ask me why I know all this stuff. Kilala ko ang parents ni Clint at isa pa, siya ang may ari ng mga sikat na high end bars sa manila ang Zenith, Green Cave and may isa pa na hindi ko na matandaan ang pangalan.

"Sige na. Hindi na ako bababa. Kita nalang tayo sa Saturday ha?" Hininto ni Tiffany ang sasakyan sa tapat ng building kung san ako nakatira.

"Yeah. Thanks for dropping me off. Ingat sa daan." Tipid kong sagot at saka ko siya bineso bago bumaba.

Pinindot ko ang button sa elvator at hinintay na bumukas ang pinto. Ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataon na i-digest lahat ng pangyayari.

So I just saw my dad's wife and alexander's wife inside the same restaurant sitting on the same table. So what does that mean? Ano bang meron sa mga house wives at parang napapaligiran nila ako? Bumukas na ang elevator at sumakay ako.

The Second WomanWhere stories live. Discover now