Chapter 13

27.1K 393 86
                                    



Veronica

Hinanap ko kaagad si Joshua paglabas ko ng comfort room. It's time to play a game. Kung sinong unang magselos, siya ang talo. Though hindi ko naman talaga sure kung may patutunguhan ba ito. Knowing Guideon? Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang paghahanap kay Joshua.

"Josh!" Tawag ko nang matanaw ko siya sa di kalayuan.

"Hey. Where have you been? I've been looking for you."

"Oh, I was with some friends." Tipid ko siyang nginitian.

Magkasabay na kami ngayong nakikipag usap sa mga tao sa event. Tamang tama ang mga Gatherings na katulad nito upang maghanap ng mga posibleng investor o kaya naman ay business partner.

Malaki ang maitutulong ng exposure ko dito para sa nalalapit na launch ng collection ko. Ilang businessman na rin ang nakausap ko upang imbitahan.

Sa liit ng ginagalawan namin ay hindi maiiwasang magkasalubong kami ni Guideon. Kasama niya ang asawa niya, pero mukhang nag paalam ito sa kanya na aalis muna. Abala siya sa pakikipag usap sa isang matandang panot na sa tingin ko ay isa ding negosyante.

Sinadya kong hilahin si Joshua para mapadaan kami sa tapat nila. At hindi nga ako nagkamali. Napansin ako ng kausap ni Guideon.

"Veronica Bellerose! It's been so long hija!"Nilingon ko ang matanda na kanina lang ay kausap ni Guideon.

"Mr. Zhang, you look younger. How's the business going." Bineso ko ang matanda.

Hayan nanaman ang mapanuring titig ni Guideon. Parang tagos na tagos sa buong pagkatao ko ang titig niya. Pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay mas dumikit ako kay Joshua para makita niya.

Habang kausap ko si Mr. Zhang ay mas dumikit pa ako kay Josh. Sinadya kong idikit sa braso niya ang dibdib ko. Mukhang nakita naman agad ni Guideon 'yon dahil tumikhim siya. Mabilis ko lang siyang tiningnan at agad din akong nag iwas ng tingin. Nagpaalam ako kay Mr. Zhang at lumayo.

Ganyan nga Guideon. Magalit ka. Ang laki mong tanga para pakawalan pa ako. I smirked and got another glass of champagne. Napaparami na ata ako dahil medyo nahihilo na ako. Nag desisyon akong lumabas muna kaya nagpaalam muna ako kay Joshua.

Habang papalabas ay hindi sinasadyang may nabangga akong lalaki. Medyo matangkad siya at maputi na ang buhok.

"I'm sorry." I said.

"Are you okay, hija?" Sagot ng matanda. Tiningala ko siya.

Lasing na ba talaga ako? Bakit nakikita ko ang daddy ko?

Mukha namang hindi ako lasing. Natigilan ang matanda at unti-unting nag-tubig ang mga mata. Hinawakan niya pa ako sa magkabilang braso para mas makita ako ng mabuti.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Parang tinakasan ako ng malay. Nanlamig ang mga kamay ko at nanuyo ang lalamunan ko. Tingnan mo nga naman, kung hindi ba naman mapag laro ang tadhana. I've been waiting for so long for this to happen. Pero bakit parang na ba blangko ako ngayon?

"Veronica... My little girl.." He looked the same. Tumanda lamang ang hitsura niya ng kaunti at pumuti ang buhok.

Naestatwa ako at tuluyan na akong tinuluan ng luha. My dad is standing right in front of me. Ang dami kong gustong itanong, ang daminkong gustong sabihin. Pero bakit walang lumalabas sa bibig ko?

Akmang yayakapin niya ako pero lumayo ako at agad na tumakbo palabas ng mansyon. I just need a break. I need to think. I need to get a grip of myself!

"Sandali! Nica!" Habol niya pero hindi ako lumingon. I don't think I'm ready to face my dad.

Camille

The Second WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon