Chapter 30

28.2K 332 18
                                    

Camille

Naka indian sit akong nakaupo ngayon sa couch namin kaharap si Dad na naka halukipkip at si Guideon na pinaglalaruan ang kanyang labi. Walang nagsasasalita sa aming tatlo.

Nanginginig ang mga daliri ko habang hawak ang mug na may lamang tsaa na si Guideon ang nag timpla. Malamig kaya't may nakabalot na kumot sa akin.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Dad.

Umiling ako.

I feel like shit. Para akong isang mangmang na walang kaalam alam sa paligid niya. Hindi man lang kasi ako inorient ni Daddy na may ganoong magaganap. I was dead shocked when I saw them dragging my mom outside the house. Nanay ko iyon eh, I looked up to her ever since I was young. Kaya hindi ko maiintindihan ngayon kung bakit umabot sa ganio.

"Look, Camille. I'm gonna tell you the truth because you deserve to know, but I need you to cooperate." Bumuntong hininga si Daddy at umiling.

Nag-iwas ako ng tingin. Kumurap ako para mawala ang mga luhang nagbabadya nanamang tumulo. Nanlalamig talaga ang buo kong katawan, hindi ko alam kung dahil buntis ako o dahil sa mga pangyayari kanina.

"Calm down, Camille." Malumanay na sabat ni Guideon.

Marahas ko siyang nilingon.

"Calm down, Guideon? Really? Nasa kulungan ang nanay ko! How am I supposed to calm down?!" Mariin akong pumikit at pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipilit na ibalik kung saan man sila galing.

"Crying won't change a thing. Makakasama lang iyan sa baby natin. Hush." Naging mas malumanay pa ang kanyang boses.

"Dad, ano ba kasi ito? Bakit mo ipinakulong si Mommy? What did she do?" Sunod sunod na tanong ko.

"Don't you really have a single clue in your mind?" Kunot noong tanong sakin ni Dad.

"No, Dad! Mag re react ba ako ng ganito kung may alam ako?"

"Camille- you're mom is drugging you and putting lies in your head!" Bulalas ni Dad.

Yumuko siya at hinilot ang ulo niya.

"What, Dad?"

"Ano, Pa?"

Sabay kaming nagsalita at sabay din naming tiningnan si Dad. Nakapikit siya at mukhang namomroblema. Ang hirap i digest ng pinagsasabi ni Dad. Bumuntong hininga nanaman siya bago muling nagsalita.

"You're mom has been doing this ever since you're young. Akala ko ay tinigil na niya ngunit heto at ginagawa niya nanaman." Kumurap ako.

"Are you sure about this, Pa? Bakit naman gagawin ni Mama iyon kay Camille?" Si Guideon ang nagtanong.

"Because she is crazy! She probably knew about Camille's sister at sinadya niya ang lahat." Bulalas ni Dad.

"What? You have a sister?" Bumaling sa akin si Guideon.

Si Veronica. Hindi ito ang oras para doon. I'll deal with it after this.

"I'll explain later.." Utas ko.

Sumimsim ako sa mainit na tsaa at binaba ang mug.

"Dad! I already told you. I was sick when I was a teenager. A year before we got married." Bumaling ako kay Guideon kasabay ng pagbigkas ko sa huling pangungusap.

"Camille, what the hell are you talking about?" Nalukot ang mukha ni Guideon.

"This is what I'm talking about. You're not sick, hija. It was all lies." Mataman akong tinitigan ni Dad.

The Second WomanWhere stories live. Discover now