Chapter 16

24.2K 279 42
                                    

Camille

Simula nang pag-uusap namin ni Mommy, hindi na ako napakali. I want to confront my Dad. Buong buhay ko tiningala ko siya. He was the best Dad that I could ever ask for, kaya napaka sakit para sa akin na malamang pinagtataksilan niya kami ni Mommy.

"Nandito ka pa p-pala." Nanlaki ang mga mata ko nang maabutan ko si Guideon na nakaupo sa garden at nag kakape.

Binalutan ako ng kaba dahil baka puntahan nanaman ako ni Greg dito at mag pang abot sila.

Tiningnan lang naman ako ni Guideon at nagpatuloy lamang siya sa pagbabasa ng dyaryo.

"Pupunta lang ako sa office ni Daddy." Paalam ko kahit hindi naman siya nag tatanong.

"Do what you want, the hell I care?" Tiningnan niya ako ng masama.

Parang dinudukot nanaman ang puso ko. Namanhid ang buo kong katawan at sa isang iglap ay gusto ko na lamang bumali sa kwarto.

Lumunok muna ako bago mag salita.

"S-sige, hindi na kita iistorbohin pa. Aalis na ako." Paalam kong muli.

Yumuko ako at umambang hahalikan siya sa pisngi ngunit mabilis niyang iniwas ang kanyang mukha. Napaiwas naman ako ng tingin, hindi ko alam kung dahil sa hiya o dahil sa sakit. Lumayo ako at tumalikod at saka nagsimulang mag lakad.

"Akala mo, hindi ko alam na may lalaking nagpupunta dito araw-araw?" Matigas ang pag-bigkas niya ng mga salitang 'yon.

Natigilan kaagad ako. Malamang nga ay alam niya. Hindi naman siya tanga. At saka hindi lang naman ako ang nakakaalam na araw-araw nga akong pinupuntahan ni Greg sa bahay.

"K-kaibigan ko 'yun." Kabadong sabi ko pa.

"Sa tingin mo, mapapaikot mo ako?" Wala pa ring pag babago sa tono ng boses niya.

"Ano bang p-pinag sasasabi mo." Nilakasan ko lang ang loob ko para masagot sagot siya ng ganon.

Kung sa normal na araw lang ay hindi ko siya kayang sagutin ng ganun.

"Oh, dear wife. If you think I don't know what game you're playing, nagkakamali ka. I'm a better player than you." Makahulugang sabi niya.

Eto nanaman ang sakit na rumaragasa sa buong pagkatao ko. Pakiramdam ko binabangga ako ng tren sa dibdib ng paulit ulit. Ano'ng ibig sabihin niya 'don? So, tama ako? Inaamin niya saking may babae siya?

"I'm not playing a game, Guideon." Aalis na sana ako pero nagsalita siyang muli.

"Huwag ko lang kayong mahuhuli ng lalaki mo, kundi I'll file an annulment immediately."

Hindi ko alam, pero natakot ako. Hindi ko kakayanin pag nawala siya sa akin. Patulo na ang mga luha ko kaya mabilis akong naglakad patungo sa sasakyan ko at pinaandar 'yon.

Ang unfair! Ang unfair, unfair niya! Siya pa ang may ganang sabihan ako na may lalaki ako? Samantalang obvious na obvious namang may babae siya at nag papaka sasa sila sa presence ng isa't isa?

Gusto kong mag-wala! Gusto kong suntok suntokin si Guideon! Pero bakit ang duwag ko? Bakit hindi ko siya kayang saktan tulad ng pananakit niya sa akin? Ganoon ba talaga ako katanga? Gano'n ba talaga ako kalugmok sa kanya?

Veronica

Napakunot ang noo ko nang may marinig akong nabasag mula sa loob ng unit ni Guideon. Tinext niya ako kanina na hindi raw siya papasok at puntahan ko raw siya dito.

I knocked three times at hinintay kong buksan niya 'yon. I was ready to call the police because I thought somebody broke in, but then he opened the door moments later.

The Second WomanWhere stories live. Discover now